Special chap.: Lalaking itim

18 1 0
                                    


Ang karanasang ito ay naganap nung buwan ng pebrero na mula sa kapitbahay namin.


Sa paniniwala sa lugar namin, kapag tumahol ang mga aso paharap sa isang  direction o bahay lalo nat ang tono ng tahol ay parang ung nasa mga movie na tumatahol ang mga wolves  ganun ang tono  ibig sabihin may mamamatay o may nakikita sila na hindi nakikita ng ating naked eyes.





Pero dito sa amin maliban sa tahol ng aso may sinyales pa kaming alam ay ung ang pagpapakita rarely ng lalaking itim.. Once na nagpakita ito ibig sabihin may mamamatay after two days.


So heto, gabi na talaga nun. Walang ilaw sa labas ng bahay nila tanging sa loob lang ang inilawan. Wala na rin katao-tao sa labas o dumadaan sa gilid ng bahay nila. Hindi naman malapit sa kalsada ang bahay nila kung baga paloob at may kapit bahay naman sa gilid gilid, may two meters  ang lawak ng eskinita papasok sa kanila at una ang bahay nila na mabubungaran, ung daan nila papasok ay  napapagitnaan ng mga bakod na semento sa gilid mula sa  kapit bahay nila na paharap sa kalsada. Ung mga bakod na un ay ang isang may-ari ay sakto lang ang taas   at sakto rin ang  laki ng bahay na may dating puno ng santol at ang kabilang bakod ay compound naman kaya kasing taas ng bahay ang bakod .


Dalawa ang pinto ng bahay nila, sa may kusina at sa front na kaharap ung mataas na pader ng bakod.

Lalabas sana sya sa front door para kunin ang ilang damit na sinampay nya. Nang pagbukas nya ng pinto, naagaw pansin nya ang madilim na paligid ng pader nâ bakod patungo sa taas. Bigla syang nagulat nang makitang may itim na lalaking nakaupo rito habang ang mga binti nito ay sinusuway pati ang mga kamay ay nasa gilid lang  at habang nakatinggala ito pataas na tila tumitingin sa langit. At dahil sa takot hindi na nya kinayang humakbang palabas ng pinto dahil malapit lang ang pwesto ng inuupuhan ng itim na lalaki sa tapat ng pinto. Nagmadali syang isara ang  pinto dahil baka makita sya nito at anong gawin sa kanya.



Kinabukasan kinwento nya ang kanyang nakita at naniwala naman agad ang mga ito dahil alam nila na may ibang nilalang talagang nagpaparamdam sa may bakod lalo na nung hindi pa pinuputol ang puno ng santol sa loob ng bakod(  (na isa sa mga bahay na nagmamay- ari ng sementong bakod sa harapan ng kalsada).


Hanggang ngayon hindi ulit nagpakita ang misteryusong itim na lalaki pero after ng last pagpapakita nya ay may namatay naman na matanda sa baranggay namin.



Sa ngayon tahimik rin ang mga aso sa gabi pero sa susunod na buwan o taon baka tatahol na naman sila sabay sabay na nakakatakot na tahol at magpapakita muli ang itim na lalaki.


UNWANTED SENSES true story  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon