Jackie's povNgayon pala pupunta ang kuya at ate ko dito sa school namin susunduin ako, dahil di sila nakapunta nong nakaraang araw . Dahil na busy rin sila sa kani-kanilang trabaho kaya wala ng oras para puntahan pa ako. Saka ngayon na lang din ako magpaalam ng maayos sa boss ko na di na ako magtatrabaho. Ipagpaalam rin nila ako sa boss ko, para di magtaka bigla bigla na lang akong magreresign.
Ngayon din ako magpapacheck up sa baby ko. Simula kasi nong nalaman kong buntis ako , wala pang proper check up. Kaya ngayong araw ang proper check up ko with my kuya and ate.
Hapon na rin, last period na ng klase namin which is good pagod na ako, inaantok na rin.
Naghihintay kami sa professor namin, since di pa dumating ang guro namin kanya kanyang kwentuhan ang mga kaklase namin.
" Hey, mamaya di ako makasabay sa inyo pag uwi dahil pupunta ang kuya at ate ko dito." paalala ko sa kanila.
“ Paano na iyan, libre sana tayo ni Carlo." wika din ni Elisa.Parang di nagustuhan ni Carlo ang sinabi ni Elisa.
“ Sinong may sabi na manlibre ako.” laban niya dito.Parang natutuwa naman si Elisa sa ginawa niya dahil napikon na naman niya si Carlo.
“ Biro nga lang, ito naman totohanan agad,pero pwede rin naman kung gusto mong manlibre sa amin.” Ani pa ni Elisa kay Carlo, umismid lang si Carlo kay Elisa. Natatawa lang silang tingnan dahil nga parang aso't pusa na nag aaway. Sa gitna ng pagbabangayan ng dalawa sakto rin ang dating ng professor namin kaya nagsiupo sila ng maayos. Tahimik lang din ang ibang kasamahan namin, nakikinig lang sa sa amin, lalo na sa dalawa.
“ Good afternoon class.” bati ng professor namin, habang nakangiti na nakatingin sa amin na studyante niya.
“ We will be having a quiz right now, a short quiz, a recap of what we have discussed from the other day." professor added.Buti na lang din, nakapag aral ako kanina, dahil nga nagpatulong sa akin si Shania sa mga missed lesson niya. Ganon din siya, may napag aralan din siya kaya alam ko na may maisasagot siya ngayon.
Nagsimula na ngang magbigay ng questions ang guro namin, naka flash sa screen.
Ilang minuto na tapos na rin namin ang pagsusulit na binigay sa amin. Ipinasa na rin namin ang sinagutang papel namin. Nagsimula na rin magdiscuss ang professor namin ukol sa aming aralin.
Mga isang oras at kalahati ang tinagal bago natapos ang klase namin. Nagpaalam na rin ang guro namin, kaya nagsilabasan na rin ang mga kaklase namin.
Nagpaalam rin muna ako sa mga kaibigan ko na pupunta na muna ako sa comfort room dahil naiihi na ako.
Naglalakad na ako patungo sa comfort room pero sa di kalayuan nakita ko si Celine na kasama si Jason, but I don't mind I know its hurt so much. I need to bear this pain for my baby. I pray someday, I able to move on and this pain that I have right now, slowly fade away. If ever it happens, Im totally move on from the past. Start new memories with my baby in my tummy. I caress my tummy, and smiled a little, thinking that having a baby even if still studying, some point its a challenge for me, knowing that the father of my child also having a child with the other woman, it hurts the feeling knowing that he didn't accept my baby.
Pagdating ko sa comfort room, naghanap din ako ng bakante dahil ihing ihi na ako. May mga ilang babae rin kasi nasa loob. Ang iba na daanan ko nag reretouch ang iba naman kakatapos lang din umihi.
Minsan napansin ko rin na iba ang tingin nila sa akin, saka nagbubulungan rin. Di ko alam kong ano ang pinagusapan nila.
Noon alam ng iba na magkasintahan kami ni Jason, pero nong nagkahiwalay kami sakto na nabuntis ako parang iba agad ang tingin nila sa akin. Parang ako pa ata ang nanloko sa aming dalawa. Kahit di nila sabihin sa akin pero sa tingin nila, alam ko na ako na ang pinaguusapan nila. Sa tuwing dumaan kasi ako sa harapan nila biglang tumahimik, kaya don ko nalaman na ako pala ang pinaguusapan nila.
YOU ARE READING
YOUR LOVE IS GONE
RomanceJackie Duterte was abandoned by her former boyfriend Jason Martin, she promised herself she didn't want to cry again for him. He chose Jackie's friend , but the truth and the painful part is, he used Jackie to go near Jackie's friend named Celine...