Ang kwentong ito ay nagmula sa kaklase kong babae na kinuwento rin ng kapit-bahay niya sa kanila.
Kung kayo ang tatanungin, ano ang nais mong maging kapitbahay.
Ung kapit bahay na magnanakaw na kaya kang gawan ng masama o ung kapitbahay na tahimik dahil aswang ang nakatira???
So story goes here, ang lugar ng kaklase ko ay malapit sa dagat. Ang ibang mga bahay roon ay simple lang bihira lang ang magagandang bahay roon.
Tahimik ang lugar nila paggabi, tawaging na lang natin sa pangalang Mang Ben ang kapit bahay ng kaklase ko.
Dahil uso sa ilan sa kanila ang magising bago mag alas kwarto ay si Mang Ben ay gising na rin nun at nasa likod bahay nya sya habang pinapakain alagang hayop nya.
Nagulat sya na biglang may parang mabigat na nalaglag sa bubungan ng kusina nila na nasa gilid lang nya. Pinuntahan nya ito at nagulat sya na may malaking itim na pusa na tumalon sa harapan nya mula sa taas at tumakbo sa likod ng bahay niya. Sinundan nya ito at nakita nya ang kapit bahay nilang si Mang Ramon (not a real name) na kakatayo lamang.
Napakunot noo sya dahil nawala ang itim na pusa at nakita nya sa likod bahay ang kapitbahay si Mang Ramon at hindi ang inaasahang pusa ang makita.
Nabigla rin si Mang Ramon nang makita sya .
" Anong ginagawa mo rito Ramon?"
Anya na tila nanghihinala sa kaharap.
" M- may hinahanap lang ako kaso hindi ko na makita..Sige uwi na ako.."
Anito habang pilit na ngiti saka kamot sa batok.
" ganun ba..sige.."
Tinignan na lang nya papalabas ng bakuran nya si Mang Ramon na nasa kabila ang bahay (katabi).
Hindi man sya umumik alam nya na si Ramon at ang pusang itim ay iisa at alam nyang hindi totoong may hinahanap ito dahil alam nyang nagmamadaling magpalit anyong tao ito dahil lumuliwanag na ang paligid, at alam din nya na nagkamali lang ng pagbagsak ito na inaakalang bahay nya ang binagsakan. Hindi naman sya tanga na hindi nahalatang aswang ang kausap.
hindi na rin nya sinabi sa mga kabaranggay ang tungkol kay Mang Ramon dahil wala naman itong ginagawang masama sa baranggay nila.
Hanggang sa namatay ito at umalis na sa lugar nila ang pamilya ni Mang Ramon.
Marahil isa sa mga anak nya binigyan ng hiyas para maging aswang kaya sya namatay.
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..