Chapter 10: Spirit game

22 2 0
                                    

Minsan ba naranasan nyo maglaro ng spirit of the glass o coin, di kya naman magkahawak kamay kayong nagkakatropa na tumatawag ng kaluluwa.

Pwes! Mas mabuting wag nyo nang subukin kung hindi pa nyo nagagawa.

Dahil hindi nyo alam ang maaaring kalalabasan nito.

==================

Grade 4 ako nun.
Sa umpisa ay hindi ako sumasali sa laro ng aking nga kaklase o mas magandang sabihin kalukuhan dahil tinatawagan daw nila ang mga spirito.

Napapailing na lang ako sa ginagawa nila.

May ibang kaklase ko lalo na mga lalaki ang hindi naniniwala sa laro ng mga kaklase kong babae.
Hindi ko naman masasabi na hindi rin ako naniniwala.

Nasaksihan ko pa ang ginagawa nila kaya mejo doubt ako kaya nung nagtanong ang kakalase namin na syang gumagawa ng ritual ng laro kung sino ang gusto maging subject ay nagbolintaryo ako.

Ilan sa kaklase ko ang pumigil sa akin pero hinayahaan ko na lang dahil gusto ko rin mapatunayan kung totoo ba iyong laro nila.

Hindi ko alam kung saan nalaman niyong kaklase kong babae ang larong ito.

Kaya sinunod ko na lang habilin nya sa akin na kelangan focus lang ako at wala dapat akong iisipin higit sa lahat dapat serious din.

Sa umpisa ay hindi gumana kaya naisip ko baka hindi totoo ang laro.

Pero mali pala ako kaya hindi gumana dahil tumatawa ung mga ibang kaklase namin.

Pinatahimik nya ang mga ito at wag mainggay kya sumunod naman sila.

Tumahimik na ulit at tumayo na ako ng twid at nagfocus.

Inulit nya ang ritual, hinawakan nya kamay ko, pinapikit nya ako at tinanong nya ulit ang edad ko at habang hawak nya kamay ko ay nag umpisa na xa magbilang sabay galaw ng kanan kamay namin sunod naman ang kaliwang kamay namin (ung parang sinusway nya kamay namin pero inuuna ung kanan paimbabaw sa kaliwa tapos susunod naman esway paimbabaw ung kaliwa hanggang sa paulit-ulit kanan-kaliwa, ung counting exact sa numbers ng age ko) nagpalakpak sya sa kanang tainga ko at sunod ulit sa kaliwa hanggang sa bilang ng edad ko, sunod naman ay pagpatunog sya ng thumbs at daliri sa magkabilang tainga ko hanggang sa bilang ng edad ko, at pagkatapos nung ay ung parang ginagalaw ang kamay na ang palad (ung parang nanghihingi ng pera o something ang position ng 2 kamay) na circling motion ang mga kamay (na parang nagpapahiwatig na halika ka rito) paulit ulit ang paggalaw at hindi kailangan bilangin ayon sa edad. Dapat walang hinto sa paggalaw sa kamay hanggang hindi umaangat ang kamay ko.

Mga ilang sandali ay nakaramdam ako na may malamig na kamay ang humawak sa magkabilang wrist ko.

Akala ko ay ung kaklase ko ang humwak pero hindi pala kasi nararamdaman ko ang paggalaw ng kamay nya sa harapan ko.

Dahan dahan namang umaangat ang kamay ko hanggang sa pahigbit na pahigpit ang paghawak sa wrist ko

Hindi ko na rin maramdaman ang prisensya ng mga kaklase ko pati paggalaw ng kamay nung kaklase ko na gumagawa ng ritual sa harap ko.

Para akong mag-isa na hindi ko magawang dumilat at napapangiwi ako sa higpit ng hawak sa akin.

Nararamdaman ko din na tumataas na ang kamay ko na hindi ko makontrol dahil sa lakas ng pwersa ng kamay na humahawak rito.

Napamulat na lang ako nang maramdaman ko na may humawak sa balikat ko.

"Sorry" sabi ng kaklase ko at sabay yakap sa akin

Napakunot noo naman ako kung bakit sya nagsosorry at tila umiiyak na. Napalingon naman ako sa mga kaklase ko na napalibot sa amin na alalang alala rin ayon sa facial expression nila.

"A-anong nangyare?" inosenteng tanong ko dahil sa itsura nila

" sorry kala namin anong nangyare sayo kasi kanina na kita ginigising tinatapik ko ung mga pisngi mo pero ayaw mo parin dumilat"

" ahh??"

"Saka tinatawag kanamin pero parang hindi mo narinig."dagdag pa ng isa kong kaklase

Napakamot na lang ako sa batok dahil ang totoo ay hindi ko naman narinig na may tumatawag sa akin dahil wala naman akong narinig na mga boses at higit sa lahat wala din akong naramdaman na may dumapong palad sa pisngi ko.

" sensya na pero hindi ko narinig at naramdaman na dumapo sa pisngi ko maliban na lang nung hinawakan ako sa balikat ko kaya ako napadilat."

Nagtaka naman sila sa sinabi ko kaya alinlangan na lang silang sumang ayon at dahil din dun hindi na namin inulit ang larong iyon.

Palaisipan parin sa akin ang kamay na yun at kung hindi nga ako napadilat at tuluyan na ngang umangat pataas kamay ko ano kaya ang mangyayari sa akin? Siguro walang kasiguraduhan kung maayos ba o hindi.

Basta alam ko leksyon ung para hindi namin ulit makipaglaro sa mga spirit .

UNWANTED SENSES true story  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon