Ang karanasan ito ay ikinuwento lang sa akin.
Naniniwala ka ba sa engkanto o lamang lupa gaya ng dwende o kaya diwata..? Maaaring sa panahon natin ay hindi na sila nag-eexist lalo na sa urban places, pero sa probinsya ay hindi parin nawawala ang mga paniniwala.
Sa isang di gaanong kilalang probinsya, tahimik ang baranggay na ito, malawak ang bukirin.
Isang pamilya ang nakatira sa gilid ng bukid, malayo sa kabahayan. Sagana sa taniman ng gulay at prutas ang mag-anak, sa gilid ng kanilang bahay ay may balon sila.
Isang araw bigla na lang nilagnat ng matindi ang bunsong anak nila na babae.
May araw na gagaling ito at may araw na babalik na naman ang lagnat nya.
Isang gabi, sobrang init ni Aileen (not real name) at nagsusuka pa ito. Lageng bukang bibig nya na ANJAN NA SILA.. SINUSUNDO NA NILA AKO.. AYOKONG SUMAMA.. NAKAKATAKOT SILA.. sabay tinuturo ang nag-iisang manika sa gilid ng kama. Hiindi naman sila naniniwala dahil akala nila ay nagdedeliryo lang ito dahil sa init.
Kinabukasan na ulit na naman, ang mas malala ay umiiyak na ito at nagsusumamo na wag syang iwan dahil kukunin daw sya pag wala na syang kasama.
Nariyan lamg daw ang mga ito sa paligid at marami silang naghihintay.
Dahil na rin sa awa sa kalagayan ni Aillen ay nagpatawag sila ng manggagamot para tigman ito.
" marami sila.. mga dwende.."
bungad ng manggagamot na matandang babae pagpasok nya sa loob.
" nasiyahan sila sa inyong anak kaya kukunin nila sya . Nasa may balon ang tahanan nila. Kelangan natin makiusap na tigilan na nila ang bata at pag pumayag sila wag nyo ng gamitin ang balon upang di na makalapit rito ang bata.."
Dagdâg pa nito at inumpisahang gamutin ang bata, pagkatapos ay sinunod ginawa ang gagamiting ritual para sa pakikipag usap sa mga ito.
Gamit ang kanin kulay dilaw at itim, dalawang hard boiled egg, nilutong native na manok na ginataan na hindi nilagyan ng asin, ang mga ito ay nilagay sa ginawang pinggan na dahon ng saging na may mga stick sa ilalim pang support sa dahon at nilagyan ng apat na maliliit na kandila sa apat na dulo ng dahon (kung baga parang rectangle plate) ay sinumulan ang ritual, pagkatapos ay iniwan niya sa may balon ang pagkain. Pagnaubos ang pagkain ibig sabihin nito ay tinanggap nila ang kahilingan nila at pag hindi ginalaw ay tumatanggi sila.
Laking pasalamat nila na naubos ang pagkain at unti- unti na rin gumagaling si Aileen sa mga oras na yun.
==================================
Sa aking nasaksihan sa probinsya namin ay ganyan din alay ng manggagamot . Nung una ako nakasaksi ng alay ay iniwan ang pagkain sa gilid ng irregation. Umalis na ang manggagamot at ung ibamg kasama nya habang ako ay nagpaiwan dahil gusto ko malaman noon kung totoo ang mga engkanto kaso dahil batang makulit ako noon ay pinagalitan ako. Hindi daw kasi lalabas ang mga,ito pag may taong naroon kaya dapat iwan daw ang alay na pagkain. Babalikan lang daw pagkatapos ng tatlong minuto. At dahil excited ako makita ung alay ay nauna pa akong tumakbo papalapit roon at tamang nga naubos nga ang mga. Kaya simula noon naniniwala na rin ang inyong cute na author..😀😀 ^__^
Kita kitzz... tnx sa pagbasa...mwaahh.. 😘😘😘😘
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..