Part 43

16 2 0
                                    

“ Andito na tayo Babe” wika pa sa akin ni Sandy.
” Parang andami ng bisita ng lolo mo, uwi na lang kaya tayo. ” wika ko  pa dito sa kanya. Dahil andaming sasakyan naka park sa labas ng venue.
“ Bakit ka naman uuwi andito ako saka hinihintay ka ng lolo ko don. Ikaw iyong inaabangan niya na isasama ko at maging date ko. Saka wag kang mahiya andito ako kasama mo. " saad niya pa.

Pagkatapos ng maipark niya ang sasakyan, pinagbuksan niya pa ako, saka inalalayang bumaba.
Nilahad niya ang kanyang mga kamay, agad ko naman itong naiintindihan ang ibig niyang sabihin.

Nilagay niya sa braso niya ang mga kamay ko. Naglakad na rin kami , pagpasok pa lang namin sa loob bumungad agad sa amin ang madaming bisita ng lolo niya.

” Sandy andaming bisita ng lolo mo, ang yayaman pa nahihiya ako.” bulong ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa table namin.

“Bakit ka naman nahihiya sa gandang mo iyan.” sabay wink pa sa akin. Kaya nahampas ko siya ng mahina sa dibdib niya ,alam ko naman na di siya nasasaktan dahil sa tigas nito.

“ Totoo, di ako nagbibiro sa iyo Sandy.”  habang mahigpit ang hawak ko sa braso niya.
“ Chill, ka lang Babe andito naman ako eh." sagot niya sa akin sabay hawak sa likod ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit at magaspang na kamay niya na dumampi sa balat ko. Parang may kuryente na dumaloy dito, feeling weird when he touch my back.

Mas lalong nakikita ko ang pagiging caring niya, kahit noon pa man na di niya pa ako nililigawan mas lalong naging maalaga siya sa akin ngayon.

Though we're not even close before.

Ang ibang nadaanan namin na mga bisita ng lolo niya na nakapansin sa amin, na kakilala niya lagi kaming tinutukso.

Tulad ng ngayon.

“ Doc Sandy." bati ng isang lalaki na  naka business suit. Di naman siya masyadong matanda,  seguro matanda lang ng konti sa amin, tingin ko nasa line of 30's . Di ko siya kilala pero kilalang kilala naman siya ng kasama ko.

“ Kuya Vinson," tawag naman ni Sandy sa lalaki.
“ Kailan ka pa dumating?" tanong ni Sandy dito.
” Mga ilang buwan na rin ang nakalipas, medyo busy lang sa trabaho kaya di ako nakapunta sa inyo.” wika pa nito.
“ Sino pala ang magandang binibini na kasama mo ngayon?" tanong nito kay Sandy, ang tinutukoy niya ay ako.
“ I guess the woman that you're waiting for?" dagdag niya pa, di ko alam kung anong tinutukoy ng lalaki.
“ Hmm, yes kuya. And by the way,  this woman beside me, Jackie Duterte my soon to be gf and wife ."  pakilala niya pa sa akin. Sabay hapit sa akin, kinurot ko naman siya ng konti sa tagiliran niya.
“ Ouch, Babe.”daing niya.
“Babe, his my cousin. Kuya Vinson.” pakilala niya sa pinsan niya.
“ Nice to meet you, Miss Jackie." sabay lahad ng kamay niya.

Tinanggap ko naman ito.

“ Nice to meet you rin, Mr Vinson." magalang kong saad sa kanya.
“ Just call me kuya instead like Sandy.” wika niya pa.
“ Oh-okay,Kuya." nahihiya kong wika sa kanya.
“ Wag kang mahiya sa akin, mabait naman ako." wika niya pa.
“ By the way, maiwan ko muna kayong dalawa diyan, dahil may asikasuhin pa ako, nice meeting you again Miss.” sabay kindat sa akin.

Iniwan na nga kaming dalawa.

“ Let's go to our table Babe, I know nangangawit ka na." inilalayan naman niya ako papunta sa table namin.
Pagdating namin sa table, pinaupo na niya ako sa upuan.

Marami na ring tao sa paligid at busy sa pakikipag kwentuhan sa mga business partners nila na ka sosyo rin sa negosyo ni Don Apollo na lolo ni Sandy.

Marami na ring mga bisita ang nagsidatingan, pero iyong may birthday di ko pa nakita. Kilala din ang pamilya ni Don Apollo sa larangan ng business kaya maraming nakakilala sa kanya at naging ka sosyo niya sa negosyo.

YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now