Special chap.: Bahay ni Lola I

11 2 0
                                    


ang nagaganap na tagpo ay naranasan ng ilang nakatira sa bahay ni lola... yap ni lola ko mismo.. kabilang din dito ang ilang naranasan ko nung pansamantalang tumira kami rito nang bumalik kami sa lugar namin after 3 yrs.

Wala akong dinagdag sa bawat senario kaya nasa inyo na kung kapanipaniwala o hindi....

Payo magbasa kayo ng hatinggabi ung kayo lang ang gising at walang kasama para damamg dama nyo ang bawat senario....ehehehee

Enjoy reading...

------------------------—-----——

experienced #1

Isang buwan mula nang dumating kami sa bahay ni lola. March kasi kami dumating. Twing Abril at Mayo ay uso ang tinatawag na rotating black-out sa mindanao.

Minsan hindi talaga malalaman ang exact time ng pagbrown out sa lugar namin.

Tanda ko talaga ito dahil unang karanasan ko ito sa loob ng bahay. hindi kasi ako naniniwala sa kwento ng mga pinsan ko na minsan na daw nakitulog sa bahay na may kababalaghan sa bahay.

Hindi up at down ang bahay kundi first floor lang na concrete.

3 rooms sa kaliwa na sa kanan naman ay living room, dining area at kusina na.

So heto na... hapon un mga magsisix na ng gabi. Ako kasi ang tipo ng tao na hindi comfortable pag hindi nakakahalf bath sa hapon.

pumasok Na ako sa bathroom nang biglang ng brown out kaya lumabas muna ako para kumuha ng kandila.

Sobrang dilim sa kusina pati sa dining area dahil dun ko kinuha ang ginamit kong kandila.

Pumasok na ako sa  banyo at naghalf bath narin. Nasa kasagsagan ako ng pagsasabon sa katawan ng bigla kong narinig ko na may pumasok sa kabilang c.r. Dalawa kasi c.r. bathroom at banyo na u know...

Un nga lumingon ako sa kaliwa kasi dun ang pader ng kabilang banyo nagtaka ako dahil walang ilaw o liwanag sa loob.. Makikita kasi if may ilaw sa loob dahil sa light rays sa bubong.

" sino yan?"

Tatlong beses kong tanong kaso walang tumutugon at ni wala akong narinig na inggay sa loob maliban sa pagbukas ng pinto nun na may pumasok at ilang minuto  pero hindi na muli nagbukas ang pinto nito.

" shit!!"

Napacussed ako dahil naalala ko na ako lang pala ang tao sa loob ng bahay dahil nasa terrace silang lahat dun tumambay habang naghihintay bumalik ilaw.

Kinalibutan ako kaya nagmadali ako naligo. Ni hindi ko nga pinikit mata ko at sinawalang bahala kung malalagyan ng sabon mata ko. Hindi din ako kumarap habang binabasa ko  katawan at mukha ko .. Natatakot kasi akong isipin pag pumikit ako pag dilat ko kaharap ko na ang multo , un kasi pinakaayaw ko mas gusto ko pang makakita sa malayo keysa sa harap harapan sa mukha pa.

Kaya nagmadali akong naligo at tinapos agad. Lumabas ako na dala dala ang kandila at inilawan ko pa ang  pinto ng banyo kaso sarado ito. Nagmadali akong naglakad at nang nasa dining ako ay nakita ko sa labas na nasa terrace parin kasama ko sa bahay at tama  nga hinila ko dahil hindi tao ang pumasok kanina at dun na ako tinaasan ng balahibo.


Experienced #2


Ang karanasan ito ay sa akin parin, gabi din mga past eleven nanood paki kami ng late na palabas sa t.v.

Ako, kapatid ko, at papa ko lang ang nasa sala tulog na lasi ang iba. Dinalaw na ako ng antok kaya bago matulog ay kailangan ko pang magbanyo para hindi na ako maihi sa kalaliman ng gabi..


Nasa kusina na ako ng nakarinig ako ng naghihigib sa may balon. Sa may gilid kasi ng pinto ng kusina ang balon at tapat ang bintana rin.

Nagtaka ako kung bakit may naghihigib ng ganitong dis oras ng gabi at ang alam ko walang ilaw at madilim dun.

Dahil likas sa akin ang pagiging curiousity ay lumapit ako sa may bintana.

Kahoy ang bintana hindi ko alam ang tawag dun basta ung bintana na by steps na pahiga. basta un na un..

nang nakalapit na ako ay dahan dahan kong hinawakan ung ibabang level ng kahoy kasi mejo sira un at masisilip mo talaga sa labas.

Kita ko dun na madilim  sa labas at still continue parin ung naghihigip na walang tigil kaya hinawakan ko ung locker ng bintana at tahimik na ini unlock at mabilis na binuksan ang boung bintana kaso sabay nun biglang tumigil ung naghigip at biglang may pumasok na hangin na bumangga sa mukha ko. Kinalibutan ako dahil familiar sa akin ang lamig ng hangin hindi kasi ordinaryong lamig kaya mabilis kong sinara ang bintana at nilock ulit.

At nagulat pa ako dahil bumalik ulit ang tunog ng naghihigip na walang katapusan. Kaya mabilis ako nagtungo sa c.r at nagmadali din lumabas.. At pinasawalang bahala ang walang tigil na naghihigip.



Experienced #3

May last  experienced sa bahay ni lola.

Hapon un mga hindi lalayo sa alas kwarto o alas singko.



ako ang tagaluto sa amin kaya naisipan kong magluto ng lumi.

Sa may tapat sa gilid ng terrace in short harap ng bahay ako nagluto. Ubos kasi ang laman ng LPG kaya kahoy ang ginamit ko.

May open wall kubo kasi dun at dun nilagay ung kahoy na lutuhan.

Nang naluto ko na un ay pumasok na ako bahay dala ang mainit na kawali na may laman ng luto kong lumi.

Walang katao tao sa loob ng pumasok ako nasa labas kasi ung mga tao dito.

So heto nang nasa dining area na ako pag apak ko sa sa sementong floor bigla na lang itong lumambot na para bang hindi semento ung naapakan ko.

Buti na lang nakasupport ang kaliwa kong paa kaya nabalanse ko ang katawan ko.

Muntikan na kasi ako masubsob ng naapakan ko ung malambot na bagay. Kung hindi ako naging alisto tiyak nabuhos na ang mainit na lumi na hawak ko.

Mga five seconds kasi naging malambot ung floor kaya after kong mabalanse ung katawan ko binalikan kong apakan ung semento pero nawala na ung malambot kaya nagtaka ako.

At inisip na baka pinaglaruan lang ako ng hindi ordinaryong tao. Kaso dahil sa ginawa nila muntik na akong madisgrasya.







UNWANTED SENSES true story  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon