Part 55

7 1 0
                                    

Third person POV

Lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ni Shania na hindi pala natuloy ang operation nong gabing yon. Sa kadahilanan na kailangan niyang masalinan ng dugo.

“ Morning Babe, I hope you're doing fine right now. I can't imagine the sweetest at memorable na natanggap ko sa birthday, ay iyong kagabi. Di ko akalain na ang babaeng pinapangarap ko noon ay nobya ko na ngayon, salamat sa lahat di mo alam kung gaano ako kasaya. I love you Babe, take care always and to our baby." bati ni Sandy kay Jackie sa text. Kagigising lang din ni Jackie, nakahiga pa nga siya nang tumunog ang phone niya.
Pagkatapos niyang binasa,  nireplayan naman niya agad ito.

“ Morning too Babe, kagigising ko Lang din. I hope ikaw din, take care always. Thank you dahil na appreciate mo iyong regalo ko, and I'm sorry kung pinaiyak kita. Mahal na mahal rin kita, Sandy Fuego, Babe. " sagot naman dito ni Jackie.

Na sent na rin iyong message niya, akma na sana siyang tatayo para maghilamos ng tumawag sa kanya ang nobyo.

“ Hello Babe." masayang bati sa kabilang linya.
“ Hi Babe, morning." paos na sabi ni Jackie.

“ Kagigising lang ng baby ko, hows you sleep Babe?" tanong nito kay Jackie.
“ Yeah, ok lang naman, napasarap ang tulog ko kaya late na ako nagising." sagot naman nito kay Sandy.

“ Im sorry di ako makapunta diyan para eh check kung ok ka lang ba, kayo ni baby dahil may operation ngayon. Lahat ng doktor's dito sa hospital ay mag aassist." paliwanag niya naman.

“  Ahh ok, no problem babe, we're fine. Atsaka, wag mo kaming problemahin ni baby, ok Lang naman kami. Andito naman silang lahat for me, kaya pokus ka na lang muna diyan sa work mo." sagot naman ni Jackie.

“ I'll update you anytime, if I have a break Babe. I love you babe, ingat kayo always ni Baby, dahil busy ng konti si Daddy. Ibababa ko na iyong tawag babe, I love you, my soon to be misis ko." huling saad ni Sandy kay Jackie.

“ I love you too, Babe." saad naman ni Jackie, alam niyang narinig pa ito ni Sandy dahil di niya agad pinatay ang tawag ,naghihintay pa sa isasagot ni Jackie.

Nanghilamos na nga agad si Jackie ng mukha saka bumaba na rin para makakain ng almusal. Dahil balak niyang puntahan ang kaibigang si Shania, kung kumusta ang operation nito kagabi.

Dahil kagabi pa niya ito naiisip kung kumusta na ba ito. Dahil naging busy na rin siya sa surprise niya para kay Sandy.  Kaya di niya na nagawang tawagan man lang or ma text kung kumusta na ,dahil sa sobrang busy niya.

Kaya balak niyang puntahan ito sa mismong hospital kung saan ito nakaconfine for operation. Iyon nga lang nakalimutan niyang itanong kung saan.

Sa isip niya, itatanong niya na lang kay Marco kung saang hospital si Shania ooperahan.

“ Morning." bati niya sa lahat. Kabababa lang din niya sa galing sa itaas.
“ Morning bunso." masayang bati rin nila.
“ Oyy, jowa niya na raw ang makulit na Sandy Fuego na iyon." kutya ng kuya Lian niya.

“ Hmm kay aga kuya, ikaw nga eh natotorpe sa kaibigan ko." laban nito sa kuya niya.

“ Yon ang akala mo." pabida niyang saad kay Jackie.
“ Hayaan muna yang kuya Lian mo, Ackie. Palibhasa kasi di makaamin sa naramdaman para sa kaibigan mong si Laiza. " saad naman ng Mom nila na nagaayos ng pagkain sa mesa.

Ayon na nga nagsimula na silang kumain habang naguusap -usap.

“ Mom, Dad, magpapaalam lang sana ako, pupuntahan ko si Shania sa hospital para  makumusta ko naman iyong bestfriend ko.  Kung anong lagay niya ngayon, wala kasi akong update ka gabi, dahil sa sobrang busy ko at antok na rin." hayag ko pa sa kanila.

“ Sure basta kasama mo si Manang Rosa at Nolan." sagot naman nila.
“ Ok po, no worries po." sagot naman ni Jackie dito.

Katatapos lang mag ayos ni Jackie sa sarili para pumunta sa kaibigan niya.

Nang message na muna siya kay Marco, kung saang hospital dinala si  Shania.

Maya-maya nagreply naman si Marco sa kanya. Doon lang pala sa tinatrabahuan nina Sandy.

Bumaba na siya agad saka tinawag na ang mga kasama niya. Dahil iba ang pakiramdam niya sa kaibigan,parang kinakabahan rin siya kung anong mangyayari sa operation. Di niya rin maintindihan ang sarili kung bakit  siya kinakabahan. Ang tanging gusto niya lang ang makapunta sa hospital.

Nagpaalam na muna siya sa pamilya niya bago  umalis.

Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan. May biglang huminto na sasakyan sa tapat rin ng gate nila.
Kaya napatingin siya dito, pagkalabas naman nong tao sa loob ng sasakyan. Nakita niya kung sino ito, walang iba kundi ang magaling niyang ex boyfriend na may dalang pagkain at bulaklak.

Papaalis na sila ng mapansin ito ni Jason ng makalayo na sila.  Di rin niya alam na andon si Jackie dahil tinted iyong salamin ng sasakyan.

Nakita pa ni Jackie na kinakausap ito ng katulong nila saka pinapasok sa loob.
Napaisip siya tuloy bakit naman iyon pumunta sa kanila.

Nautusan kasi na maghatid ng paboritong kakanin ng dad nila at ng kaibigan nito na ama ni Jackie nong silay  mga teenager pa . Nong time, na di pa sila lumipat ng ibang lugar.

Isa rin sa rason ni Jason kung bakit agad siyang pumayag na maghatid, dahil gusto niya makita ang magiina niya kung ok lang ba ito. Di niya alam sa loob ng sasakyan, nandon pala ang gusto niyang makita.

" Oh iho, Andito ka pala." saad ng parents ni Jackie. Instead na kay Jackie niya ibibigay ang bulaklak sa Mom na lang nito.
“ Hello po tito,tita, pinabibigay nga pala ni Dad, dahil paborito niyo raw po tong dalawa." sabay abot ng basket na puno ng ibat-ibang klaseng kakanin.
“ Iho nag abala pa talaga iyong Daddy mo,naabala ka pa tuloy." saad naman ng Dad ni  Jackie.

“ Its ok Tito, free time ko naman, wala naman akong ginagawa." sagot naman ni Jason dito. Pero hinahanap ng mata ang babaeng mahal niya.
“ Iho, may hinahanap ka ba?" taning ng Mom ni Jackie.
“ Seguro hinahanap mo iyong anak naming bunso, wala siya dito iho. Andon sa hospital dahil gusto niyang makita at makumusta man Lang ang kaibigan niya." sabat ng Dad ni Jackie.

“ May kasama po ba siya tito,tita." may pag alalang tanong nito..
“ Thanks sa concern iho, may kasama siya. Wag kang mag alala she's safe sa pupuntahan niyang hospital dahil andon rin ang boyfriend niya." masayang saad ng Mom ni Jackie.

Biglang nalungkot si Jason sa narinig. Inisip niya tuloy ako sana sa  position ng lalaki kung di lang siya isang walang kwentang boyfriend dito.

“ Are you ok?" tanong naman Ng Dad ni Jackie.
“ Ok po Tito, I'm fine. May naisip lang ako bigla." palusot niya pa.

“ Anyways, mabuti na nga lang din naka moveon na ang anak namin sa walang kwentang ex boyfriend niya. Ikaw ba naman iwan na lang sa ere, tapos naghanap pa ng ibang babae.  At ang masaklap pa don, buntis ang anak ko. Mabuti na lang din tanggap ng boyfriend niya ang magiging anak ng anak ko. Sana sila na lang hanggang dulo para di na masaktan pa ang anak ko gaya ng ginawa ng ex niya." lintanya ng daddy ni Jackie.

Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Jason sa sinabi Ng daddy ni Jackie. Pero gusto niyang bumawi dito sa pagkukulang niya, pero ang tanong saan siya maguumpisa sa isip nito.

Kung Alam niya na malabong mangyari ang gagawin niya. Mabawi si Jackie at makuha ang loob nito sa kanya.

Sa ibang dako...

Nakarating na rin sila Jackie sa hospital kung saan nakaconfine ang kaibigan nito.

Pagdating niya agad siyang niyakap ng nanay at tita ni Shania at umiiyak na para bang ang laki ng problema nila.....

To be continued......









YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now