Jackie's Pov
Maaga akong nagising , dahil may pasok pa kami. Inaayos ko muna ang higaan ko , saka ginawa ko na rin ang daily routine ko. Nakita ko sa salamin ang mugtong mugto kong mata dahil sa kakaiyak ko kagabi. Naligo na lang din ako para mamaya magaayos na lang ako sa aking sarili, pagkatapos kong magluto ng almusal.
Ilang minuto lang ang ginugol ko sa aking pagliligo dahil nga malamig ang tubig, mabilis lang akong giniginaw. Nagbihis na rin ako ng pambahay na damit baka kasi mangamoy ulam yong uniform ko kung susuotin ko na.
Nagsaing muna ako ng kanin sa rice cooker sinamahan ko na rin sila dahil tulog pa saka ganon naman kami rito eh,kung sino yong mauunang gumising sila yong magluluto pero kung sakali sabay naman gumising, nagtutulungan rin naman.
Pagkatapos kong magsaing, kumuha na rin ako ng lulutuin kong ulam sa fridge, since I'm craving for Chicken adobo , kaya naggayat na rin ako ng mga sangkap nito.
Ilang minuto natapos na ako sa paggagayat nv sangkap ,isinalin ko na rin yong kawali sa stove. Uminit na siya, nagsalin na rin ako ng mantika, sinunod na rin yong garlic saka onions.
Fastforward...
Naluto ko na iyong cravings ko na chicken adobo. Pero meron akong nakita na bangus sa loob ng fridge kaya nagprito na lang din ako, parang natatakam kasi ako nong pagtingin ko palang dito.
After kong magluto, gigisingin ko na sana iyong mga kaibigan ko. Si Elisa kakatapos lang maligo dahil nakatuwalya pa ito, sa tingin ko si Laiza naliligo na rin narinig ko kasi na maingay ang banyo.
“ Morning, Eli” bati ko.
“ Morning din, ang aga mo ata, buntis.” saad niya sakin habang nakatalikod sakin dahil nagbibihis na rin siya ng school uniform. Ganon ang ginawa ko nagbibihis na rin ako ng school uniform namin.“ Sadyang maaga lang ako nagising ” saad ko pa.
Tapos na rin siyang magbihis kaya humarap na siya sakin, kita ko rin na nakatitig siya sa mukha ko.
“ Bakit anong problema sa mukha ko?” tanong ko sa kanya.
“ Eh, paano mugto yang mga mata mo, umiiyak ka na naman, siya ba ulit ang iniyakan mo?” balik niyang tanong sakin.Umiling ako.
“ Edi, sino?” balik niyang tanong sakin.
“ My family?” tipid kong sagot.
“ Bakit anong ginawa nila sayo?” tanong niya uli.
“ Actually, di ko nasabi sa inyo kagabi dahil nakatulog na ako.” pasimula ko.
Nakinig lang siya sakin habang sinusuklay niya ang kanyang mahabang buhok.” By the way, ok na pala kami ng family ko, nagsorry na rin yong Dad ko sa sakin dahil sa ginawa niya. Pati na rin si Mom, kuya at ate, miss na nga raw nila ako, sa katunayan pupunta raw sila dito mamaya.” lintanya ko sa kanya.
“ Oh that's good to hear, masilan pa naman ang pagbubuntis mo” komento pa ni Elisa.
“ Oo nga pala, alam din nila yan.” nguso niyang sabi sa tiyan ko.“ Oo, alam nila.” sagot ko.
“ Mabuti, para di kana magtrabaho doon sa restaurant saka sa coffee shop.” wika niya pa.
“ Hmmm, nasabi na namin kay Madam kahapon,
ba't ka lumiban sa trabaho pati na rin sa pagbubuntis mo.” dagdag niya pa.
“ Nagalit si Madam sakin?" tanong ko dito.
“Hindi naman siya galit, concern pa nga eh, at isa pa, pumunta pala ex mo doon sa coffee shop kagabi hinahanap ka, iwan ko anong kailangan sayo, pero kong ako sayo wag munang pansinin nakakasama lang yan sa baby mo.” Pahayag niya pa.“ Huwag niyo na lang pansinin yon.” wika ko pa.
“ Yan ang dapat mo ring gawin sa kanya, ginawa ka lang niyang tanga nong kayo pa.” komento niya pa.
“ Nakabihis na pala kayo diyan.” bigkang labas ni Laiza, kakalabas lang ng banyo.
“ Bilisan mo na riyan, baka malate pa tayo saka nakapagluto na rin ako .” bahagi ko sa kanila.
YOU ARE READING
YOUR LOVE IS GONE
RomanceJackie Duterte was abandoned by her former boyfriend Jason Martin, she promised herself she didn't want to cry again for him. He chose Jackie's friend , but the truth and the painful part is, he used Jackie to go near Jackie's friend named Celine...