NOTES

23 3 2
                                    

Konnichiwa!!!!

Kaway kaway  👋👋👋🙋🙋🙋

Thanks @madey22 sa floody votes mo..😀😀

btw...

Salamat ng marami sa nagbasa at magbabasa pa lamang, akoy nalulugod na kayo tumangkilik sa aking sinulat.
Hindi ko talaga inasahan na may magbabasa nito, pero kahit papaano makita ko lang nun na may nagbasa masaya na ako (mababaw lang kasi kasiyahan ko).

Dati-dati ung hindi pa uso ang wattpad ay nagsusulat na ako ng fantasy genre at mga kaibigan ko lang nagbabasa ngayon kayo nah.. graveh !! ganito pala pag online writer/author nakakatense, kailangan maging perfectionist kahit di maiwasang nagkakamali sa spelling at grammar. pero ayos rin dahil kahit papaano natutunan ko maenhance kakayahan ko sa pagbabasa ng other stories. Sana sa susunod na epapublish kong horror story ay tangkilikin nyo rin.

 Sana sa susunod na epapublish kong horror story ay tangkilikin nyo rin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Heto na poh ang another story ko entitled NIGHTMARE .... prologue pa lang nagawa ko kaya expected na slow update..

PROLOGUE

Riiiinnnggggggggg... calling ringing

Uhhh.. nakaidlip pala ako. Kukunin ko na sana ang cp ko sa may left side ng kama ko dahil sa may tumatawag, kaso di ko maangat kamay ko . Napakunot noo naman ako dahil nakadalawang subok na ako di parin umaangat o magalaw kamay ko pero nagagalaw ko daliri ko sa kamay. Sinubukan ko naman bumangon pero bigo ako, di ko rin mabangon sarili ko pati mga binti ko. Tanging daliri ng mga kamay at paa ko lang.

" ahhh...."

Tanging lumalabas sa bibig kô. Natatakot na ako, kaya inulit ko ulit ang pagsigaw ko kaso tanging "ahh.." lang nabibigkas ko hindi  ako makapagsalita at makabigkas ng tamang salita. Gusto ko ng bumangon pero sadyang ang bigat ng katawan ko feeling ko may nakayakap sa akin kahit wala akong makita na yumayakap . Pati ulo ko ay nagstiff din kaya ang mga mata ko lang ang nilibut ko sa pagtingin-tingin sa paligid ko. Napansin ko sa gilid ng table ko sa left side na alas tres na pala ng hapon  . Hindi ko rin maramdam tibok ng puso ko. Sinubukan ko ulit sumigaw baka magkaroon na ako ng boses pero lalo lang lumala dahil wala ng lumalabas maski ahh ay wala na rin , tila nawalan na tuluyan aking boses.

Tulong! Pakiusap tulong..!

Pauli-ulit na binibigkas ko sa aking isip kahit wala naman nakakarinig sa akin dito sa kwarto ko.

Naalala ko bigla ang sabi sa akin ni bessy na pagkabinabangungot ay igalaw ang mga daliri sa paa. Alinlangan pa ako dahil inisip ko na baka hindi ako binabangungot dahil gising ako, gising ang diwa ko at hindi ako nananaginip. Pero sa huli ay sinubukan kong igalaw mga daliri ko sa paa kaso hindi tumalab. Nagdasal na lang ako at sa isip ko binibigkas, after ilang minuto ay  nawawalan na rin ako ng pag-asa. Tumigil muma ako sa pagdarasal at inisip na baka ito na ang katapusan  ko kaya sumuko na ako at tuluyan ko nang pinikit akimg mga mata. Sa aking pagpikit namulat ako na nakatayo ako sa may tapat ng pintuan ng kwarto ko habang  ang isa ko pang kamukha ay nakahiga sa kama, ilang segundo lang yun pagtayo ko dahil nang nakita ko sarili ko na nakahiga ay bigla akong natakot at inisip na gumising ako kaya pagkapikit ko ay bigla akong namulat na nasa kama na ako at di parin makagalaw. and then reality hits me, hindi ko pa oras, may misyon pa ako sa buhay na dapat tapusin at dahil sa positive thoughts ko sinubukan kong iangat kanang kamay ko . kahit nahihirapan ako iangat dahil feeling ko may pumipigil ay ininda ko at pinilit iangat braso ko. Nagawa kong iangat ito at naisandal ko sa hot dog pillow na nasa gilid ko lang.

Sinubukan ko rin iangat katawan ko para bumangon.

Kaya ko-to.......m- may.....m-...mis- yon-p-pa-a-ako.

Sambit sa isip ko habang dahan-dahang bumabangon.

Naangat ko kunti ulo at balikat ko pero napahiga ulit ako dahil biglang bumigat. Kaya sinubukan ko ulit at determinado akong makabangon.

K-kung s- sino ka-man hindi a- ako p-papatalo s- sayo..

Sambit ko ulit kahit wala naman akong nakikita na ibang nilalang, aware na kasi ako sa mga paranormal kaya inassume ko na baka may nanakot sa akin. Sabay sa dahan-dahang subok sa pagbangon ay pagdadasal ko rin.

Thanks God! Dahil unti-unti  na rin ako bumabangon kahit hirap sa pakiramdam na may pumipigil sa pagbangon ko. Nang tuluyan na akong makaangat ay bigla na lang gumaan pakiramdam ko sabay sapu- sapu ang malakas na tibok ng puso ko na kanina lang ay hindi ko maramdaman ang tibok, hingal na hingal rin ako at pinagpawisan ng matindi na kala mo kagagaling lang sa marathon. Kinompose ko muna sarili ko ng ilang minuto dahil pagod na pagod ako kanina.

Napabuga ako ng malalim ng hininga nang nakalma ko sarili ko.

Akala ko ito na ang unat huli makakaranas ako ng ganito, yun pala ito ang simula at mas malala pa sa inaakala ko.





Hope magustuhan nyo...

Again...

Thank you and have a bless day... mwaah  😘😘😘😘😘😀😀😀

UNWANTED SENSES true story  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon