Chapter 3 Ang malamig na kamay

64 4 0
                                    

Ang mga batang mag- aaral ay libangan na talaga ang paglalaro pag free time. Lalo na pag hindi pa nag-uumpisa ang klase sa hapon.

Ang pangalawang nangyari sa akin sa paaralan ay noong grade 2 pa ako. Kasama ko ang bestfriend ko na si May naglaro sa may playground. Kami lang dalawa ang nandun kasi ang ibang mga bata ay nasa hall naglalaro. Nang napagod kami sa paglalaro ay nagpahinga muna kami saglit. Nang bumalik lakas namin ay nagtungo naman kami sa sliding.

Tara! Akyat na tayo sa taas.- May

Tumingin muna ako sa sliding.

Ayoko dito na lang ako sa baba magslide.- sabi ko sabay pout

Ahh! Bakit ?- May

Takot ako- sabi ko sabay hawak sa gilid ng simentong sliding.

Ok..

At umakyat na siya roon habang minamasdan ko siya sa pgpapadulas galing taas. Sa totoo lang takot talaga ako maglaro dito hindi dahil sa takot ako sa high at hindi din dahil mataas ang simentong sliding na sa tantya ko mga higit pa sa 5 ft pataas kundi dahil sa kakaiba talaga pag nasa taas ako nito.

Minsan nga pag marami kaming naglalaro kasama mga kaklase namin ni May hindi talaga ako sumasali sa pagslide minsan lang ako sumasali pero hanggang sa bandang kalahati lang ako nagpapadulas at dun sa kabilang slide. Dalawa kasi un,kaliwa't kanan at iisa lang ung pinaglagyan ng bakal na ladder pero opposite side din ung dalawang ladder.

Habang nagpapadulas si May parang natutukso akong umakyat at gayahin siya gayon natatakot ako. Ewan parang may bumubulong sa akin kaya umakyat ako at si May ay nasa baba na. Sa kabilang side ako umakyat at umupo kung saan nagpapadulas si May. Mainit kasi sa kabila dahil tanghali pa naman . Nakatingin lang ako sa baba at natatakot habang mahigpit ang hawak ko sa railing na bakal. Naramdaman ko din ang pag dating ni May at nakatayo siya sa likod ko na hinihintay ang pagdulas ko.

Ewan ko kung bakit natatakot ako at bakit ba ako umakyat. Hindi naman nagsasalita si May at hihintay na ang gagawin ko.

Ngunit, hindi ko inaasahaan ang sumunod na nangyari. May naramdaman akong malamig na mga kamay at humawak sa likod ko at bigla na lang akong tinulok nito.
Dahil sa biglaang pagtulak sa akin ay napasubsob ang mukha ko sa lupa at biglang tumigas ang aking katawan na hindi ko na magalaw ito. Hindi rin ako makahinga nun tangin nakita ko na lang ay ang mga batang mag- aaral na naglalaro sa hall na lumapit sa akin para tulungan ako kaso umiyak nako hindi dahil sa sakit kundi di ko na makilos ang katawan ko. Hindi man ako makagalaw ay narinig ko naman ang iyak ni May na sinasabi na hindi daw nya ako tinulak kaso sadyang well- known yata ako sa skul dahil maraming nag alala sa akin kahit hindi ko sila kilala at ung iba sinisisi si May. Hindi rin ako makapagsalita dahil walang boses na lumabas sa akin.

Ilang saglit lang ay dinaluhan ako ng aking papa dahil pinuntahan siya sa isa sa mga bata ron. Malapit lang naman ang District office katabi lng nito ang hall at playground kaya mabilis siyang dumating. Pinatayo niya ako at dahan dahang hinala mga braso,manhid yata katawan ko dahil hindi ako nakaramdam ng sakit sa ginagawa sa akin. Dalawang minuto yata ang pagmasahe sakin at bumalik na sa dati ang katawan ko. Nakatayo't nakagalaw ko na rin katawan ko.

Tinanong ako kung ano ang nangyari tanging hindi ko alam ang nasagot ko dahil nalilito ako kung kaninong kamay ang tumulak sa akin. Alam ko hindi kamay ni May un dahil iba ang lamig nito. Nabuo sa akin isip na ibang nilalang ang may gawa nun sa akin. At kung sino man siya nagawa niya akong saktan.

Umalis na ang lahat at kami na lang ni May ang natira. Ilang beses na siya nagsorry kaya sinabi kong wag na siyang magsorry dahil wala siyang kasalanan.

Hindi ko na lang sinabi sa kanila ang totoong nangyari dahil ayokong matakot sila o hindi naniniwala saakin. Pero simula nun hindi na ako nagtangka pa umakyat para magpadulas. Sapat na sa akin dun sa half para magpadulas kahit ung mga kaklase ko naglalaro at mula sa taas nagpapadulas.

Alam kong noong bata pa ako open minded na ako sa kababalaghan kaya sinasarili ko na lamang. Marami man tayong nasasalamuha na hindi natin nakikita o nararamdaman,hindi parin natin maiwasang matakot dahil baka masama at hindi mabuting nilalang ito. At pagmasama ito ay siyang magpapahamak sa atin .

UNWANTED SENSES true story  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon