Taong 2005 parin ito sa apartment ng tita Sal.
Nangyari sa likod ng apartment.
Dahil nga twing weekends lage akong natutulog sa kanila.
Gabi na yun mga alas syete, nagpasyahan ng magkapatid na pinsan ko na maglaag sa mga 2nd cousin namin na nagbabantay sa tindahan nila (remember ung may ari ng apartment ).
Ang totoo ay hindi talaga ako close sa iba kong pinsan, hindi kasi ako pala imik kaya sila lang ung nagkukwentuhan at akoy nakikinig lang.
Hindi ko na maalala kung anong exact time na natapos sla magkwentuhan basta malalim na ang gabi.
Ligtas naman ang paglalakad namin pa uwi dahil kasama namin ang aking kuya bali 3 kaming babae at isa lang ang lalaki.
Nang nasa bungad na kami ng apartment ay nakarinig kami ng putok na baril sa kabilang kanto.
Dahil may pagkatsismosa din ang dalawang magkapatid ay tumakbo sla sa lugar na un.
Napailing na lang akong nakasunod sa kanila.
Nasa likod na kami ng apartment at harap nito ay mga puno ng mangga na may bakod at sa pagitan nito ay kalsada patungo sa kabilang kanto short-cut papunta sa town.
May pag alinlangan kaming naglalakad at akoy nasa hulihan nilang tatlo. Habang naglalakad akoy nakakaramdam ako ng kakaibang lamig na bumabalot sa akin pero inisantabi ko na lamang at nagpatuloy sa paglalakad.
Nasa gitna na kami ng naulit muli ang mga putukan na sunod sunod dahil sa taranta at takot ay napatakbo kaming pabalik.
Dahil ako ang nasa hulihan nila kaya ako ang naunang tumakbo.
Nang malapit na ako sa harap ng pintuhan ng apartment (backdoor ng bahay nag may ari ng aparment ung tita Bekz ko kasi inaoccupy nila pinakadulo na apartment kung baga dalawang unit sya na inisahan para gawing bahay nila) sakto din kaharap nito ang gate (ung bakod na may malawak na punuhang mangga) ay bigla na lang may parang pumigil sa aking pagtakbo kaya nilakasan ko ang aking sarili at nakawala ako.
Akala ko ayos na ngunit nakaramdam naman ako na parang nakabunggo ko ng malamig na hangin na kakaiba ang lamig.
Bigla akong natigil sa pagtakbo na tila may pumipigil ulit sa akin dahil hindi ko magalaw aking katawan.
Nagpupumiglas ako pero hindi ko kaya ang bumabalot na lamig sa aking katawan na syang humaharang sa akin. Dagdagan mo pa ang madilim na lugar na ito dahil walang ilaw.
Napansin ko din na nasa unahan na ang aking mga kasama at hinihintay ako.
Hindi naman ako makasigaw dahil walang lumalabas na boses sa akin.
Pinapawisan na ako at hindi ko talga alam pano makakawala sa pagyakap sa akin ng multo. Yah alam kong multo ito kasi kakaibang lamig ang nararamdaman ko at higit sa lahat alam kong nakayakap sya kahit hindi ko nakikita.
" busit!pakawalan mo ako kung ayaw mong patayin kita ulit." pagbabanta ko rito at pinakitat pinaramdam rito na hindi ako takot.
At dahil lakas loob kong pagpumiglas at pinakitang tapang ay unti ko ng naramdaman na lumuluwag ang pagkayakap nito sa akin hanggang sa hindi ko na sya naramdaman.
Muntik na akong masubsob sa simento nang makawala ako dahil sa panghihina.
Habol hinga ako nun na para akong galing sa pag akyat ng bundok
Malakas din ang tibok na puso.
Kinalma ko muna aking sarili at dahan dahan naglakad papalapit sa mga kasama ko na nakatayo sa may poste na ilaw at hindi ko pinahalata at sinabi ang kababalhang nangyari sa akin kanina lang.
Bago kami tuluyang umalis ay nilinggon ko muna ang madilim na lugar kung saan akong natigil.
Napangiti na lang ako ng mapakla dahil isang multo ang yumakap sa akin na hindi ko alam ang dahilan.
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..