Third-person POV
Makalipas ang isang buwan, three months na rin ang tiyan ni Jackie, five months na rin iyong tiyan ni Shania. Medyo, may konting umbok na rin ito. Kaya minsan liliban siya sa klase dahil na rin sa kanyang sakit.
Walang kaalam alam si Jackie na may mangyayari sa kanya sa araw na iyon. Dahil wala naman siyang iniindang masakit sa katawan niya. Sa katunayan masaya ang umaga niya, maganda ang gising niya dahil di siya pinahirapan ng baby niya. Dahil maganda ang tulog niya ,di siya pinahirapan ng baby sa mga cravings nito.
Kasalukuyang kumakain sila sa cafeteria ngayon kasama ang mga kaibigan niya. Tamang kwentuhan lang ang ginawa nila. Pagkatapos kumain pumunta agad sila sa susunod na klase.
Pinili nilang maupo sa likurang bahagi. Maya-maya naman dumating rin ang kanilang propesor. Magtalakay lang sa mga aralin, pagkatapos nagbigay ng pagsusulit, saka takdang aralin.
Fastforward..
Natapos namin ang dalawang klase sa tanghali.
Napagusapan nang magbarkada na sa labas sila kakain para maiba naman ang putahe na kakainin nila.
Dahil nagsasawa na sila sa mga pagkain sa cafeteria, isa na rin dahil maselan sa pagkain si Shania. May hinahanap siyang pagkain na gusto niyang kainin,pero wala sa cafeteria,kaya kung ang nasaan ang isa don din ang mga kaibigan.Habang naglalakad sila papalabas ng gate nakita naman nila ang grupo ni Jason, as usual andon rin ang mag jowa na manloloko.
“ Speaking of,... manloloko, nagsama pa talaga." himig sa boses ni Laiza na galit.
“ Calm down, forget what happened, " Jackie flatly said .
“ You sure, Ackie ? sa lahat ng ginawa nila sa iyo ganyan lang ang sasabihin mo?” Elisa said.
“ Pinatawad mo agad?" dugtong pa ni Carlo.
“ Sinabi ko bang napatawad ko na, di ba wala naman. Di ko rin sinabi na di ko sila papatawarin, seguro sa ngayon masakit pa dito eh" sabay turo ni Jackie sa dibdib niya.
“ Balang araw mapatawad ko rin sila sa ginawa nila sa akin, pero sa ngayon di ko muna masasabi." dagdag pa ni Jackie.
“ Ok, fine." sagot nila.
“ Sabi mo eh." Marco.
“ Tara na nga, ang dami niyong tanong sa akin, pabayaan niyo na sila na magsaya, gutom na kami ng baby ko, halika na nga Shania parang di naman gutom ang mga to eh." Jackie said, habang hila hila niya si Shania.
Sumunod na rin ang ibang kaibigan nito.“ Mga buntis, hintayin niyo naman kami oh." tawag ni Laiza dito, di na siya pinansin ng dalawa kaya hinabol na lang din nila ang dalawa.
Nasa karinderya ang magkakaibigan, nakasanayan na rin nila kahit anak mayaman di naman sila gaanong mapili sa pagkain.Umorder na rin sila sa mga gusto nilang kainin.
Masaya ang magbarkada na kumain sa kanilang tanghalian. Lalo na ang dalawang buntis dahil sa kanilang kinakain, pinaglilihian nilang pagkain.
After nilang kumain ng tanghalian, nagsibalikan na rin sila sa loob ng campus dahil magsisimula na rin ang klase sa hapon.
Masaya silang naguusap magbarkada habang papunta sa kanilang klase. Walang ka malay malay ang pagiging masaya nila may kakambal na nakabibiglang pangyayari.Di pa sila nakapasok sa silid-aralan, nagpaalam muna si Jackie na iihi muna raw siya, dahil ihing ihi na siya.
“ Guy, iihi muna ako, kanina pa kasi ako naiihi." paalam niya sa mga kaibigan niya.
“ Sege hintayin ka na lang namin dito, wala pa namang time eh."wika ni Marco.Umalis na rin si Jackie ,di na niya hinintay na matapos ang sasabihin ni Marco dahil di na niya ito makakayang pigilan pa ,naiihi na talaga siya.
“ Upo ka muna dito sa upuan love." tawag pansin ni Marco Kay Shania. Na panay lakad ng lakad di mapakali.
“ Shania, akoy nahihilo sa iyo, kanina ka pa diyan palakad lakad.” sabi ni Elisa.
“ Oo nga, kanina ka pa lakad lakad di mapakali." dugtong din ni Laiza.
“ Ano bang naramdaman mo Shania, sabihin mo sa amin kung may problema ka, kami tuloy ang kinakabahan sa iyo." anas pa ni Carlo kay Shania.“ Eh kasi kanina ko pa to naramdaman eh, masama ang kutob ko, iwan ko ba kung bakit ko to naramdaman. Ang lakas ng tibok ng puso ko para akong kinakabahan. May mangyayaring masama di ko alam kung o sino." paliwanag niya.
“ Buntis wag kang masyadong kabahan diyan, ano ka ba bakit ganyan ang mga nasa isip mo." komento pa ni Carlo.
“ I have bad feelings right now, I don't know why. " may takot sa mga mata nito.Comfort Room
Pagpasok ni Jackie sa loob, pumasok agad siya sa bakanteng cubicle. Habang umiihi siya narinig niya ang pagbukas ng pintuan sa magkabilaang cubicle bale nasa gitna siya nakapwesto, may narinig siyang mga babaeng nagsasagutan sa tuno ng boses nito tilA nagaaway.
Nabobosesan niya ang isang babae, hanggang sa may narinig siya sa labas na ingay, parang may nahulog or something. Di niya masyadong narinig maingay kasi ang flash ng inidoro.
Saka bigla na lang siyang nakarinig na umiiyak, humihingi ng tulong. Kaya dali dali siyang lumabas sa cubicle, agad niyang nakita na nakahandusay si Celine sa sahig . Walang kahit na sino ang nasa loob tanging silang dalawa lamang.“ Please help me, may baby" umiiyak na wika ni Celine. Nakita rin ni Jackie ang dugo na dumadaloy sa binti nito.
“ Hihingi muna ako ng tulong sa labas ,wag kang masyadong gumalaw galaw diyan,babalikan kita dito." wika ni Jackie kay Celine. Lumabas agad siya ng comfort para humingi ng tulong sa labas. Sakto din ang pagdating ng Jason at ang grupo nito.
“ Please help your girlfriend, nasa loob ng comfort room nagdurugo siya, kailangan siyang madala sa hospital." may pag alalang wika ni Jackie dito. Pinuntahan agad ito ng mga kasama niya, nagulat din si Jackie ibang lalaki ang bumuhat kay Celine, instead si Jason bakit ibang lalaki. Ang nakapagtataka mas concern pa ito kompara kay Jason. Parang siya pa tuloy ang ama ng bata dahil alalang alala ito sa kalagayan ni Celine.Binuhat na ito ng kaibigan ni Jason, agad na ipinasakay sa sasakyan para dalhin sa hospital.
“ Hey, what did you do to my girlfriend, alam kong may galit ka sa aming dalawa, wag mo namang idamay ang bata sa galit mo sa amin." galit niyang wika kay Jackie, saka kinaladkad niya si Jackie, walang pagiingat kong masaktan man ito.
“ Hey bitawan mo ko, wala akong ginawang masama sa girlfriend mo, tinulungan ko lang siya,di ko alam kong sinong may gawa non. Bitawan mo ko nasasaktan ako." saad naman ni Jackie. Pero di binitawan ni Jason si Jackie mas hinigpitan niya pa ito sa pagkakahawak sa braso, tuloy namumula ang braso ni Ackie.“ Kapag may mangyari sa baby ko, malalagot ka talaga sa akin babae ka." galit na wika ni Jason ,patuloy pa rin sa pagkaladkad kay Jackie.
“ Please stop, its hurt, may dugo.... my baby..." umiiyak na wika ni Jackie... Doon pa natauhan si Jason ng umiiyak na si Jackie sa sakit saka may dugong dumaloy sa binti niya.To be continued....
YOU ARE READING
YOUR LOVE IS GONE
RomanceJackie Duterte was abandoned by her former boyfriend Jason Martin, she promised herself she didn't want to cry again for him. He chose Jackie's friend , but the truth and the painful part is, he used Jackie to go near Jackie's friend named Celine...