Ang karanasang ito ay nagmula kay papa.mula nang nagkatatlong beses namild stroke si inay nahilig na magjogging ang mga magulang ko twing alas kwarto ng madaling araw. Mula sa bahay hanggang jankson ang layo ng jinajogging nila, so sa high way ang daan nila sa pagjojog. Hindi ako sigurado sa tamang kilometro ng layo ng ginajogging nila basta pagmahinang lakad lang ang gagawin siguro aabutin ng 10 + mins.. above pag-dating dun. Napapagitnaan ng palayan ang kalsada at sa kanang gilid ( facing papunta sa jankson) may ilang maliliit na puno gaya ng langka o jackfruit. Bago makarating sa gitnang bahagi na may mga puno, may mga bahay naman sa gilid. Sa ten meters na unang puno ay may kababalaghan din dun bali limang puno tapos empty na then ilang meters pa matatanaw ang mga kabahayan ulit hanggang sa makarating na sa crossing o cross way kung saan nandun na ang palengke at tinawag na ngayong jankson na dati ay Crossing.
So heto na nga, that time tinamad magjogging si inay kaya si papa na lang ang magjojogging mag-isa. Lampas na nya ang mga ibang bahay at malapit na sya sa mga puno ng langka.
Bigla na lang may babaeng nakaputi na sumabay sa kanya sa pagjogging mga isang metro layo sa kaliwang gilid nya, hindi nya ininda ang lamig sa paglapit ng babae dahil nga malamig naman talaga ang simoy ng hangin pagmadaling araw.
tatanungin sana nya ito ng may naalala ito na syang kinatigil nya habang ang babaeng nakaputi ay nalampasan na sya.
Napalaki nya ang kanyang mata nang makitang biglang naglaho ang babae sa harap ng unang puno.
Napaatras sya at natakot kaya dali dali syang tumalikod pabalik ng bahay at hindi na tumuloy magjogging sa oras na yun.
Hindi na rin kami nagulat sa kwento nya dahil alam ng lahat na may white lady talaga dun sa punong langka na nagpapakita kung mag-isa ka lang , prone accident area din kasi pagnasa tapat ng mga punong iyon.
Kaya twing may dadaan dun na aabutin ng gabi ay nagsoslow down sila maliban sa walang alam at mabilis magmaneho lalo nat walang gaanong sasakyan dumadaan dun pag dis oras na ng gabi ay tiyak ang naghihintay na accidente na nauuwi minsan sa kamatayan.
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..