EXPERIENCED #1
Hindi ko na matandaan kung anong year ako nun sa college basta tanda ko na umaga un mga alas otso.
Minsan lang kasi ako maging maaga dumating sa klase pag nine pasok ko. Minsan nga laging late dahil pahirapan sumakay ng jeep o kya nakakatamad bumangon ng maaga.
Malapit sa palengke ang skul ko kaya dun din ang terminal ng jeep. .
Sakto napaaga ang dating ko at wala pang instructor kaya walking like a princess ang peg ko sa paglalakad.
Habang naglalakad ako ay tumingin ako sa building namin kasi patalikod ung building ng skul kaya makikita ko ang fire exits at mga glass windows.
Natanaw ko sa bintana ng 3rd floor na may ilan students na dun dahil nakatambay sila nga upo sa harap ng bintana.
Napadako ang tingin ko sa fire exit sa 2nd floor, grills kasi ung door ng fire exit kaya kita ko if my tao o wala.
Napansin ko na may nakatayong babae na roon na tila tinatanaw ako at nakasout nang pink na may gray blazer at faded blue jeans.
Papalapit nako kaya mejo pamilyar sa akin ang anyo nito na ang kaklase kong c cha pala pero di ko gaanung kita mukha pero alam ko sya un.. Mejo nagtaka ako kung bakit sya lang mag-isa run at nakatayo lang.
Pinasawalang bahala ko na lang at nagfocus na sa kalsadang dinaraanan ko. .
Lumiko na ako sa kaliwa at mabilis na naglakad papasok sa gate ng skul ko.
Nagmadali ako umakyat sa 2nd floor para puntahan si cha.. Napagitnaan kasi ng guidance office , classroom at registration office ung fire exit.
Hingal na hingal ako pagdating ko.
Wala naman tao sa room 202 na katabi ng Guidance office at pagtingin ko sa may fire exit wala naman tao.. Wala din kasing katao tao sa 2nd floor kaya nagmadali na naman akong umakyat sa 3rd floor.Tulad ng inaasahan ang ibang studyante nasa library nagdaldalan at ung iba sa com lab. Dumiretso ako sa room 303 at dun ng mga kaklase ko.
Hinanap ko si Cha at nakita ko syang sout ung kaninang nakita ko sa fire exit.
Napangiti ako dahil tama ako na sya pala un .
" uy Cha anong ginagawa mo kanina sa fire exit sa may 2nd floor?? Nag eemo ka ba dun?" pabirong sabi ko ng lumapit ako sa kinalalagyan nila. Bali kasama nya bf nya at ung isang kaclose friend namin na I.T guy.
Nagtinginan naman silang tatlo at taas kilay naman sya sa akin.
"anong ginagawa sa fire exit ehh kanina na kami dito .."
"Huh?! Ehh kita nga kita roon yan nga suot mo ehh ..hmmm"
Nagkibit balikat na lang cla kaya umupo na lang ako sa paborito kong upuan at naconclude na hindi si Cha ang nakita ko kundi ibang tao na gumagaya ng itsura.
Pero bakit ako nanaman ...
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..