Chapter 4 : White lady

73 4 0
                                    

Simulá nang namulat ako hindi iba sa akin ang mga kababalaghan lalo na't tungkol sa white lady.

Pero isang whitelady lang ang hindi ko malimot limot noong bata pa ako. Lage ko itong nakikita at alam kong iisang multo lng ito o isang anyo o babae lng ito dahil pugot ang ulo nya.

White lady na pugot ang ulo ang lageng nagpapakita sa akin nung bata pako.

Una ko syang nakita nung mga edad 5 years old ako. Tanda ko ay bumili ako ng pagkain ko sa tindahan. Madilim ang paligid, malamig ang simoy na hangin dumadampi sa aking balat at nakakabinging paligid. Papalapit na ako sa bahay ni lola ng mapandin ko ang balon nila na may puting tela na kakaiba ang kaputihan na hindi ko mawari kong bagong damit na nd pa nagagamit o puti sya na nakakasilaw ang kaputi. Tumigil ako minasdan ito, napakadilim sa paligid ng bahay ni lola nasa gilid ang balon at napaisip ako na pano nagkaroon ng sinampay na damit sa tapat ng balon at dahil bata pako at nakakatakot pumunta sa dalim kya nagmadali akong pumasok sa loob.

Nakita ko ulit un whitelady sa nga sumunod na gabi pero hindi na sa balon kundi dun mismo sa tapat ng dingding ng bahay na kapatid ng lola ko sa kapitbahay lang ng lola ko at napagitnaan ang balon. Tulad ng dati na nagtaka ako kungbakit may puting tela na nakasampay mismo sa tapat ng bahay ni lola (kapatid ni lola) na parang nakatayo na tao. Hindi ko gaano maaninag dahil wlang ilaw at hindi uso ang di kuryente dahil uso sa kanila ang lampara. Dahil sa kaba ko ay hindi na ako tumuloy sa bahay ni lola at umuei na ng bahay namin.

Matagal rin na hindi ko nakita ang pugot na whitelady pero di koinaasahan ang dumunod na nangyari.

Grade one ako nun at nasa jamboree ang dalawa kong kuya kya wlang natulog sa kwarto nila. Simple ang buhay namin sa probinsya. Sa natatanda ko nung bata ako ang dati namin bahay ay parang kubo pero malawak sya. Banig ang tinutulugan namin , isang silid lang ang kwarto sapat pra sa maliit na pamilya. Hating gabi na natutulog ang aking papa dahil nanunuod pa sya ng midnight news. After nun pinapatay na ang mga ilaw kya madilim na ang buing paligid. Nasa gilid ako natulog katabi ang pintuhan sa silid ng mga kuya ko. Nalimpungatan ako sa pagtagilid ko at para bang may bumubulong sa akin na sumilip sa loob ng kwarto at hindi ko nabatid napasilip ako nabiglang napalaki ang mata ko sa aking nakita. Madilim na paligid at napakalamig na bumabalot sa katawan ko nang makita ko ang kakaibang puti sa gilid ng kwarto at dun ko napagtanto na pugot na whitelady na naman kya mabilis kong tinakpan ang sarili ko ng kumot dahil sa takot hanggan sa nakatulog ako.

Matagal na rin na hindi nagpakita sa akin ang whitelady, kala ko huli na yun hindi pa pla dahil nagpakita pa sya sa huling pagkakatahun. Hating gabi yun at likas na sa probinsya ang nasa labas ang c.r. Pagkatapos kong mag cr napalingon ako sa kaliwa ko at huli na na ang pagsisi ko dahi£ nakita ko nanaman sya na nakatayo sa harapan ng punong bayabas na kahit d ko mkita ang ulo alam kong nakatitig sya sa akin na binabntayan bawat kilos ko. Dahil sa takot kona nag isa lang ako sa labas st nanay ko sy nasa pinto lng hinintay pagpasok ko a6 tumakbo na ako papasok at nd na lumingon sa kaliwa ko.

Malaki parin katanungan kung bakit ang whitelady na un lageng nagpapakita sa skin nung at pasalamat na lng ako ngaun dhil nd na sya nagpakita simula nung huling kita ko. At sna matahimik na rin kaluluwa nya at maaccomplish na nya ang unfinish business nya sa mundo ntin.

UNWANTED SENSES true story  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon