Chap. 19- Wag kang lilingon

7 3 0
                                    


Naranasan nyo na bang maglakad sa gitna ng gabi na napakadilim at malamig ang simoy ng hangin dahil sa ulan?

Kung oo , naranasan nyo bang kilabutan habang naglalakad kayo mag-isa?

Kung oo, tiyak relate kayo sa karanasan kong ito.


Hindi ko maalala kung ilan taon na ako nun basta tanda ko mga high skul pa lang ako nun.

Gabi yun, siguro mga alas otso at umaambon o mejo tumila na ang ulan.


Madilim dahil dulot ng ulan, maputik ang daan, walang ilaw rito at walang katabing bahay malaPit sa amin.


Inutusan ako nun na bumili sa tindahan dahil masunurin ay pumayag ako. Tapat ng bahay namin ay irrigation at paglampas ko run ay damuhan kaya mejo nakakatakot dahil walang ilaw, nakakatakot hindi dahil sa anuman nakakatakot dahil minsan na akong nakaapak ng ahas, madilim kasi at hindi ko nakita na dumaan ito sakto pag-apak ko kaya natatakot ako na baka maulit. Go back to the story.. eto na..


Nakapayong ako at maingat naglalakad sa basang damo , napatigil ako ng parang may narinig akong nakasunod sa akin kaya lumingon ako sa likod na baka may sumunod na kapatid ko pero tumambad sa akin ang madilim na paligid.

Napakunot noo ako at nagtaka kaya sinawalang bahala ko na lang.


Narinig ko na naman ang yabag na paa na tila sinusundan bawat hakbang ko, lumingon ulit ako ngunit wala parin.

Kaya nagpatuloy ulit ako sa paglakad, malapit na rin ako sa kalsada na may kabahayan na ngunit heto na naman ang yabag ng paa kaya napatigil ako at nanlamig bigla naka t- shirt kasi ako nun at ung mga balahibo ko sa batok at braso biglang nagsitayuhan na parang may dumamping lamig na hindi mo maintindihan.


Hindi na ako lumingon kaya nagmadali ako naglakad at dinig ko parin na sinasabayan akong naglakad, sakto pag dating ko sa kalsada bigla na lang nawala ung sumunod sa akin.


Lumingon na ako sa likod kaso wala talaga kaya tumakbo na ako


After how many minutes syempre uuwi parin ako at dadaan dun no choice kasi un ang daan pauwi ehh.


So heto na naglalakad na ako dun, gaya kanina ganun parin may sumusunod ulit kaya ang ginawa ko ay tumakbo ako ng pagkabilis at hindi alintana ang basang daan.


Nakarating ako sa bahay ng hingal na hingal pero hindi ako nagkwento kasi hindi ko ugali magkwento sa pamilya ko.


After how many hours dumating na sa bahay ang kuya ko, gawain kasi nila na gabi umuwi kaya un kinwento nya na parang may sumusunod daw sa kanya sa daan pauwi dito.

Nabigla ako dahil same situation kami kanina. Kaya ayon sinabi ni nanay na basta twing umaambon o umuulan lalo na paggabi daw, pag lumabas ka raw o naglalakad sa dilim may parang sumusunod daw sau na ginagaya hakbang mo. Mejo kinalibutan ako sa narinig ko dahil ibig sabihin may kasama ako kanina na multo sa paglalakad.

Kaya simula nun pag uutusan ako sa gabi lalo nat umuulan o umaambon ay hindi ako sumusunod dahil natatakot ako .

Wala na akong paki if pagalitan ako basta hindi na ako lalabas mag-isa sa gabi lalot umaambon o umuulan.

Takot ko lang ....





UNWANTED SENSES true story  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon