Special chap.: Manananggal

14 2 0
                                    

Ang karanasang ito ay nag mula sa pinsan kong lalaki.




isang gabi sa kalaliman ng gabi nagsiuwian na ang mga magbabarkada magpipinsan na pinsan ko rin . Minsan kasi ay madaling araw na sila natapos mula sa pagkukuwentuhan o stand by habang nagkajamming ng anuman.


Isa kasi sa barkada nila ay buntis ang asawa . Batid namin na twing may buntis sa lugar namin ay may mga umaaligid na manananggal sa pagsapit ng gabi .




Itago na lang natin sya sa pangalang Lito.
Pauwi na sya nun, madilim ang paligid dahil inooff na ang mga ilaw sa kabahayan.





Malamig ang simoy ng hangin sa gitna ng dilim. Nakakakilabot ang bawat hampas ng mga dahon dulot ng hangin. Sa tahimik na paligid ay tila nakakabingi.



Sa kalagitnaan na sya sa paglalakad na may iba syang nararamdaman. Tila bumagal ang kanyang oras.



Napalingon sya sa kanyang kaliwa nang bigla napalaki nya ang kanyang mga mata dahil sa gulat. Nakita kasi nya ang isang nilalang na lumilipad, hindi kasi ito ordinaryong nilalang isa kasi itong manananggal. Dahil sa pagkabigla hindi hindi agad sya nakakilos. Kitang kita nya ang anyo nito na maitim ang kulay pati pakpak na kagaya ng paniki at kumikinang dahil sa lana ( oily). Kitang - kita nya ang pagpunta nito sa likod bahay ng kabarkada nya na buntis ang asawa.



Nangamba sya na baka makita sya kaya tumakbo sya ng mabilis .


Dahil dun maaga na sya umuuwi sa gabi.

UNWANTED SENSES true story  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon