Nasa multimedia ang room ko nung nagboard ako. ➡➡➡➡➡↗↗↗⬆⬆
==========================
summer class namin nun kaya nagboarding ako.
Double deck ito at nasa baba naman ako dahil wala naman akong karoom mate..
Kisame ng kama ko ay nilagyan ko ng tela ( tirang kurtina ung kulay green na may design ng bulaklak) para di ako mahulugan ng alikabok sa ibabaw ko.dati ko nang naririnig nung first year pako na may kababalaghan ang boarding haude na yun. School boarding hause kasi namin un ika nga para sa student lang un.
Minsan dun kami nagtatambay nung hindi pa ako nagboard. Dati kinwento sa amin ng SBO President na minulto sya nun nagpunta sila sa boarding hause. May program nun at mayrun silang kinuwa dun, hindi pa narenovate ung bahay kaya ung pinto katabi na parang terrace na may grills para di mapasok ng magnanakaw at tatlo pa ang kwarto nun di gaya nung nagboard ako na anim na. Sya lang mag-isa nun nakaupo sa may terrace at nakasandal ang likod sa grills, Gabi kasi un kaya hinintay lang nya ung kasama nya na may kinuha sa kwarto nito, sa paghihintay nya ay nakaramdam sya ng kilabot at nasa harapan nya nakatayo ang white lady. Dahil sa takot ay napasigaw sya kaya dumating ang kasama nya kasabay ang paglaho ng whitelady.
Takot na takot sya dahil first time daw nya makakita ng multo kaya nilagnat sya kinabukasan at hindi na muli pumunta sa boarding hause.
Nawala na din ang issue about dun kaya di na namin pinag usapan at pinagbawalan na rin kami magtambay dun kasi nahuli ang ibang kaklase namin na nagsusugal roon.
Mga 2013 nun at bago na ang boarder pero nqging kaibigan narin namin, kinwento rin nila ang experience nila about sa boarding hause na minsan nawawala gamit nila at makikita na nila sa taas ng ceiling may sira kasi un. Dati iniisip nila na baka daga lang ang gumagawa kaso iba na daw dahil minsan galing sila sa pagshopping at paglingat lang nila nawawala ung shopping bag nila na hindi nabubuksan o walang bakas na kagat ng daga kaya dun nila na isip na may mapaglarong nilalang na hindi nila nakikita.
Next exprience naman nila ay dun sa cr... iisa lang kasi ang c.r. kaya mindan paggabi na papasok isa kanila parang may kasama daw silang hindi nakikita basta nararamdaman nila ung presence na may nakatitig sau kahit wala naman. Minsan naman may maglalakad sa pasilyo ng boarding hause kahit wala naman.
At ito ang malala nung nagboard na ako. Dahil maya pa ten klase ko ay tambay muna sa kwarto mag-isa. Sakto na nasa skul ung kaboarder ko na student at instructor. Mejo sinirado ko ung pinto ko habang nalahiga bigla na lang may narinig akong naglalakad kala ko ay kaboarder ko kaya binulsan ko ung pinto kaso mali pala ako dahil ako lang pala tao sa loob. Pinasawalang bahala ko na lang dahil alam ko na may iba ako kasama kaya mejo inopen ko kunti ung pinto para makita ko f may darating na tao kasi tapat ng pinto ko ung maindoor ng boarding dahil rinenovate na ito. Ito ang unang naexperience ko sa loob ng boarding kahit umaga may nagpaparamdam
Ang huling experience ko ay gabi nun, dahil ako lang mag-isa sa kwarto hindi ko na pinapatay ang ilaw. Matagal akong matulog kaya siguro mga alas unse o alas dose ng gabi.
Minsan kasi ako ung tipo na tao pag natulog gising parin ung diwa kung baga nararamdaman ko ung paligid ko kahit nasa kalagitnaan ako ng pagtulog.
Sa panaginip ko nasa madilim daw ung na lugar at nakahiga ako tapos bigla na lang na may parang mahuhulog sa tapat ng mukha ko kaya kahit tulog at nasa panaginip un ay bigla ako napabangon dahil tulad sa panaginip ko ay may malalaglag na kung ano sa mukha ko. Sakto pagbangon (napatyo) bigla na lang nahulog ang malaking daga sa unan ko at tumakbo sa gilid bigla na lang nawala.
Mabilis akong lumapit sa kama at tinignan ung gilid kung pano nawala ang malaking daga gayon walang butas na madadaan dun ang daga dahil gilid ng kama ko ay dingsing na kahit dun sa uluhan ko ay dingding kaya impossible tllga ang pagkawala nun ni hindi nga tumakbo sa harap ko na open space, timingin din ako sa pinanggalingan ng daga sa ibabaw pero wala naman butas ung telang nilagay sa ibabaw ng kama ko kaya pano napunta dun at nalalaglag mismo sentro sa mukha ko ung daga. Napakampt na lang ako sa ulo dahil dun.
" salamat sa laro kung sino ka man!! Bullshit! Sinira mo ang kasarapan ng tulog ko! Wag mo ng uulitin kundi malilintikan ka sa akin.."
Sabi ko na may diin at asar sa nilalang na hindi ko makita kahit alam kong walang sasagot basta pinakita ko na inis ako.
Buti na lang gising diwa ko at pinadaan sa panaginip ung kalukuhan ng pilyong multo. Bago ako higa ulit tinignan ko ang cp ko at alas tres na pala ng madaling araw.
Ewan ko ba hindi manlang ako natakot sa nangyari na para bang inaasahab ko na un, lito rin basta simula nun hindi na naulit ang pagpaparamdam sa akin.
Siguro natakot rin un dahil sa inis ko...eheheeh...
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..