Nangyari ang napakapanindig balibong karanasan ito kasama ang aking kaklase slash kaibiganng babae.2014 so malapit na kaming gagraduate ng college kaya hectic ang sched namin. Sa umaga ay nasa field at sa gabi naman ay review class , mag- uupisa sa alas sais at matatapos ng mga alas nuebe ng gabi. Kung mamalasin naman pag nagblack out kaya mas nakakatakot umuwi lalo nat kami lang dalawa ng kaibigan ko at babae pa naman kami.
Malayo ang bahay ng kaibigan ko, sasakay ng jeep o payong-payong ( trycle peo bubong ay malaking payong at pandalawaan ang makakasakay sa sidecar ). Baba kami sa kalsada at maglalakad ng ilang metro sa gitna ng palayan at malala ay napakadilim dahil walang ilaw sa dinadaanan namin, kung mayrun man ay ung dalawang bahay sa gilid ng kalsad at isang bahay sa gitna ng palayan na 10 meter yta layo sa kalsada. Paglampas dun sa nag- iisang bahay ay wala ng bahay ulit swertehin kung maliwanag ang buwan o kalangitan kaya mas maganda maglakad kaso flashlight lang ng cp namin gamit namin pagmadilim ang kalangitan.
Dahil malayo layo ang nilalakaran at malubak ang daan minsan maputik pa pag uulan tanging sinadabi ko ay kaya ko to tiis lang.
Pagnakalampas nakami sa palayan dun pa madadaanan na namin ang mga kabahayan na kuripot sa mga ilaw kasi ilan lang ang nagpapailaw sa malalim na gabi.
Paglampas sa mga kabahayan ay dadaan na naman kami ng ilang metro sa gitna ng punong niyog na sobrang dilim bago makarating sa hanging bridge sa wala din ilaw.
Pagkatawid sa bridge ay may bahay na ulit, daan na naman sa naglalakihang bato sa gilid ng mga bahay, pasikot-sikot, hanggang madaanan daw ung bahay na wala ng nakatira maliban sa kapre daw kasi ung tabi ng bahay ay mangga at matkababalaghan daw dun sa loob ng bahay.
Mga ilang kembot pa matatanaw na bahay ng kaibigan ko sakto malapit na mag ten pagdating sa bahay nila.
Gilid kaai ng bundok ang tinitirhan nila kaya mejo slanting at mabato rin.
Gabi-gabi un ang ginagawa namin.. Kaming dalawa lang umuuwi. Minsan hindi lang ako nagpapahalata pero hanggat hindi namin nararating ang bahay ay pinipigilan kong huminga dahil nakakaramdam ako ng takot lalo nat napapadaan kami sa dilim na bahagi o kaya dun sa bridge.
Isang gabi ang hindi namin inaasahan, nakaramdam din pala ng takot ang kasama ko hindi ko lang siguro halata dahil pag malapit na kami sa bridge a y nauuna talaga akong maglakad at sya ay nasa likod ko lang.
nang gabi un ay saktong black out, malamig ang simoy ng hangin at napakadilim ng kalangitan kahit bituin ay wala. Nasa kasagsagan kami ng paglalakad sa may hanging bridge iba na talaga pakiramdam ko. Isang metro na lang at baba na kami sa bridge ng bigla akong hawakan ni Cha.
" i.....iz...."
Hinang tawag nya sa akin habang hindi binibitawan kanang braso ko.
Niglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagets ko na ang ibig nyang sabihin. Pigil hininga akong lumingon rito.
" ano?"
" hindi .... mo ba narinig..?"
Aniya na halata kong takot ang bimabalot rito..
Napataas kilay ako at kinalma sarili at pinakinggan ang paligid.
Nag-uumpisa na rin tumaas balahibo ko at lumamig. Pakiramdam ko may katabi kami.
Nagfucos ako at narinig ko ang isang pag hinga na para bang nasa tapat lang ito sa aming tenga nga kasama ko. Napalunok ako habang hawak parin ako ng kasama ko.
" w-wala... h- hayaan mo na un.. tara nah"
Pagsalungat ko para makaalis na kami .
" ahhhh!!!!"
Napahiyaw kami ng may biglang sumigaw sa tapat ng tenga naming dalawa na boses matanda na napakapanindig balahibong tinig.
Bumilis ang tibok ng puso ko at sobrang lamig na ng naramdaman kaya hinila ko na si Cha paalis.
Pababa na kami sa bridge at nagawa ko pang sumulyap kaso wala talaga akong nakitang tao.
Nahabol namin ang hining namin nang makarating kami sa kabahayan. Para akong naligo ng malamig na tubig sa lamig ng pawis ko.
Nakarating kami sa bahay nila at kinwento ni Cha sa mga magulang nya ang nangyari sa amin.
kinwento din nila na may namatay daw kanina na matandang lalaki na malayong kapitbahay nila.
Napalunok ako ng laway at nagtinginan kami ni Cha.
Simula nun sinusundo na kami ng kuya ni Cha kasama ang ilang pinsan nila pag-uuwi kami twing gabi...
Masasabi kong matatakutin pala ako pag may kasama akong madaling matakot...
---------+++-------------
Paki like este votes pala ehehehe
CAN YOU PLEASE READ MY ANOTHER STORIES ENTITLED
CHAOS BETWEEN THE CLANS -- ( a vampire story about love..revenge..and clan..)
And
MY BROKEN DESTINY -- ( about undestined lover.. a guy died but an archangel gave him a mission to find the girl destiny ..... weither the mission accomplish or not he will be a guardian angel that never recall everything in his past life.)
Sana basahin nyo rin gaya ng pagbasa nyo rito..
Hindi ko hanggad na maging famous mas mahalaga sa akin ay maymagbasa sa gawa ko at matutunan aral (charr..!)
Basta try to read lang poh... ;)
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..