Part 24

8 1 0
                                    

Still Jackie's Pov

“Ayoko na , ang anghang at ang asim . ” reklamo ni Elisa.
“ Sege ka magtatampo sayo si Jackie. ” panakot ni Laiza sa kanya. Tumingin din sa akin si Elisa kunwari iiyak ako kaya  kumain ulit siya, yon nga lang di maipinta ang mukha niya dahil sa sobrang asim.

Di ko na mapigilan natawa na rin ako ,kaya napatingin sila sa akin.
Parang nagtatanong na tingin sa akin.

“ Hey stop eating if you don't like baka mangasim kayo niyan.” pigil ko sa kanila, dahil alam ko na napilitan lang sila kumain non dahil ka gustuhan ko. They're afraid that I might sulk them.

Actually, ok lang naman di sila kumain non, pero mga kaibigan kong masunurin kumain din sila. Yon nga lang di maipinta ang mga mukha nila.

“ Seryoso.” sabay nilang tanong sa akin.

Tumango ako sa kanila bilang tugon dito.

“ Mabuti naman dahil nangangasim  na ako.” saad ni Laiza, saka malalim na bumuntong hininga .
” Akin na yan ako na lang kakain niyan.” saad ko.
“ Hey, enough na sa mangga, kanina ka pa kumakain nito, baka mangasim ka,” saway sa akin nina Elisa at Carlo.

“ Ok fine ,madali lang akong kausap, pero kayong dalawa ang umubos niyan.” balik kong saad sa kanya.
“ No, ayoko ko na, ang asim na.” reklamo ni Elisa “ Kung gusto mo  Carlo ikaw na umubos kasi ako,ayaw ko na.” dagdag pa ni Elisa .

“ Ayoko na rin ,dahil kanina pa nangangasim ang sikmura ko.”sagot niya dito.
“ Sabi ko nga sa inyo  ,ako na lang kakain niyan, masarap kaya.” wika ko pa.

“ Eh malamang, buntis ka.” saad ni Laiza.
“ Tapusin na nga natin iyong pinapagawa sa atin ng professor natin.” saad ko pa.

Di rin nagtagal natapos na rin namin ang ginagawa namin.

“ Finally natapos na rin tayo, ” saad ni Carlo.
“ Punta muna tayo sa garden ,wala pa naman tayong klase.” suhestiyon ni Elisa.

“ Tara.” ayon ni Laiza.
“ Arat na.” ani ko pa.

...........................

Natapos na rin ang klase namin, kaya napagpasyahan na namin umuwi.

Gaya ng sinabi ko sa kanila na ipakilala ko sila sa family ko, kaya sumama na rin sa amin si Carlo. Maglalakad na sana kami pauwi ng mga kaibigan ko pero nagpupumilit si Carlo na sumakay na lang raw kami sa sasakyan niya. Kaya sumakay na rin kami pauwi ng bahay. Kahit di naman kalayuan ilang minuto lang sana  ang lalakarin pero mapilit.

Sa di pa kalayuan nakita ko na may sasakyan na nakapark sa labas ng bahay ni Nanay Rosing.
Nagsibabaan na rin kami ng sasakyan, nauna na nga ako, sumunod naman sina Laiza at Elisa panghuli si Carlo dahil pinark niya pa ang  sasakyan.

Naglakad na rin kami papunta sa bahay, parang kinakahaban nga ako na hindi ko maipaliwanag dahil sa ilang taon na di kami nagkikita. Halong kaba at saya ang aking naramdaman. Dahil sa ilang taon na di kami nagkita.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang nakita ko na sa sala ang aking pamilya na matagal ko ng di nakakasama. Kasalukuyang naguusap sila ni Nanay Rosing, di nila ako napansin, kaya tumikhim muna ako para mapansin nila ako.

“ Ahemm,” pagtikhim ko para maagaw ang atensiyon nila. Kaya napalingon sila sa akin, nakita ko sa kanilang mga mukha ang pangulila, pagsisisi at pagmamahal para sa akin.

“ Magandang hapon.” masayang bati ko sa kanila. Tumayo agad yong mommy ko saka yumakap ng mahigpit sakin, kaya yumakap din ako pabalik sa kanya ng mahigpit. Naramdaman ko din, na may yumakap sa likod ko, sila Daddy at ang mga kapatid ko pala, naiiyak na rin, kaya naiyak na din ako. Tuloy nagiyakan kaming magpamilya dahil sa matagal na panahon na rin kaming di nagkikita.

YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now