Special chap.: Apartment

15 2 2
                                    

Ang karanasang ito nagmula sa ibat ibang tao ngunit sa iisang apartment lamang.

Experienced #1

Sa apartment na yun nakatira ang may-ari ng apartment. kung baga inuoocupy nila ang pinakadulo pero malawak (equivalent ng apartment nila ay 2 rooms or apartment rooms).

So heto daw ang kwento, ung kaibigan ng anak ng may-ari lageng pumupunta sa bahay niila o apartment. Tawagin natin sa name na hanie at ung anak ng may-ari ay si Rana.

That day naghuhugas ng plato si Hanie nang bigla daw itong nakarinig ng parang malalim na paghinga. Nagulat pa sya nun at ipasawalang bahala na sana nya ito ng marealized nya sya lang pala ang nag-iisang tao sa loob ng bahay. Dahil sa takot ay lumabas sya agad ng apartment at hindi na sya muling bumalik dun na mag-isa.

Experienced #2

Ang karanasang ito ay nagmula sa katiwala nila na lalaki.

Gabi daw yun at wala nang tao sa baba ng aparttment dahil nasa taas na ang ibang may-ari ung iba ay tulog na rin dahil tahimil na ang nasa baba na kwarto.

pumunta daw sya sa kusina para magtimpla ng kape. Nang natapos na sya ay saktong may dumaan daw na nakaputing babae na suot ay puting belo . Hinayaan na lang nya ang malamig at pagtaas ng balahibo sa batok.

Sinundan nya ito papunta sa hagdan dahil inakala nya ay ito ang kanyang amo. Tatanungin sana nya ito ng bigla na lang naglaho. Muntik na nyang mabasag ang dala nya baso na kape. Nagmadali syang tumakbo palabas dahil sa takot.


Experienced #3,

Nang kami na ang tumira sa apartment ay may kababalghan na kaming nararamdaman. Twing pagsapit ng gabi, at papasok na kami sa kanyang kwarto ay mag-uumpisa na ang kababalaghan gaya ng pagtunog ng mga bangko sa may dining table ung tunog na hihilahin ang bangko na parang pausog att gagawa sya ng inggay pag semento ang floor. Basta isa- isahing hihilahin ang mga bangko na tila uupo sila para kumain dahil maririnig ang kalus kos ng mga kubyertos pati na rin ang tila naghahanap ng pagkain sa kaldero, pag walang lamang kanin ang kaldero ay bigla na lang parang binagsak ang takip na tila nagdadabog at samaang palad sasadyahing ikiskis ang ang mga upuhan sa floor na para bang galit sila at nananakot. Habang kami ay hinayahaan na lang.

Minsan pag may laman ng kanin ang kaldero ay bigla na lang ito mapapanis kinabukasan.

Twing gabi nangyayari ang mga kababaaghan ito.


Experienced #4

sa twing may bisita sa amin at dun mamamalagi ay hindi din na kaligtas sa kababalaghan dahil nagpaparamdam din sila rito.

Isa saga nakaexperienced ay isang nasa 48+ na ginang. Kabaranggay namin sya dati kaya sa amin sya tumuloy dahil may meetiing daw sya rito sa lugar namin (now) kaya para makatipid ay dito muna makikituloy ng dalawang araw.

Nasa loob sya ng kwarto nun habang nasa labas ng bahay ang pamilya ko nang napansin nya tila daw may naliligo sa cr. Ung kwarto kasi ay may c.r na sa loob or what i say lahat ng kwarto dun ay may sariling c.r.

So heto nga, nagtaka naman sya dahil sya lang naman ang tao sa loob ng kwarto. Kinabahan sya habang dahan -dahang papalapit sa c.r . Nang nakalapit na ito ay bigla na lang huminto ang lagasgas ng tubig at bigla bumukas ang pinto at malakas na sinara ito ulit, nagpatay sindi din ang ilaw kaya napatakbo sya palabas ng kwarto.

Mula nun hindi na sya muli bumalik .


Experienced #5


nagkaroon ulit ng bisita pero hindi na isa kundi tatlo sila dalawang matandang babae at isang dalaga. Pinatulog sila sa kwarto ng mga kapatid kong lalaki (kuya at ung sunod sa akin ) samantala sa labas sa may sala natulog ang dalawang kapatid ko.


Malalim na ang gabi at himbing daw ang tulog nila na alinpungatan sila na tila may naglalakad sa may paanan nila o tama bang sabihing na may naglalakad na nakalutang na white lady pabalik-balik , hindi daw nila makita ang mukha lalo nat lights off sa may sala pero kita parin nila ang tingkad ng puting suot nito.

dahil sa takot ay dahan dahan silang umalis sa kulambo at tinanggal ang isang tali at mabilis na tumakbo sa kwarto ng parents namin at kumatok na ng pagkalakas lakas.

Pagbukas ng pinto ay mabilis silang pumasok at walang lingon lingon sa likod. Nagtaka naman si papa kaya kinwento nila ang nakita at nakitulog na lang sa kwarto kahit sa lapag na lang sila wag lang sa labas na may white lady na nakalutang.





Experienced #6

Ang karanasan ito ay galing sa kapatid kong sunod sa akin at itago na lang sa pangalang Kier.

So heto ang ilang experienced nya. Una daw ay habang nanonood sila ng palabas sa may sala ay bigla na langay tumatawag sa pangalan nya, minsan ung tumatawag ay kasing boses ng kuya namin . Dahil gabi kasi umuuwi kuya namin dahil college student sya at sa likod dumadaan at si Kier ang taga bukas ng pinto sa may kusina dahil sya lang gising at ang papa ko kaso iba daw ang way ng pagtawag sa kanya dahil pangalan lang nya at wala ng ibang salita gaya buksan ang pinto Kier.

Ilang beses na ulit nangyari un na tumatawag sa kanya buti na lang hindi nya sinasagot dahil bawal daw sagutin o buksan ang pinto ang ganitong situasyon.

At hinahayaan na lang nya.

Minsan na man ng mag-isa sya at nakikinig ng radyo habang hinihintay parents namin dumating sa pamamalengke . Sa kasagsagan ng sabay ng pagkanta nang Hawak kamay ni Yeng ay tila narinig nya na may kasabay din syang kumakanta pero alam nyang sya lang mag-isa sa loob kaya agad nyang pinatay ang radyo at lumabas para dun na lang maghintay .




Experienced #7

Gabi daw un mga madaling araw at kakauwi lang ng kabitbahay namin, katabi ng apartment sa kaliwa nang mapansin nya sa terrace namin na may babaeng nakaputing nakaupo daw.

Nagtaka naman sya dahil madaling araw pa ay nasa labas ang isang babae na hindi nya kilala, tatawagin sana nya ito para tanungin ng bigla itong naglaho. Nagulat sya nun at mabilis na binuksan ang pinto ng apartment nya.

Kinabukasan ay kinuwento nya sa papa ang nakita nya.





Ilan lang ang mga ito sa nakakilabot na karanasan sa apartment.

UNWANTED SENSES true story  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon