Special chap. Kasi hindi ito akin dahil kinwento lang ng kapatid ko na sunod sa akin (pang apat na kapatid). Kagabi pa nya ito naranasan habang pauwi sya galing skul. Halong tawa ang nasa isip ko nang nakikita ko expression nya pagdating sa bahay.
Dapat ay nasa pinakahuli ang special chap. Kaso excited ako isulat ung naranasan nya kya isisingit ko na lng dito .
Image ng tricylce sa side---->
Yan poh ang trycycle sa city namin. Unique di bah!?
Never the peoples..^_^
------------------Habang naghihintay ang driver nagpassahero pra mapuno ito ay naidlip pa ang aking kapatid. After a few minutes ay napuno na rin ito. May dalawang pasahero sa harap,nasa baba naman ang kapatid at ung ksama nyang nakaupo, may isa pang pasahero sa likod ng driver (maximum of 5 passengers kasi ang pwdeng sumakay) .
30 minutes ang biyahe papunta sa lugar namin pag tricycle ang sasakyan at hindi jeepney o multicab.
At dahil malayo pa ung lugar namin, unti- unti naman nababawasan pasahero. Hanggang sa 3 na lang sila natira, wala ng tao sa harap at tanging kapatid ko lang ang pasahero na nasa baba at ung lalaki na pasahero na nasa back ride ng driver.
Hindi gaanung maliwanag ang paligid kahit may poste ng ilaw sa gilid ng kalsada. Wala rin gaanung kabahayan dahil napapagitnaan ng palayan ang kalsadang tinatahak nila. May mga puno din tinanim sa glid kaya mejo creepy tignan lalo nat balita dun banda ay may nagmumulto daw. Dagdagan mo pa sobrang lamig.
Nasa bandang mahuganihan na sila nang nakaramdam ng kakaibang lamig ang aking kapatid na tila sya binabalutan ng yelo na may halong init kunti, napayakap sya sa kanyang sarili at sabay ang pagtindig balahibo nya. Dahan dahan siyang napalingon sa kaliwa nya nang makita niya ang hindi inaasahang pasahero na katabi pa nya mismo. Tila siya nanigas sa kinauupuhan niya at napalunok laway na lng sya. Alam nya sya lang nakakita dahil ung kasama nyang pasahero ay nakatalikod ito hindi nya alam na nsa likod nya ang white lady. Dahil hindi masyadong maliwanag hindi parin mkita ang ulo nito, samantalang dahan- dahang lumingon sa harap ang aking kapatid kasabay ang panginginig ng tuhod at pagpigil hinga. Nakikiramdam sya sa anong gagawin ng white lady, tumutulo na rin ang malamig na pawis nya. At nang malapit na sila sa may kabahayan ay dahan dahan syang lumingon ulit sa kaliwa at napahugot siya ng hininga na wala na sa tabi niya ang whitelady.
Nang makarating na sya sa lugar namin ay wla ng tao sa labas dahil mga alas nuebe kapin na. Kaya mabilis pa kay flash ang pagtakbo nya dahil baka nakasunod sa kanya ang whitelady.
Nagkagulatan pa sila ng aso sa daan. Dahil nasa looban ang banda ang bahay namin at madalim pa sa mga kbahayan na nadadaanan nya ay takbo parin siya. Nang malapit na siya sa amin ay nagsisigaw siya ng buksan siya ng pinto. Buti na lang hindi pa tulog kami tulog at nasa sala ang aming bundong kapatid at papa na nanood ng PBB737..
Nagtaka naman kami dahil hingal na hingal siya at namumutla, nang mahimasmasan ay kinwento nya ang nangyari. Habang ako na nasa kwarto lang at nakikinig sa kwento niya, hindi ko maiwasan mapatawa dahil takot na takot siya dahil matatakutin talaga sa multo. Kaya yan ang napapala ng gabi na kung umuwi.. Paggym pa more..
------'--'
Hanggang dito na lamang dahil para akong muntanga na rito kakatawa.. Konnichiwa!!!
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..