Continuation....Papunta pala kami ngayong magbarkada sa clinic dahil bibisitahin namin si Shania kung kumusta na ba siya, kung ok lang ba,bakit hindi pa rin sila pumasok kanina.
" Sana, ok lang siya." Carlo.
" Sana nga." dagdag ko pa.
" Naroon pa rin ba sila ngayon sa clinic?" Elisa.
" Baka nakauwi na seguro yon." Laiza.
" Try nating puntahan sa clinic,para malaman natin." ako.
" Tara na nga, may duty pakami." Laiza.
" Anong duty na pinagsasabi mo diyan, Laiza?." Carlo.
" Eh, ano pa, sa coffee shop." Laiza.
" Ikaw talaga bakla, kung ano ano lang ang iniisip mo." Elisa.
" Anong bakla." Carlo, kunwaring astig niyang sabi.
" Oh, lalaki talaga ah." Laiza.
" Bakla ka parin sa paningin ko." birong saad ni Elisa.
" Bakla nga sa iyong paningin pero nakakabuntis rin." Carlo.
Kaya natawa kaming dalawa Ni Laiza.
" Parang may chemistry kayong dalawa." birong saad ko sa kanilang dalawa habang kami ay naglalakad patungong clinic.
" Uuck, ayoko sa bakla."Elisa, kunwaring nandidiri kay Carlo.
" Wow huh, diringdiri te, eh kung buntisin kaya kita diyan, ewan ko na lang sayo." Carlo.
" Kilabutan ka sana, Carloy bakla." Elisa.
" Hey, magsitigil nga kayo, baka sa huli kayong dalawa pala Ang magkatuluyan, malay niyo." wika Ni Laiza.
Natatawa ako sa kanilang dalawa, sa mga reaction nila, si Elisa Inirapan Niya lang si Carlo.
" Tara na nga,baka mag away pa kayong dalawa diyan." aya ko sa kanila.Fast forward....nakarating din kami sa clinic ng school. Nakita agad namin iyong school nurse. Tinanong agad ni Carlo tungkol kay Shania. Sagot naman ng school sinugod raw sa hospital, tinanong rin kung may alam ba ito kung saang hospital dinala, sumagot rin naman ang school nurse.
" So, anong plano natin ngayon?" Carlo.
" Edi, bisitahin natin ." sagot ko," pero saglit Lang yayo doon dahil may duty pa kaming tatlo sa coffee shop." dagdag ko pa.
" Tara na " aya Ni Elisa.
" Makikisakay tayo sa sasakyan ni Carlo, kung ok lang sa kanya." Laiza. " Para makatipid rin tayo sa pamasahe." dagdag rin niya.
" Oo nga." Elisa.
" Hmm, ikaw Elisa Gutierrez, magjeep kana lang ,hindi tayo bati."
"Carlo ” kunyaring nagtatampo.
" Hoy bakla, hindi kaba maawa sakin." saad ni Elisa habang nagpapacute kay Carlo.
" Tigilan mo ng pagtawag sakin na bakla,kapag inulit mo pa akong tawaging bakla, makatikim ka talaga sakin." may pagbabanta na wika Ni Carlo.
" Ok sir, sege na plss isama muna ako." Elisa.
" Ok fine." Carlo.
" Elisa, wag muna kasing tawagin na bakla si Carlo, dahil straight na siya ngayon, maybe may nagpapatibok Ng puso Niya ngayon, na hindi lang napansin ng iba diyan, dahil nga manhid." biro ko. Nakita ko naman si Carlo na pinamulahan na nakatingin Kay Elisa.
" Tara na, may duty pa tayo, right?." Laiza.
" Oo nga pala." Saad ko.
"Tara na" Aya Ni Carlo.
" Wait lang guys,iihi muna ako,hintayin niyo na lang ako sa gate, mabilis lang talaga ako." ako.Fasforward...
Naglalakad na ako patungong CR, sa Hindi kalayuan kita ko ang dalawang tao na ayaw na ayaw ko talagang makita, ang sakit sa Mata, pero no choice ako dahil nga iisang school lang kami, kaya ang magagawa ko lang umiwas sa kanila.
Nagmamadali akong maglakad para hindi nila ako maabutan.Hindi ko inasahan na makita nila ako. Tinawag rin ako ni Celine, kunwari hindi ko na rinig,mabilis ang paglalakad ko para hindi nila ako maabutan, hindi ko alam may lahing higante ang isang to, kaya naabutan niya ako sabay hawak sa kamay ko.
" Wait lang, bat kaba nagmamadali." masayang wika niya.
Hindi ko alam kung ng iinis lang ba ito sakin or what.
" Naiihi na ako sakay may pupuntahan pa ako." walang emosyon kong Saad. Alam ko namang may halong kaplastikan ang pinapakita niya sakin, naramdaman ko ito.
" By the way, magtathank you lang naman ako sayo, dahil hindi mo pinagkaitan ng ama ang magiging anak ko." masayang saad niya na may halong pang iinis.
" Walang problema, tinapos ko na rin naman kung ano ang meron kami ng ama ng dinadala mo, saka hindi naman rin niya ako minahal, wala rin naman siyang obligasyon sakin, ikaw naman talaga ang mahal niya, kaya wala kang dapat ipagalala, at wag kang mag alala hindi naman ako mangugulo sa relasyon niyong dalawa." sinadya ko talagang lakasan ang boses ko, saka diniinan ko patalaga ang pagkasabi kong obligasyon saktong marinig ni Jason na nasa likuran ni Celine. Pero hindi ko ito binigyan ng pansin pa.
" Kung wala kanang mahalagang sasabihin, aalis na ako,dahil may naghihintay pa sakin sa labas." walang emosyon kong Saad .
" Wala na , salamat uli." Celine.
Tinalikuran ko na ito,saka sabay taas ng kamay bilang response na ok lang.
Pumunta na ako sa comfort para nakaihi na ako. Pagkatapos kong umihi, naghugas na rin ng kamay, din lumabas na sa CR. Hindi ko inasahan na may humila sakin, nabigla ako kaya nasampal ko ito. Pagtingin ko nakita ko si Jason habang hawakhawak niya ang pisngi niya na nasampal ko.
" Bakit anong kailangan mo sakin?." tanong ko sakanya na walang makikitang emosyon sa mukha ko.
" Anong obligasyon na pinagsasabi mo sakanya, baka mag isip yon ng kung ano ano ,maselan pa naman ang pagbubuntis non." galit niyang saad sakin ramdam ko rin ang galit niya dahil sa higpit ng pagkakahawak sa braso ko.
" Narinig mo lahat hg sinabi ko diba, kaya wala ka dapat ipangamba, saka wag ka ring praning, wala naman akong sinabi na ikakasama niya, binigyan ko nga siya ng assurance eh, para hindi mag isip ng kung anoano,ikaw lang tong praning, wala naman akong ginawa sa inyo, di ba walang pakialamanan, ano to ." lintanya ko. " Saka bitawan mo nga ako,nasasaktan ako sa pinaggagawa mo." dagdag ko pa.
" Masasaktan ka talaga sakin kung mapano ang anak ko." diin niyang saad sa anak kuno niya.
" Aba, ba't ako ang may kasalanan wala naman akong ginawa ah, hindi ko kayo ginulo, ni paglapit nga lang hindi ko hinawa di ba, tapos ano to, pagbibintangan moko kung may mangyari man sa dinadala niya." Pinipilit kong hindi maiyak sa harapan niya, gusto kong ipakita sa kanya kahit wala siya sa tabi ng magiging anak namin na kaya kong buhayin mag isa na wala siya, na matatag ako. Uminit na ang ulo ko sa kanya, dahil hindi niya parin ako binibitawan. Nakaramdam din ako ng hilo pero kinaya ko lang para hindi matumba sa harapan niya, buti nalang malapit lang din ako sa pader, kaya napahawak ako dito, pati na rin sa ulo ko.
Kaya binitawan na niya ako, parang nagiba ang ekspresyon niya gg makita niyang nahihirapan ako. Tutulungan na sana niya ako, pero tinabig ko lang ang kamay niya." Just leave me alone, I don't need your help." wika ko dito " Just please... leave me alone." pag uulit ko dito dahil nakatayo pa rin siya sa harapan ko.
Umalis na rin siya, pagkaalis niya don tumulo iyong luha ko, ipangako ko sasarili ko na huling luha para sa kanya, hinding hindi na ako iiyak pa ng dahil lang sa kanya.
YOU ARE READING
YOUR LOVE IS GONE
RomanceJackie Duterte was abandoned by her former boyfriend Jason Martin, she promised herself she didn't want to cry again for him. He chose Jackie's friend , but the truth and the painful part is, he used Jackie to go near Jackie's friend named Celine...