Special chap.: Ganti ng Engkanto

16 2 0
                                    


Ganti #1

Si Lito ay simpleng binata sa probinsya nya. Mahihintulad na rin ang sarili nya as an independent person.

Lahat nang trabaho pinasok nya kahit mahirap. Hindi naman kasi sya nakapagtapos ng high school.

Isang araw, kasama ang kaibigan ay nagtungo sila sa malayong baryo para bumili ng bunga ng mangga. sa panahong yun ay buwan ng pamumunga ng mga mangga.

Narating nila ang lugar na yun at nag- umpisa na silang umakyat sa puno. Bago sya umakyat ay may dumura sya sa paligid ng puno. Nang pipitasin nya ang bunga ay bigla na lang syang natuluhan ng puting likido na nagmula sa pinitas na bungga ng mangga ( hindi ko alam ang tawag dun basta pagpumitas ka ng mangga ung dulo nito may lalapas na puting likido ) . Natuluhan ang kaliwang mata nya na sanhi ng pagkabulag nito.

Dahil may manggamot na lugar nila ay bigla sya nitong nilapitan at sinabing.

" may dwende kang naduruan bago ka umakyat sa mangga, dahil sa galit niya sayo ay dinaan nya sa pagkuha mo ng bungga ng mangga ang galit nya. Sinadya nyang bulagin ka at hindi na muli mababalik ang paningin ng kaliwang mata mo ."

Dahil sa narinig ay nanglumo sya at nagsisi. Na mag iingat na sya sa bawat kilos nya pag sa ibang lugar sa nagpunta.

Ganti #2

Ang karanasan ito ay mula sa akin bunsong kapatid. Taong 2009, hapon yun at naglalaro pa sya kasama mga kaedad nyang pinsan namin. Nasa gilid ng bahay ni lola sila nagtatakbuhan sa may puno ng mangga at niyog.

Sa pagsapit ng gabi, nagtaka sya kung bakit hindi sya makalakad kaya kinaumagahan ay pinatawag ang manggagamot sa baranggay namin. Sinabi nya na may natapakan daw sya na hindi nakikita na nakatira sa puno ng mangga.

Ginamot nya ang paa ng aking kapatid hanggang sa unti-unting gumaling pero nagdulot naman ito hanggang ngayon ng pagbagal ng lakad nya na paika-ika pero hindi naman gaanong halata.

Simula nung nagamot sya ay iniwasan na nilang maglaro sa gilid ng bahay ni lola.

=====================
A/N

Hanggang dito na lamang ang aking kwento sana ay nagustuhan nyo ito.

Salamat sa nagbasa at magbabasa pa lamang, sana supportahan nyo ito.

Gusto ko sanang magsulat ulit ng bagong horror story pero on-going a yung iba kong stories kaya baka matapos kp na ung iba o kaya malalayo na ang chap ay mag-uumpisa na akong magsulat ng horror/thriller stories.

May title na ako kaso hindi ko pa nagagawa ang prologue. Kaya sana magawa ko na para maupdate na...

POSSIBLE TITLES AND DESCRIPTIONS:

BLOODY VIRGINS BLOOD

== story about sa 5 teen virgin on their different personality will meet the very beautiful,sexy, smart, charismatic and baby face transferee girl. Is this girl had a deep bloody secret five years ago?

NIGHTMARES

=== a teen girl experienced the so called Sleep Paralysis , until she always dream about scary scenario at devil's hour.

I think next month (May) mapost ko na ito kahit prologue o Chapter 1, lang...

Sana abangan nyo.

UNWANTED SENSES true story  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon