Part 56

11 2 0
                                    

Yumakap din pabalik si Jackie dito, naguguluhan man siya kung bakit sila umiiyak pero yumakap na lang din siya . Sakto rin ang pagdating ni Marco na may dalang pagkain.

“ Kumusta pala ang situation ni Shania?. " tanong ni Jackie dito.
“ Kailangan niyang masalinan ng dugo" umiiyak na saad ng nanay ni Shania.
“ Sinong ka match ng dugo ni Shania sa inyo. " umiling ang dalawa.
“ Anong type ng dugo niya? ." tanong ulit ni Jackie na may pag alala sa kaibigan.
“ AB-negative iha." naiiyak nasabi ng tiyahin ni Shania.

“ Oh, pareho pala kami. Itatanong ko sa doktor baka pwede ako magdonate sa kanya." sagot na ni Jackie.
“ Di ka pwede magdonate Jackie, buntis ka di makabubuti sayo yan, ako na hahanap ng donor. Para maoperahan na rin si Shania." sabat naman ni Marco, may pag alala rin siya sa dating iniibig pero, ngayon tanging kaibigan lang talaga ang turing niya dito dahil parang si Jackie naman si Shania. May hawig sila sa pag uugali, sa mukha rin. ang kaibahan lang ay palaban si Jackie. Mahinhin naman si Shania, pero kung una mo pa silang makita akalain mo na magkapatid ang dalawa. Mas malapit din silang dalawa sa lahat. Kaya masasabi mo talaga na para silang magkapatid.

“ Kung di ako pwede, edi si Dad papakiusapan ko na siya na lang mag donate, for sure papayag iyon." laban pa ni Jackie.

“ Baka makaabala pa tayo kay tito sa trabaho niya, wag na lang. Ako na bahala dito Jackie, responsibilidad ko ang magiina ko." ani pa ni Marco.

“ Please naman Marco oh, kahit ito lang ang maitutulong  sa kaibigan ko. Mahal ko siya, parang tunay na kapatid sana naman pagbibigyan mo ko. Isa pa, may atraso ka pa sa akin, di mo sinabi sa akin." pagbabanta niya kay Marco, nakuha naman ito ni Marco, he mouthed “ I'll explain everything to you, later." Tumango naman siya dito.

“ Ok fine, makulit ka eh, tulad ng kaibigan mo." tanging sagot na lang  ni Marco.
“ That's good." ani pa ni Jackie..

“ Iho, iha maiiwan na muna namin kayo, uuwi mo na kami ng ate." sagot naman ng nanay ni Shania.
“ Sege po tita, ingat po kayo." sagot ng dalawa.

Natutulog kasi si Shania sa hospital bed.  Dahil na pagod ito dahil sinumpong na naman sa kanyang sakit.

Nilapitan naman ito ni Jackie saka umupo sa tabi ni Shania.
“ Tutulungan ka namin para mapagamot ka. I'm willing to help you, pareho tayo ng blood type kaso di ko alam kung pwede  ba akong kunan ng dugo, dahil buntis rin ako.  Seguro si Dad na lang talaga ang pag asa natin." wika ni Jackie kay Shania habang tulog ito, sabay haplos sa buhok nito.

“ Manang may load po ba kayo, pwede makitawag saglit?" tanong ni Jackie. “ Wala kasi akong load, pwede makitawag saglit." dugtong pa ni Jackie.

“ Meron Ackie." sabay bigay ni Manang Rosa sa phone niya kay Ackie.

Tinawagan na nga ni Jackie ang Daddy niya.

Phone ringing.......

Di rin nagtagal sinagot na rin ng Daddy ni Jackie..

“ Hello Manang, bakit napatawag ka. May nangyari ba sa anak ko?." concern na tanong Ng Daddy ni Ackie...

“ Hi Dad, its me Ackie. Hiniram ko lang iyong phone ni Manang dahil wala akong load pantawag." paliwanag naman ni Jackie.

“ How's my daughter, right now?. Bakit napatawag ang  baby ko ?." tanong ulit Ng Daddy niya.
“ Dad, are you busy right now, may friend Shania  needs help. She needs blood like us, please help her Dad.  She's AB negative, the blood type is rare , we can't find easily blood donor. She needs that blood as soon as possible. " naiiyak niyang pakiusap sa Dad niya, dahil naawa siya sa bestfriend niya at sa pamilya nito.

“ Ok, tutulungan natin siya, alam kong mahalaga siya  sayo. At  parang anak na rin ang turing ko sa mga kaibigan mo.  Malaki rin ang pasasalamat ko sa pamilya niya dahil sa pagkupkop nila sayo.  Saka may test rin naman kung compatible ba talaga ang dugo namin. Pupuntahan ko kayo diyan ngayon, since, tapos na ang work ko dito sa opisina. Send mo na lang sa akin  kung saang hospital kayo ngayon. I'll hung up na baby, may kakausapin pa ako. I love you anak. " lintanya ng Daddy niya.

YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now