Ang karanasan ito ay nagmula sa piling tao na kinwento sa akin ang karanasan nya sa unang pagkakataon.
Si Ella ay nag-iisang anak lamang, tulad ng mga kabataan ngayon ay mahilig rin sa social media. Mahilig rin syang magbasa ng mga horror stories.
isang gabi, naalimpungatan sya bigla at napalingon sya sa kung saan nakalagay ang full size length mirror nya sa may gilid. Kahit dimlight sa loob ng kwarto nya ay kitang kita nya ang isang white lady na hanggang balikat ang buhok na nakaupo sa gilid ng kama kaharap ang salamin habang nagsusuklay ng buhok.
Wala naman ginagawa ito maliban sa nagsusuklay paharap sa salamin.
Nagkunwari lang syang tulog pero bukas naman ang mga mata habang nakatitig sa direksyon ng white lady.
Nagtagal ng ilang minuto ang white lady hanggang sa unti-unti itong naglaho.
hindi naman sya nakaramdam ng takot dahil sanay na sya sa mga ito, pero ang pinagtaka nito kung bakit bigla na lang may multong pumasok sa unang pagkakataon sa kwarto nya at nalalamin na nagsusuklay ito.
Naulit pa ang pagpapakita ng white lady na nakaharap sa salamin habang nagsusuklay kaya hinahayaan na langn nya ito.
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..