Experienced #1
Naniniwala ba kayo sa bangungot?
Sabi ng iba ay cause ng sobrang kain sa gabi, sa iba naman may scientific explaination o ayin sa iba naman dahil sa pagsakal ng hindi ordinaryong nilalang.
Pero para sa akin ito ang kararanasan ko.
Mga ala una iyon at dahil tamad akong manood ng palabas ay nagdecide na akong umidlip muna.
Nasa sala ako natulog samantala ang tita kong si Sal ay nasa kwarto nya kami lang kasi dalawa ang nasa bahay dahil may pasok mga anak nya.
Ako ang tipo na taong madaling gisingin o kaya madaling magising pag may kakaiba akong naririnig.
Sakto alas tres nang nagising ako dahil sa likod ng bahay ay masjid (dasalan ng mga muslim o simbahan ).
Babangon na sana ako ng hindi ko makilos ang katawan ko
Sinubukan ko din iangat kamay ko ngunit bigo ako pati ulo ko ay di ko magalaw tanging paa ko, mata at daliri ko ang nagagalaw ko.
Sisigaw sana ako para humingi ng tulong kay tita ngunit walang silbi dahil walang boses na lumalabas.
Paulit ulit kong ginawang sumigaw pero wala parin tanging mahinang ungol ko lang naririnig ko.
Ginalaw ko rin mga mata ko para tumingin sa kwarto ng tita ko na nasa ulunan ko lng banda.
Hanggang sa naisip ko na baka bangungot ito kaya ginalaw ko daliri ng paa ko ngunit walang silbi.
Litong lito ako kung bakit di ko magalaw sarili ko gayon wala naman akong nakitang kakaibang nilalang pero ramdam ko parin na parang may niyakap ako.
Nagdasal na rin ako sa isip ko pero sadyang malakas.
Kahit ganun hindi ako natinag at natakot basta lumaban parin ako.
Ilang minuto ang nakalipas hindi parin ako makagalaw kaya sumuko na lang ako at napaisip na baka ito na ang last day ko kaya taos puso kong tinanggap na lang at pinikit ang aking mga mata.
Sa pagpikit ng aking mga mata ay hindi inaasahan ang aking nakita.
Nakatayo ako sa harap ng pinto habang tinitignan ko ang aking sarili na nakahiga sa sofa na hindi gumagalaw.
Bigla akong napadilat at nagtaka sa akin nakita.
Kaya nasabi ko sa sarili ko na may misyon pako at hindi pa ngayon ang oras kaya pinilit kong iangat katawan ko.
Nahihirapan akong iangat katawan ko pero diterminado akong makagalaw.
Nasabi ko rin sa isip ko na hindi ako patatalo kung sino ka man.
At dahil sa dasal at tiwala kaya unti unti kong nagalaw at naangat katawan ko.
Nagawa ko ngang makabangon at sapol ang hininga ko.
Para akong tumakbo ng ilan kilometro dahil a sobrang hingal ko at napakalamig ng pawis ko.
Nagtaka ako kung bakit ko nakita sarili ngunit nagpasalamat dun dahil kung di dahil dun baka nagpatalo ako.
Wala akong pinagsabihin tungkol sa nangyari sa akin nun kaya simula nun hindi na ako natulog twing hapon sa sala lalot nat ako lang mag isa.
===========
Hope you like it..

BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..