Minsan pag may gusto kang ekwnto tungkol sa horror experience ay hindi ka naman pinaniniwalaan ng iba. Pero para sa akin bukas ang tenga ko para marinig kung ano man ito.
EXPERIENCED #1
First year college ako nun at kung hindi Ako nagkakamali ay nasa june un.
Wala ako gaanong kaibigan lalo nat first day of skul isa pa ako ung tipo na hindi friendly pero pag kinausap dun nko magiging friendly.
11 am nun at time for the next subject ko, we dont have a class that time kasi may meeting instructors namin kaya binigyan kami ng group study .
Naasar pako sa sarili ko nun dahil nagmadali pa akong umakyat mula second floor papunta sa 3rd floor kasi late nako dahil mejo nagconflict ang time ng filipino sa Humanities kaya twing klase late ako ng 3mins.
Ito na busy sa pagbabasa ang mga kaklase ko at ako naman mejo bored kaya ang ginawa ko nagsusuklay na lang ako sa buhok ko.
Ung room kasi namin dalawa ang door.. Isa sa harap katabibang glass window at ung glass windo nakatayo black board then sa left side wall at ung isang door then wall ulit tapos sa likod glass window na naman.
Dun sa left door may fire exit dun kaya makikita un kahit dun ka sa glass window tumingin.
Nasa harapan ko mga kaklase ko nagdidiscuss tapos ako nga nagsusuklay habang nanalamin sa glass window. Hindi rin kasi natatakpan ng blackboard ung window kasi mahaba ung window.
Heto nga nasa left side ako umupo sa second row tapos katabi ko ung open door.
Habang nagsusuklay ako at nakatingin sa windpw bigla na lang may kamay na itim ang nagwave sa akin ng dalawang beses . Nasa may tapat ng fire exit un kamay. Natigil ako sa pagsuklay pero hindi muna ako lumingon sa left at sa window ako nakatutok.
After ilang seconds hinsi lang kamay ang nakita ko dun sa glass window pati itim na ulo ung parang dumudungaw kaya nabitawan ko suklay ko at lumingon ako sa left side ko kasi kahit di ako tumayo kita ko paring ang fire exit dahil sa left door.
Kaya un nga paglingon ko wala na ung anino.
Pinatigil ko sa pagbabasa ang mga kaklase ko.
" guys....wala ba kayong nararadam? May iba yata tayong kasama rito.."
Nagtinginan na lang cla na parang hindi naniniwala kaya hinayaan ko na lang cla.
Hindi parin sko sumali sa diskasyon nla dahil busy ako sa kakatingin sa fire exit at baka bumalik ung anino kaso wala na talaga.
EXPERIENCE #2
Mula nang makita ko ung anino hindi na muling nagpakita pa.
Second year ako nun at my program kami nang gabing un.
Dahil late night na kaya pinayagan kaming matulog sa House Keeping room sa may secondfloor. Apat kaming babae nun na nahiga sa kama at mga freshmen ksama ko. Ung Kasi mga kaibigan ko nasa groundfloor nagsiaiyahan parin.
Ung mga ulog namin nasa harap ng glasswindow. Double bed kasi ung higaan kaya opposite side kami pumwesto pra kasya kaming apat. Nasa bandang glass window ako kung baga right side window tapos hallway den tapat ng window wall.
Then ung kabilang kwarto wala pang atudyanteng pumasok, kung baga kami lang apat ang nasa secondfloor para matulog. Walng ilaw sa hallway pati dun sa gilid ko ang ilaw lang dun ulihan namin kasi pinatay namin ilaw sa loob ng room kung saan kami nakahiga.
Hindi ko namalayan tulog na pala mga kasama ko samantalang ako hinahanap kung pano matulog.
Hindi ko alam anong naghudyok sa akin lumingon sa sa right side ko basta paglingon ko saktong may dumaan na anino ng mejo bat edad sampu yta na mabilis tumakbo papunta sa kanilang room.
Madilim sa hall way pero alam ko anino dahil kita ko kung paano tumakbo papunta sa kabilang room kaya akala ko may batang nakapasok gayong nilock ang gate para di na kami makalabas sa dis oras ng gabi.
Walang alinlangan bangon ako at pumunta sa kabilang room baka sakLing may mga student na dun para matulog.
Nasa tapat na ako ng pinto kaya binuksan ko ito, bumungad sa akin ang madilim na kwarto kaya tumakbo ako pababa para magsumbong.
Pababa na ako sa hagdan ngakita kong nakaupo rito ang magjowang ms.pres. at mr.freshmen I.T kaya tinanong ko sila f may dumaan ba dito paakyat kaso sabi nila wala daw kaya kinwento ko sa kanila ang nakita ko.
Bumaba kami papunta groundfloor para magsumbong at dahil kami lang apat na babae sa taas nagpasya sla na sa kabilang kwarto ang mga I.T boys matulog.
Pero kahit ganun hindi mawala sa akin kung bakit sa akin lang nagpakita ang anino at sa kakaisip ko hindi ko namalayan anong oras ako nakatulog.

BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..