Third person's Pov
Paparating sa kanila sina Laiza at Elisa,nakita ko si Elisa na bumalik siya sa ibang kaibigan namin. Pagbalik niya kasama na ang mga kaibigan namin.
“ Ackie, what's wrong?.Nagalalang tanong niya kay Jackie.
“ You're bleeding, Ackie." dugtong niya pa sa akin.
“ Please save my baby Laiza please, I dont want to lose my baby. " pagmamakaawa niya sa bestfriend niya. Tumango ito bilang tugon kay Jackie.Habang si Jason parang na istatuwa siya sa kinatatayuan niya di siya makapaniwala sa nagawa niya. Inalalayan naman ni Laiza si Jackie parang nanginginig kasi ito at umiiyak pa.
Nang makalapit ang kaibigang lalaki nito, binuhat agad ni Carlo si Jackie, dali-dali nitong dinala ni Carlo at pinasakay agad sa sasakyan. Sumakay din si Elisa sumama siya kina Carlo.
“ How dare you to hurt my bestfriend." sabay sampal ni Laiza kay Jason. Pagdating ni Marco agad niyang sinuntok si Jason dalawang beses niya itong sinuntok mabuti na lang may umawat dito ,baka nabugbog na ito ng sobra dahil di siya nanlaban pa. Hinayaan niya lang si Marco na bugbugin siya.
“ Kung may nangyari sa baby ng bestfriend namin, di ka namin mapapatawad.” huling saad ni Laiza bago sila umalis. Naghihintay lang sa upuan si Shania ,dahil di na pinasama ng mga kaibigan sa pagtulong kay Jackie dahil buntis rin ito.“ Love," tawag agad ni Shania kay Marco sa nobyo nito.
“ Love." sabay yakap kay Shania.
“ Puntahan natin si Jackie please, gusto ko siyang makita.” Pagmamakaawa niya sa nobyo niya.
“ Yes love, susunod tayo sa kanila." sagot niya pa.
Inalalayan rin ni Marco si Shania ang girlfriend niya.Nasa sasakyan na rin silang tatlo papuntang hospital kung saan na ka confine si Jackie. Bago pa man sila umalis tinawagan muna ni Marco ang pamilya ni Jackie.
Phone ringing.......
“ Hello Marco napatawag ka ,may problema ba kay Jackie.?” may pag alalang tanong nito kay Marco.
“ Tita, may nangyari po kay Jackie, dinala po namin siya sa hospital." saad ni Marco dito.
“ Anong nangyari sa kanya, iyong baby niya ...na pano na sila nang apo ko.” natatarantang wika ng Mommy ni Jackie sa kabilang linya.
“ Tita sa hospital na lang po tayo magkita, pupunta na rin po kami doon." sagot ni Marco saka bigay sa Mommy ni Jackie kung saang hospital naka confine si Ackie.
“ Ok, pupunta agad kami ng Tito mo.”sagot rin sa kabilang linya.Pinatay na rin ni Marco ang tawag saka pinaandar na rin ang sasakyan.
Pagdating sa hospital nakita nila agad sina Elisa at Carlo na may bahid na dugo pa sa damit nito.
“ Kumusta na si Jackie?" tanong agad nilang tatlo pagkadating nila sa hospital.
“ Nasa loob pa ng kwarto, hindi pa rin lumabas iyong mga doktor.” sagot nilang dalawa ni Carlo at Elisa.
Maya-maya dumating rin ang parents ni Jackie.
“ Where's my daughter, my Ackie." natatarantang tanong ng Mom niya. Di na rin mapakali halatang umiiyak na rin ito.Saktong lumabas ang doktor, iyong mag iinang doktor sina Cindy at Sandy.
“ Cindy, kumusta na ang anak ko, ang apo ko?” mangiyak ngiyak na tanong ng Mommy ni Jackie.
“ Amiga, Ok na si Jackie at ang baby niya.mabuti na lang din . Dinala agad siya ng mga kaibigan niya dito sa hospital kundi makukunan siya kung di ito naagapan agad. ” sagot ni Doktor Cindy.
“ Tita ok na po si Jackie at ang baby niya, ililipat na rin namin siya sa private room." sabat ni Sandy rin.
“Hon, maging maayos rin ang anak at apo natin, alam kong matatag ang anak natin, alam kong kaya niya itong lampasan.” sabat ng ama ni Jackie.
Saka niya niyakap ang kanyang asawa na sumisinghot singhot pa.Di rin nagtagal nilipat din si Ackie sa private room..
Tulog pa rin ng maipasok sa kanyang room habang tulak tulak ng nurse iyong bed ni Ackie.
“ Sinong may gawa sa anak ko, nito?” tanong ng Mommy ni Jackie, parang may galit sa tuno ng pananalita nito.
“ Di po namin nakita ang buong pangyayari Tita. Pero nadatnan namin iyong Ex niya andon kasama niya.” sagot ni Carlo.
“. Tama po ang sinabi ni Carlo Tita, nadatnan ko kanina sina Ackie at ang ex niya, mahigpit itong hinawakan si Jackie. ” sabat ni Laiza.
“ Hon, ang importante ok na ang apo at anak natin. Wag munang problemahin yan ,anak muna natin ang pagtuunan pansin.” wika ng ama ni Ackie.
“ Tita aalis na po kami, dahil hapon na rin ." paalam ng mga barkada ni Jackie.
“ Salamat talaga sa inyo, dahil dinala agad niyo sa hospital ang anak ko, baka na pano na ang anak at apo ko. Di ko alam kung anong gagawin ko sa may gawa nito sa anak ko.” seryosong wika ng ina ni Jackie.
“ Sino ba iyang lalaking iyan, bakit niya ipapahamak ang anak ko, di ba hiwalay na nga sila ng anak ko. Siya pa iyong may ganang manakit sa anak ko siya naman ang nanloko . " dagdag pa ng Mom ni Ackie.“ Di namin alam ang buong pangyayari Tita, malalaman natin pagkagising ni Jackie." sagot ni Elisa.
“ Walang hiya talaga iyong lalaking iyon.” gali na wika ni Shania.
“ Sinuntok lang naman ni Marco si Jason kanina,bago kami pumunta dito." komento pa ni Laiza.
“ Jason, iyon ba iyong ex ng anak namin?" mahinahong tanong ng ama ni Jackie.
“ Opo, siya nga po." sagot naman ni Laiza.
“ Hindi na siya makakalapit pa kailanman sa anak ko at magiging apo namin.” dugtong pa ng ama ni Jackie.Aalis na sana ang mga barkada ni Jackie ng magising ito. Kaya napatigil silang lahat sa pag alis nilapitan muna nila si Jackie sa bed nito.
“ Hmm” ungot ni Jackie.
” Hon, gising na yata ang anak natin.” Jackie's mother.
Nilapitan agad nila ang anak nila saka niyakap.
“ Ok lang naman ang baby ko, di ba?" tanong ni Jackie.
Namumula na ang mga mata nito, tila anumang oras tutulo na ang luha nito. Di na nga niya napigilan ang luha na tumulo sa mga pisngi niya. Humahagolhol na rin ito sa pag iyak. Niyakap ito ng mga magulang niya, para patahanin dahil di nakakabuti sa tulad niyang buntis ang palaging umiiyak, o palaging stress.
“ Your baby is fine, wag kang mag alala anak, ililipat ka namin ng ibang paaralan para di na kayo laging magkikita ng ex mong si Jason.” hayag pa ng Mom niya.
“ Thanks God, my baby is fine.” nakangiting wika ni Jackie may luha pa rin sa mga mata nito, sabay haplos sa tiyan na may konting umbok na rin.
“Mom, Dad, ayoko pong lumipat ng ibang school, ayokong malayo sa mga kaibigan ko, third year college na rin po ako Mom, Dad.” laban ni Jackie sa mga parents niya.
“ Ok fine, pero homeschool ka lang , ayokong maulit ang nangyari sayo.”" dagdag pa ng Mom niya
“ Dad naman eh." maktol ni Jackie.
“ Pero Dad, gusto ko kasama ko iyong mga kaibigan ko. Pwede naman seguro di na mag homeschool, di na ako lalapit pa sa kanya please." pagmamakaawa niya pa may kasamang pa cute pa dito.
“ Walang pero pero anak, ayokong mapaano kayo ng apo ko. Pupunta kami sa school at Kakausapin namin ang Dean para sa modular mo." paliwanag ng ama niya.
“ Dad naman eh." nakangusong sagot ni Jackie dito.Saka may biglang tumikhim, di napansin ni Jackie di pa pala nakaalis ang mga kaibigan niya.
“ Andiyan pa pala kayo, " panimula niya pa. “ Thank you pala sa inyo kundi dahil sa inyo, di ko alam kong napano na kami ng baby ko. Kaya proud na proud ako sa inyo,salamat." sabay sa pagtulo ng mga luha niya sa pisngi niya. Lumapit naman ang mga kaibigan niyang babae saka siya niyakap ng mga ito.
“ Walang anuman iyon, Ackie . " sabi ni Laiza.
“ What friends are for." dagdag pa ni Elisa.
“ Oo nga, Ackie." dugtong pa ni Shania.
“ Buti na lang , di kayo na pano ng baby. Kundi malalagot talaga sa amin iyon." Sabat ni Carlo sa usapan.
” For sure magang maga na iyong labi niya ngayon o di kaya mukha niya. ” bahagi ni Laiza.
“ Bakit anong ginawa niyo?” usisang tanong ni Jackie.
“ Wala naman," sagot ni Laiza.
“ Anong wala, sabi mo magang maga.” balik ni Jackie kay Laiza.
“ Sinuntok ko lang naman iyong hayøp na iyon." sabat ni Marco saka lumapit sa kinaroroonan nina Jackie.
“ Mabuti iyong idea ni Tito dahil lalapitan at lalapitan ka non kapag nagkita ulit kayo sa school.” sang ayon ni Marco sa sinabi ng ama ni Jackie.
“ Tama si Marco Ackie, kaya kung pwede iiwasan mo na lang rin siya." ayon pa ni Laiza.
“ Di siya nakakabuti sa inyo ni baby." ayon naman ni Elisa.
“ Tama sila Ackie, para maiwasan rin ang Walang hiyang iyon." Wika naman ni Shania.
“ Wag kang mag alala Jackie, dadalawin ka naman namin sa inyo." saad pa ni Carlo.
YOU ARE READING
YOUR LOVE IS GONE
RomanceJackie Duterte was abandoned by her former boyfriend Jason Martin, she promised herself she didn't want to cry again for him. He chose Jackie's friend , but the truth and the painful part is, he used Jackie to go near Jackie's friend named Celine...