Ang karanasang ito ay nagmula sa kaklase kong si Cha. Sa akin lang nya ito kinuwento.
Dahil hindi naman ako friendly at tahimik pero baliw sa harap ng mga ilang kaibigan minsan pag walang nagawang topic ay inuumpisahan ko sila sa kwentong katatakutan.
Sa oras na yun kami lang dalawa ni Cha sa may dulo ng library kami tumambay, may klase kasi ang ibang kaibigan namin nun.
Nagbabasa kami nun nang maisipan nyang ekwento ang mga karanasan nya sa bahay ng dating amo ng tatay nya. Isa kasing farmer tatay nya at dun pansamantala nakatira ang tatay nya sa bahay ng amo nito upang bantayan ang nyugan pati bahay.
Minsan dumadalaw sila at dun natutulog. Isang gabi sya lang mag-isang natulog sa kwarto. Naramdaman nya na may tila malamig na kamay ang humahaplos sa paa pataas sa binti hanggan hita. Lumipat ulit ang direksyon ng haplos, nagtungo ito sa kanyang tiyan pataas. Naramdaman din nyang binuksan ang botones ng blouse nya sa may dibdib. Akala nya panaginip lang ito ngunit naalimpungatan sya bigla nang kakaibang haplos na ito. Napansin nya ang lalaking itim nakatalikod sa gilid nya.Kahit madilim ang paligid tanging sinag ng liwanag mula sa labas ay kita parin nya ang kabuhuan nito. Nanigas sya sa takot sa balak gawin sa kanya pero alam nya na hindi ordinaryong tao ang nakatalikod na ito. Wala syang lakas magsalita kaya nang bumangon sya ay sabay naglaho ito.
Dahil sa takot ay lumabas sya ng kwarto at di na bumalik roon na mag-isa.
Kinwento rin nya sa mga magulang ang nangyari sa kanya kaya mula noon hindi na sya pinapapunta sa bahay na yun.
malaking palaisipan sa kanya kung anong klaseng nilalang ang lalaking itim. Ito bay engkanto, kapre o multo..
laking pasalamat nya na nagising sya bago anong gawin ng lalaking nakaitim sa kanya na dinaan pa sa panaginip.
At hindi na muli na ulit ang nangyari.

BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..