Ang kwentong ito ay nagmula sa aking kapatid na lalaki.
Bago lang ito naganap, last week mga 16 of March.
Heto na yun, minsan kasi gabi na umuwi kapatid ko dahil nagstastand by pa sya sa labas kasama mga binata sa amin pero mga pinsan din.
Minsan umuuwi sya ng maaga para manuod ng probinsyano ni Coco Martin at pag sabado o linggo ay matagal syang umuuwi.
Ibinenta na yung dati naming bahay kaya iba na ang bahay namin. Hindi pa ito gaanong tapos. May pagkakuripot sa ilaw ung kapit bahay namin kaya kami na lang ang nagpapa ilaw sa harapan namin at pati dun sa dinaraanan namin na may punong mangga. Actually ung harapan namin ay napapalibutan ng puno ng nyog sunod dun mga kabahayan na..
Tulad ng dati mejo malayo bahay namin sa kabahayan at malapit rin kami sa palayan gaya din ng dati naming bahay.
So heto, dahil matagal syang umuwi sinasara na lang namin ang pinto tapos iniiwan may ilaw ung dinadaanan na mga puno at sa kanilang gild ng bahay namin. Pinatay kasi ung ilaw sa may kanang gild ng bahay katabi ng cottage.
Ayon sa kanya ay nagtitext sya habang naglalakad ng malapit na sya bahay kasi bago un pagitan ng bahay namin ay irrigation prin kaya kaya pag apak nya sa tulay ay nilamig sya bigla, pinasawalang bahala na lang nya iyon. Katabi kasi ng cottage ay tulay namin kaya sakto paglingon nya sa kaliwa ay nakakita sya ng hugis tao na maitim na babae umupo dun nakatalikod mula sa kanya at sinusway daw nya ung paa nya.
Kahit wala kasi ilaw dun ay naaninag parin nya dahil sa ilaw sa gilid at nang nakaconfirm nya ang nakita ay napatakbo sya ng mabilis papasok sa bahay.
Habang ako naman nun time na un ay naghuhugas ng mga pinagkainan.
Dahil likas na malakas pandinig ko sa mga ganyang bahay ay inusisa ko sya kung ano ung sinadabi nya kay papa at sinisilip nila sa labas.
At un nga sinabi nya na may nakita daw syang black lady dun nakaupo sa cottage kaya ako naman ay sumilip pero wala na dun ung sinasabi nya.
Dahil sa may takot din ang mga kasama ko sa ganyang bagay ay pinailaw na lang ng aking ama ang ilaw nanda s may cottage magdamag.
Naisip ko nun na baka un ung usap usapan dati na ung asawa ng kapit bahay namin nagpakamatay na lage daw nagpapakita nun na naging black lady daw ..
Pero hindi naman ako sigurado at sana hindi sya un...
Takot ko lang sa black ehh..
==================
Expect slow updates ... at maikli lang ang sp..
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..