Naniniwala ba kayo sa mga engkanto?
Ako oo kasi ang lugar namin ay nasa probinsya.
Paniwala kasi sa mga lugar sa probinsya ay maraming kababalaghan dahil siguro sa maraming puno o magubat.
Sisimulan ko ang aking kwento tugkol sa naranasan ko nung bata pako 4 o 5 years old yta ako nun. First time ko maencounter ito at hindi ako sigurado kung totoo o hindi dahil sa kadahilanan na akoy musmos pa at gabi un.
2 days before nang gabing un, tinawag kami ng pinsan kong lalaki habang kamiy naglalaro sa iba naming mga pinsan. Nasa bakuran kasi kami ng bahay ng lola namin. Ung pinsan namin na tumawag sa amin ay kasing edad naman ng kuya kong panganay.
Nang makalapit na kami ay ipinakita nya sa amin ang mga litrato hindi ko na maalala ung iba dahil nakafocus ang tingin ko sa isang litrato na hugis kabayo ang mukha pero pangtao naman ang katawan na may buntot ng parang kabayo rin na sa tingin ko'y naglalakad sa gilid ng dalampasigan habang palubog na ang araw. Hindi ko rin mawari ang itsura dahil naging silhouette ito. Tinanong ko ang aking pinsan kung ano ang tawag nito at sinagot niya ako na Tikbalang daw un. Kaya simula nun inisip ko kung pano makita ko ito sa personal mabait din kya pero impossible dahil baka hindi totoo .
Ilang araw na nakalipas ay nakalimutan ko na ang tungkol sa tikbalang. Pagkagabi natulog na kami pero naalimpungatan ako na mga oras na un. Nakatalikod sa akin si nanay at katabi nya ang bunso naming lalaki at kasunod ang dalawa kong mga kuya. Alam ko hindi pa nakakauwi si papang kasi hindi ko maramdaman presenya nya kahit madilim sa kwarto namin. Pagkatanda ko kasi ay may party sa office nila kaya minsan hating gabi na sya umuuwi.
Kahit madilim sa paligid ay pumapasok naman ang kunting sinag nga ilaw sa labas.
Hindi ko alam kung bakit ako lumingon sa kaliwa kung nasaan ang pinto ng kwarto namin. Huli yata ang pagsisisi na akala ko ang papang ko ang nagmamay ari ng anino na pumasok sa kwarto namin ay hindi pala. Isang tao na ang ulo ay parang kabayo papalapit sa amin. Hind ko alam kung pano nangyari ito sa sobrang takot at panginginig ng katawan ko narealized ko ang picture ng tikbalang. Agad kong pinigilan ang paghinga ko at nagtago sa likod ng aking ina habang sinusundan ko ng tingin ang tikbalang. Napuna ko rito na tila may hinhanap sya dahil palinga linga ito. Tumapat siya sa may paanan ko at minamasdan kami na natutulog. Buti na lng nagkulambo kami at dag dag din ang madilim kya hindi nya halatang gising ako. Sobra talaga ako kinakabahan na baka anong gawin nya sa amin dahil ilang minuto din siyang nakatayo ung baluktot na pagkatayo. Nang gumalaw ulit siya ay siniksik ko talaga ang sarili ko sa likod ni inay hanggang sa hindi ko namalayan nagising na ako na umaga na pala.
Nagtaka ako na ligtas kami kaya hindi ko na lang sinabi sa mga magulang ko ang aking nakakatakot na nakita nanggabing iyon.
Simula nun hindi ko na rin nakita ulit ang tikbalang na pumasok sa bahay namin pero simula na din un na naging masakitin ako at laging nilalagnat ng pabalik balik.
----------------------------
A/NPasensya na kung hindi kayo natakot ito kasi ang first time na nangyari sa akin.. Peo wla pa tau sa kalahati na naranasan ko hanggan ngayon kaya stay foot muna.
Sana marami ang magbasa dito..:)
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..