Ang karanasan ito ay mula sa aking papa..
Nang lumipat kami at ibinenta ang lupa namin dati ay lumipat rin ng ibang work si papa pero twing sweldo naman nya ay umuuwi pa sya rito sa lugar pabalik para kunin sweldo nya.
Dati twing babalik sya sa lugar namin ay hindi sya kanila lola nakikitulog ( puno na daw kasi dati dun sa bahay ni lola dahil nakitira ung kapatid nya at asawat anak) kaya sa pinsan nya sya nakikitulog katabi din kasi nun ang bahay ni lola.
Dalawa lang kasi sila natutulog dun sa bahay ng pinsan nya at lasinggero din iyon kaya twing gabi ay nakakarinig sya ng naglalakad sa taas ng bubong na sobramg bigat daw ang yabag . Parang damang dama daw ang galit nito sa bawat yabag nya.
Hindi daw nakakatulog si papa sa inggay nito kaya minsan ay tinatakpan nya tenga nya para di marinig ang inggay...
Twing gabi daw lageng may naglalakad sa bubong kahit ngayon sige parin daw.
At naintindihan na ni papa kaya twing gabi naglalasing pinsan nya para di marinig ang inggay sa taas.
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
TerrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..