Chapter 12: Mysteroius cleaner

26 2 0
                                    

Nang natapos na ang bagong bahay nina tita Sal ay dun muna nila ako pinatira dahil sa kahilingan ng anak nya na si Yen (bunsong anak nya bali dalawa ang anak nya na puro babae) at Den (panganay).

Sakto lang ang laki ng bahay at semintado naman. May dalawang kwarto habang hindi pa umuuwi galing abroad ang tito ko ay dun muna kami natutulog magpinsan sa kwarto ng mama nila, samantala yung pinsan namin na lalaki na inampon nila ay sa kabilang kwarto naman natutulog.

Hundi matandaan ang exact month nun basta twing gabi ay umuulan.

Maaga kami gumigising sapagkat maypasok.

Nang nasa harap naman kami ng owner type jeep (correct me if im wrong coz i dont know the exact name of this lil jeep slash im not familiar of the spelling so just ignore the owner chuba!)

Laking gulat namin na napakalinis ng lil jeep na parang kinar wash ang peg. Nagtanong pa sa amin si tita kung sino ang naglinis pero kibit balikat na lang kaming apat dahil wala ni isa sa amin ang gumawa nun. Mas lalo pang nagtaka nang makita namin sa loob na sobrang linis na walang bahid ng alikabok.

Napaisip kaming lahat kung sino ang mabait na naglinis dahil impossible wala sapagkat kagabi ay umulan at ni bakas ng tubig ulan sa lil jeep ay wala.

Hinayaan na lang namin un at baka ung houseboy ng kapitbahay ang naglinis.

Ngunit akala namin ay hanggan dun lang un.

Kinagabihan ay umulan na naman at kinabukasan paglabas na naman namin ay malinis na naman ang lil jeep gaya kahapon.

Dahil tag ulan twing gabi ay nauulit na naman ang nangyayari twing umaga.

May kutob na ako na hindi ordinaryong tao ang gumagawa nito.

Tinanong din ni tita ung houseboy ng kabilang bahay pero hindi daw siya.

Kaya kinagabihan ng mauuna na akong matulog ay naisip kong silipin ang nasalabas ng bahay.

Katabi kasi ng pinto ng kwarto ay may bintana sa kaliwa at dun nakatapat o nakapark ang jeep.

Muntanga lang ako dahil alam kong wala akong mapapala sa pagsilip sapagkat madilim sa labas dahil di nilagyan ng ilaw at umuulan pa.

Hindi ko alam bigla na lang akong kinabahan at nanginginig sa pag hawak dun sa bintana (ung bintana kahoy sya na paup and down o palayer, tsk xenxa i forgot the exact name ehehe)

Dahandahan kong binuksan ito as in kunti lng natakot kasi ako sa advanced imagination ko na baka binuksan ko ng bou ung bintana na baka may makita akong nakarap dun na u know wat i mean ehehe (tindig balahibo men c ako)

Mga two inch pa lang pag open ko ay nafeel ko ang lamig hindi lamig dulot ng ulan kundi kakaibang lamig na familiar sa akin taranta kong sinara ang bintana at pumasok sa loob ng kwarto.

Twing umaga ay hinahayaan na lng namin ang nadadatnan namin sa lil jeep kasi nagpapasalamat pa nga kami dahil lage iyong malinis.

Kaya kahit palaisipan parin sa amin kung sino ba itong misteryosong naglilinis ay ayos lang at least walang itong ginagawang masama sa amin.

UNWANTED SENSES true story  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon