Mas maganda magsulat pagmidnight, tulog lahat kasama mo toz nakapatay ilaw..ehehehe ganito ako magsulat.Nice din magbasa na nakapatay ilaw toz kaw lang mag isa sa kwarto pero siguraduhin mo lang na hindi mo mapapanaginipan ito...
----------
Naranasan mo na ba yung makaramdam ka ng kakaiba o kaya makarinig ka ng weird pero di mo nakikita?
Ako oo
FIRST ENCOUNTER
Taong 1999 kung saan nagkaroon ako ng kapatid na babae,ang bunso sa lahat.
Hindi ako siguro sa oras basta tanda ko ay malalim na ang gabi dahil mahimbing kaming natutulog.
Sa oras na yun at may kumatok sa pintuhan namin para sabihing manganganak na ang kapatid ng papa ko.
Ginising ako para bantayan at tabihan ang kapatid dahil pupunta ang mga magulang ko sa bahay ng lola kung saan dun manganganak ang tita ko.
Tumabi nga ako at natulog, mga ilan sandali ay biglang umiyak ang kapatid ko.
Tulog ang mga 3 kong kapatid na lalaki kaya ako nagpapatahan rito.
Dahil sa ilang months pa ang kapatid ko hindi ko talaga alam patahanin ito.
Hindi ko na rin binuksan ang ilaw kaya napakadilim.
Tahimik ang paligid at sobrang lamig, tanging iyak lang ng aking kapatid ang naririnig ko.
Ngunit nagimbal ako ng may malakas na boses lalaki akong narinig na nag Hoy!
Pagkarinig ko nun ay biglang tumayo ang mga balahibo ko sa batok at kamay.
Kala ko nung una ung panganay namin ang naghoy pero iba ung boses dahil pang matanda na parang kakaiba na pailalalim ang tuno.
Nanginig ako sa takot nun dahil ako lang ang gising tapos nakapatay pa ang ilaw dagdag mo pa na sobrang iyak ng kapatid ko.
Natakot ako para sa kapatid ko kya niyakap ko siya.
Nakiramdam ako hanggang sa naging normal na ang naramdaman ko sa paligid.
SECOND ENCOUNTER
Ang bahay namin ay nasa tabi ng bukid na napagintnaan ng irregation. Wala kaming katabing kapitbahay na malapit. May dalawang bahay din kaso malayo kunti.
Dati may nakatira sa gilid namin mga lima pero di nagtagal ay umalis din.
Una kong naranasan ang napakangingilabot na experience ko nung high school na ako.
Hindi pa uso ang landtravel papunta sa place ng aking ina dahil barko ang tranportasyon ang gagamitin papunta dun.
Mga madaling araw na un at ramdam talaga ang lamig ng simoy na hangin. Nalimpungatan at bumangon dahil na wala antok ko.
"Papa asan si inay?" usisa ko nang napansin ko na nakaupo lng sya. Napansin ko din na papalapit ang kapatid ko na sunod sa akin.
"Andun na sila city para sunduhin ang kuya nyo" sabi ni papa habang nagkakape.
"Kasama ba si kuya?" usisa ko ng pansin ko wala ung isa kong kapatid.
"Oo sumama kaya 3 na sila kasama ung driver na nirentahang tricycle kasi may dalang dalawang malalaking basket na puno ng manga ang kuya mo. Dahil nagharvest ang mga kapatid ng nanay mo dun sa lupa nla." paliwanag naman ni papa
"Yes manga!" anito ng kapatid ko
Bigla naman naagaw pansin ko ang tunog na parang may nagbibiyak ng kawayan at ramdam talaga ang talas ng bolo after nun magpukpuk na parang gumgawa ng bakod. Paulit ang routine nun kaya nagtaka na ako lalo nat wala ng nakatira sa gilid namin.
"Papa ano un? Parang gumagawa ng bakod" usisa ko
"Wala yan,hayaan mo na"
Hinayaan ko na lang dahil baka guniguni ko lang un.
Pag ka umaga ay maaga akong lumabas para tignan kung may tinayo bang bakod ngunit bigo ako dahil wala.
Naulit pa ang naririnig ko sa twing magigising ako ng hating gabi.
Nakwento rin sa amin ni papa na minsan sa gitna ng panood ng tv na sya lang mag isa may naririnig syang naghuhugas na plato . At doon ko narealize na hindi talaga ordinaryong tao ung naririnig namin.
THIRD ENCOUNTER
Sa twing matutulog ako at magigising sa malalim na gabi ay narinig ang bagay na ito.
Nalimpungatan ako ng may narinig akong parang may sumisira ng dingding namin sa tapat ng uluhan ko. Pinakinggan kong mabuti ito, parang matalas at mahaba na kuko na dahan binubutas ang kahoy na dingding. Tila tumatagos sa kalamnan ko sa twing naririnig ko ito. Alam ko na hindi ito at isa itong tao na putol ang katawan na lumilipad.
Nabibingi ako sa kaluskos na un at di ako makatulog.
Nauulit pa gabi gabi iyon sa twing ako nagigising.
Napatotoo ko ang hinala ko ng minsan na kwento ng kaibigan ko na minsan ung halfperson ( nd ko mamention name kz gabi may sabi sabi kz na pag binanggit name naririnig nila ) ay nag-eisturbo sa pagtulog nla.
At dun ko naisip na pag mayang gabi pupunta sya sa bahay ng kaibigan ko the next night naman ay sa amin na naman. (Namention ko na may 2 bahay na kapitbahay namin na tabi din sa bukid kaso malayo sa amin.) May posibilidad na bumubwisit din ito sa kabilang bahay na kapitbahay namn.
In short ung tatlong bahay sa tabi ng bukid ang nilalapitan nya.At dahil ako lage ang gising sa twing nagpaparamdam un, nasanay na rin ako.
Kaya minsan ung weird na nararamdaman natin at naririnig hindi pa natin pinapansin. At kahit anong pag iwas natin hindi man nakikita pero maaari naman natin maramdaman o marinig kahit anong pikit hindi natin maiiwasan sila.
Ikaw .. malay mo nasa likod mo na sya
NAKANGISI...
-------------------
Thanks sa pagread at xenxa nakalimutan ko edidecate ung nag vote sa next ud na lng..
Sana basahin nyo din new story ko entitled MY BROKEN DESTINY...
Nakakahiya man pero sana tulungan nyo ako maspread stories ko.
Arigatou..^_^
Ciao!
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..