Shania's PovKinabukasan, pumasok na rin ako sa klase dahil nga ilang araw na hindi ako nakapasok dahil nasa hospital ako.
Maaga akong nagising dahil gusto ko makapaghanda ng maaga. Naligo muna ako pagkatapos nagluto na rin ako ng agahan.
Nasa kusina na ako ngayon, busy sa pagluluto, hindi ko namalayan na may tao na pala sa likod ko.
“ Goodmorning, ang aga mo ata ngayon gumising. ” biglang saad ng kung sino, nagulat din ako dahil may nagsalita bigla, si Jackie lang pala.
“ Hey, bat ka ba nanggugulat. ” reklamo ko sa kanya. Habang nagpatuloy sa ginagawa ko.
“ Sorry na, nagulat kita. ” hinging tawad sa akin ni Jackie.
“ Ok lang iyon, basta sa susunod wag kanang mangugulat sa akin.,” paalala ko sa kanya.
“ Ok na po ma'am." pabiro niyang sagot sa akin.
“ Di ko rin sadya na gulatin ka, aba, malay ko na magugulatin ka pala, yan kasi mahilig sa kape.” dagdag pa niya.
“ Minsanan na nga lang uminom dahil ramdam ko na madali na akong nagugulat" laban ko sa kanya.“ Ba't aga mo rin gumising.? ”Tanong niya sa sa akin.
“Dahil may pasok tayo.” sagot ko sa kanya.
” Tutulungan na kita diyan” wika niya.
Pansin ko rin na nakaligo na siya, pero nakapambahay na damit pa rin siya.
Dalawa na kami ang naghahanda ng aming almusal. Nagkwekwentuhan lang kaming dalawa hanggang nagising na rin ang dalawa, sina Elisa at Laiza.“ Goodmorning sa dalawang buntis.” bati sa amin ni Laiza. Mayamaya sumunod rin si Elisa, nagpupunas pa ng tuwalya sa buhok niya na basangbasa pa.
“ Goodmorning" bati ni Elisa.
Sila na rin ang naglagay ng pagkain sa mesa,si Jackie naman kakatapos lang magluto ng ulam.
“ Sila Tita at Nanay Rosing.” wika ni Jackie.
“ Wait lang tatawagin ko lang saglit." wika ko naman.”Ma, nanay, hali na kayo mag almusal na tayo.” aya ko sa kanila. Maaga rin kasi silang gumising dahil may gagawin pa sila saka si nanay Rosing pupunta na naman Ng palengke ganon rin si Mama pero saglit lang siya don dahil uuwi muna siya sa amin.
“ Tapusin muna namin to.” wika ni Nanay Rosing. Nagrerepack kasi sila ng mga paninda na dadalhin sa palengke.
“ Mauna na kayong mag almusal anak dahil maaga pa kayong papasok.” wika ng mama ko.
“ Guys mauna na tayong kumain dahil may ginagawa pa sila mama at nanay ." wika ko sa kanila, nagsiupo naman na kaming apat sa hapag kainan, magkatabi kami ni Jackie, gusto ko lang talaga siyang makatabi ewan ko kung bakit ko ito naramdaman. Di naman ako into girl's pero magaan lang talaga ang loob ko sa kanya.
Nagdasal muna kami bago kumain, tamang kwentuhan lang ginawa namin, pagkatapos naming kumain si Elisa at Laiza na rin ang nagpresinta na magligpit ng kinainan at maghugas ng pinggan. Kaming dalawa ni Jackie magbibihis na rin para pumasok na sa klase.
Masaya ako na makakapasok na ako sa paaralan, ilang araw din akong absent, ilang lesson din na wala ako. Ngayon makakapasok na rin ako , sa wakas.
Ilang minuto na rin ang lumipas, tapos na rin sila magbihis kaya nagpaalam na ako kami kay mama at nanay.
....... Pagpasok namin sa paaralan marami na ring mga studyante na naglalakad sa hallway papunta sa kanilang silid aralan. Pagpasok namin sa silid aralan kung saan ang unang klase namin, wala pang masyadong studyante sa loob dahil maaga pa naman. Wala pa rin ang nga lalaki ,kaya nagpatulong ako sa kanila tungkol sa mga leksiyon iyong time na wala ako.
Im taking down notes, para naman may mapag aralan naman at may maisasagot kapag may exam na.
Medyo ok na rin ang pakiramdam ko , minsan nakaramdam din ako ng hilo, seguro dala na rin sa pagbubuntis. Kung minsan naman sa puso ko pero nakakaya ko naman, kailangan kong magpakatatag para anak ko.
YOU ARE READING
YOUR LOVE IS GONE
Lãng mạnJackie Duterte was abandoned by her former boyfriend Jason Martin, she promised herself she didn't want to cry again for him. He chose Jackie's friend , but the truth and the painful part is, he used Jackie to go near Jackie's friend named Celine...