Experienced #2
Gabi na yun mga alas otso ng gabi. Actually hindi ako ung tipo na maagang matulog pero dahil pagod galing skul at maaga klase ko kaya maaga na akong matulog.
Nagdasal mo na ako bago matulog.
Papikit na ako ng bigla na lang humihip ang hangin mula sa katawan ko papunta sa mukha ko kaya ramdam ko ang hangin dumampi sa mukha ko.
Nagtaka man pero hinayaan ko na lang dahil antok na antok na ako nun.
Isang bese lang naman humihip ung hangin ngunit sumunod nun ay parang may humawak sa kamay ko papunta sa balikat ko.
Napadilat ako nun pero hindi ko na magalaw katawan ko at wala din boses na lumalabas mula sa akin kaya hindi ko makahingi ng tawag sa mga kasama ko sa bahay na nasa sala dahil rinig ko ung tunog ng pinapanuod nilang palabas. Hindi ko na lang sinayang sarili ko dahil hinfi naman ako makagalaw kaya nagpasya akong pumikit.
Ngunit laking pagimbal ko nang nakita ko sarili ko na sinasakal ako.
Hindi malinaw ang mukha pero alam ko kamukha ko un sa hugis ng mukha, bibig,ilong, kilay,buhok at damit gayang gaya ako kahit malabo prang nakikita ko talaga na kamukha ko ang sumasakal sa akin.
Tumaas balahibo ko nun kung bakit nakikita ito gayon nakapikit ako.
Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko na para akong nasa panaginip na nakikita sarili kong sinasakal nun kaya dahil sa takot ay bigla akong napadilat sabay ang pagbangon.
Gaya ng dati habol hinga ako na pawis na pawis sabay pa ang lakas ng tibok ng aking puso.
Kinalma ko ulit sarili ko at humiga ulit.
Akala ko hindi maulit un un pala ay naexperienced ko ulit un pero hindi the same month kung baga paminsan minsan at hindi sunod sunod.
Hindi ko na rin matandaan kung kelan tumigil un karanasan ko pero salamat naman kahit ngaton hindi na naulit muli at ayaw kongbmaulit un.
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..