Carlo's Pov
*Magkatabi kami ngayon ni Jackie, nasa gitna namin siya ni Elisa. May napapansin ako sa kanya, minamasahe ang ulo niya, hindi rin ako nagisip ng kung ano sa kanya. Ewan ko ba, baka ako lang ang nakapansin , pero napansin na pala siya ng guro namin dahil tinanong siya nito, pero sagot niya ok lang raw siya pero biglabigla na lang nawalan ng malay buti na lang magkatabi lang kami kaya nasalo ko siya.
Iniutos agad ng professor namin na dalhin siya sa clinic sinunod ko din agad ito. Buhat buhat ko siya, hanggang sa makarating kami sa clinic, dinaluhan agad kami ng school nurse.
” Morning , Miss” bati ko sa school nurse namin.
“ Anong nangyari sa kanya?” tanong ng nurse sakin.
“ Bigla na lang siyang nahimatay kanina Miss.” sagot ko sa tanong kanina ng babae.Pinahiga ko muna siya sa kama saka sinuri siya ng school nurse namin.
Siniyasat naman siya kung anong kalagayan niya ngayon.Pagkatapos ma tsek ng nurse si Jackie ,tinanong ko agad ito kung bakit nahimatay ang kaibigan ko.
“ Miss, bakit nahimatay ang kaibigan ko?” tanong dito.
“ Dala lang seguro sa pagbubuntis niya, saka dapat magingat lagi ang kaibigan mo dahil mahina ang kapit ng baby, at take vitamins na rin para lumakas ang kapit ng baby, one more thing wag masyadong magpuyat or magpaka stress dahil naapektuhan ang baby sa sinapupunan .” lintanya niya.Tumango na rin ako .
“ Salamat Miss, dito nalang muna ako para mabantayan ko siya.” saad ko dito.
“ No worries, you can stay here naman,.” sagot din niya sakin.
“ Sege aalis muna ako, may gagawin pa kasi ako.” pahabol niya pa.“ Sege Miss.” sagot ko rin sa kanya.
Umalis na nga siya,di ko na rin alam kung saan ito dumaan, di ko na rin naman ito pinagtuunan ng pansin ang importante sakin ay si Jackie na sana gumaling na siya.
Jason's Pov
“ Hey, what's up bro.” bati sakin ng friend ko.
Nakipagfistbump pa ako dito, ganito talaga ginagawa naming magkakaibigan kapag nagkikita kaming magbabarka.“ Kumusta naman kayo ng girlfriend mo?” tanong niya sakin.
“ Yeah, we're good.” sagot ko .
“ Sinong tinutukoy mong girlfriend ng mokong na to.” sabat na sabi ng isa ko pang kaibigan ko na palaging seryoso sa buhay.
“ Edi si Jackie sino pa nga ba.” sagot pa nito.
“ Bro, matagal ng complicated ang relasyon nilang dalawa, kahit sila pa dahil ang magaling nating kaibigan iba pala ang mahal niya kaibigan pala ng girlfriend niya na na gayon ex girlfriend na niya.” saad pa ng kaibigan ko. Itong kaibigan ko tutol lagi sa mga plano kaya lagi niya akong sinusuway sa mga gagawin ko, lalo na kapag nakakasira or nakakasakit na ng ibang tao. Pero ito nagpapakatotoo lang ako sa kanya, dahil iba mahal ko, si Celine kasi yong una kong nakilala, but sad to say ng liligawan ko na ito may boyfriend pala.Di pa rin siya sumasang ayon sa ginawa ko kay Jackie pero wala siyang nagawa, dahil tapos na kami. May relasyon na kami ni Celine.
Yong isang kaibigan ko, wala yong alam dahil kakadating lang din galing sa ibang bansa. Ang tanging alam niya lang kami pa ni Jackie, busy kasi siya pag aaral niya doon, kaya di kami masyadong nakapag usap ng masinsinan.
“ Bakit naman kayo naghiwalay ni Jackie, mabait naman siya ah, saka maganda rin ,matalino, at isa pa, mahal ka niya.” wika ng kaibigan kong galing ibang bansa.
“ Alam niyo naman di ba kung bakit ko siya niligawan dahil sa kaibigan niya na si Celine, sinabi ko na sa inyo before yan.” sagot ko pa.
“ May tanong ako sayo, minahal mo ba si Jackie or hindi.” tanong ng kaibigan ko .
“ Almost 4 years kayong mag on, minahal mo nga ba?”pahabol din na tanong sakin ng kaibigan kong galing ibang bansa.
YOU ARE READING
YOUR LOVE IS GONE
RomanceJackie Duterte was abandoned by her former boyfriend Jason Martin, she promised herself she didn't want to cry again for him. He chose Jackie's friend , but the truth and the painful part is, he used Jackie to go near Jackie's friend named Celine...