Ang karanasang ito ay galing sa aking lola at tita.Taong 2009, ang taong pagbabalik namin sa kinalikhan kong lugar. Almost 3 years din kami lumipat ng lugar at dahil sa paglipat namin ay ibinenta na rin ang bahay lupa namin, kaya sa pag-uwi namin sa lugar ni papa kung saan kami lumaki ay nakatira muna kami pansamantala sa bahay ni lola.
Malawak naman bahay ni lola, tatlo ang kwarto ka. Kasama kasi sa bahay ni lola ang pinsan namin na ang mga magulang ay nasa abroad kaya dalawa lang sila dun sa bahay bago kami dumating.
Nasa tabi ng kusina banda ang kwarto namin bali ako, ung bunsong kapatid na babae at kuya ko ang natutulog sa kwarto samantala si papa at nanay ay sa labas sa may sala natutulog kung baga nagbabanig lang sila.
Ung pangalawa kong kuya ay dun na nakatira sa pamilya ng asawa nya sa lugar kung saan kami lumipat 3 years ago at ung kapatid ko na lalaki na sunod sa akin ay nagpa-iwan din dun dahil nag-aaral sya sa kolehiyo bilang Electrical engineer.
So heto na nga, twing kalaliman ng gabi ay binabangungot si lola na ang sabi ay hinahabol daw sya ng matandang babae at sabi nya pa daw taga rito din sa amin kaso matagal na daw sumakabilang- buhay.
Hindi nagtagal ay nawawala na ung bangungot ni lola.
After ilang weeks ay bumisita ang panganay na kapatid ni nanay na si Tita Aisah.
Fast forward ....
Gabi na run at nasa terrace na sila lola tita at parents ko nagkukwentuhan.
So after how many hours ay natulug na kami lahat..
Sakto mga hatinggabi na un, nalimpungatan kami lahat dahil binabangungot na naman si lola pero iba na di gaya sa dati.
Iba na kasi dahil umuungol na talaga sya na parang umiiyak at hindi makahinga kaya pinasuk na ni papa ang kwarto nya para gisingin.
Nasa loob parin ako ng kwarto ko pero dinig ko parin sa labas dahil ply wood ang dingding ng bawat kwarto.
Narinig ko ang pagkwento ni lola tulad ng dati hinahabol na naman daw sya kahit san sya magtago nahahanap daw sya at ang huli nagtago sya sa ilalim ng bahay kung baga ung bahay daw ay may hagdan so sa ilalim daw sya nagtago kaso sumunod daw ung matanda na nakangiti habang inaangat ang kamay para abutin si lola.
Sigaw na sigaw daw sya nun at nang nagising daw sya ay hindi na sya makahinga at nakita nya na may matandang nakaitim na nasa ibabaw nya at sinasakal daw sya habang ngiti ngit daw ito na nanlilisik mga mata.
Buti na lang daw at dumating si papa kundi baka ano daw mangyari sa kanya.
Pagkarinig ko ng kwentong iyon ni lola ay bigla na lang ako kinabahan at natakot lalo nat nakaitim pa.
Buti na lang at nakatulog ako at hindi ko na alam kung anong oras natulog ang mga matatandang nag-uusap sa labas sa may sala.
Kinabukasan nagising ako sa boses ni tita na may kinukwento . Hindi ko lahat narinig ang tangi ko lang naabutan num ay sabi nya nung after bangungutin si lola at nag-usap sila saglit ay natulog na sila.
Nasa gilid pwesto ni tita banda sa pinto katabi si nanay. Hindi daw sya makatulog na para bang may nakatitig sa kanya kaya paglingon nya sa gilid sa kaliwa nya ay laking gulat nya na nakita nya ang matandang babae na nakaitim na nasa kwento ni lola sa kanila na naka indian sit sa labas ng kulambo at ang mga kamay ay nakahawak sa kulambo habang nakangiting nanlilisik mga mata. Hindi daw makagalaw o makasigaw si tita nung time na un at hindi nya alam kung bakit.
Basta tumingin daw din sya mga mata ng matanda.
Nangilabot daw sya at kung bakit nagpakita ito sa kanya at kay lola.
Hindi na din nya matandaan kung pano sya nakatulog nang nasa hilid nya ang matanda.
Hindi man halata ay kinalibutan talaga. Dahil sa lahat ng lady na multo ang black ang hindi ko gusto. Lalo na pag bigla na lang magpapakita sa harapan mo.
Simula nung twing gabi bago matulog ay tumitingin ako sa gilid dahil baka kami na naman ang susunod pagkakaitaan nung matanda.
Pero buti na lang hindi na muli nagpakita ito sa bahay ni lola.
==============================
ang totoo nyan habang tinatype ko ito ay naiimagine ko face nung matanda kaya mejo tumataas balahibo ko right now. Sa lahat ng kwentong narinig ko itong kwento ito ang tila ako natatakOt ..ewan ko ba kung bakit basta hindi ko feel ang pagkwento ni tita at lola dahil tinataasan ako ng balahibo at fact takot ako lalo na ky blacklady.
======================>>>>>>>>>>
Vomment pretty plz if ok lng..
need ko din ng feedback mapa bad o good feedback..
Konbanwa!!!!!
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..