Ang karanasang ito ay tungkol sa aking papa sa dati naming bahay nung hindi pa binibenta.Gabi yun at dahil sa bahay namin ang papa ko las ng jhatinggabi kung matulog dahil nanunuod pa sya ng late at night news.
Ugali din kasi nya na pagmakati tenga nya ay tinutusok nya ng damo (xenxa nd ko kasi alam ang tawag sa damong iyo).
Nasa gilid gild lang kasi ito nakikita kaya nang pagkuha na nya sakto naay dumaang nakaputing babae sa harap nya.
Dahil sa gulat ay napatakbo sya papasok ng bahay.
Karanasan ulit ni papa ito sa dating bahay namin
Dahil binata na ang dalawa kong kuya ay gabi na daw ito sila umuuwi.
Dahil sya lang mag isa nanunod ng t.v.
Minsan naririnig nya na may yabag ng paa ang darating at dideretso sa gripo sa gilid ng bahay at maghuhugas ng paa, kala ni papa ay ang dalawang kapatid ko un pala ay hindi dahil pagsilip nya sa bintana at walang katao tao.
Isisingit ko na rin ang karanasan ni inay nung nasa dati bahay namin pa.
Hindi na kasi kami nagtaka if mayrun kami nakikita o nararamdaman sa labas ng bahay namin dahil sabi ni papa numg panahon ng kastila ay nilusob daw lugar namin, binumba ng naval at marami daw namatay. Ung iba na nagtago sa irregation ay tinamaan at namatay at ung namaray na tinamaan ng bala ay tinapon na lang sa irregation dahil nilulusob na sila . Nagbakwit daw sila sa lugar na mejo kalayuan at dun pansamantalang namalagi kaya ung naiwang namatay ay hindi na nila nailibing.
Dahil palayan din yung amin ay mapuno rin at may mga engkantong nakatira.
Isa na dito ang nakita ni nanay.
Alas singko na yun at nag-sasunset na, kulay orange daw ang sinag ng araw. Sa probinsya lasi ay sinasabi nila pag dapt hapon at suminag ng kulay orange ang araw ay wag na daw lalabas dahil lumalabas daw ang mga engkanto. Kaya ang mga bata hindi pinapalabas pagganun ang kulay.
So heto nasa labas ng bahay si nanay nakaupo mag-isa nakita nya na may batang nakaputi ng damit pataas at pababa na umakyat sa puno sa may gilid ng irregation sa kanang gilid ng bahay bakante kasi ung lote dun at walang bahay na nakatayo.
nagtaka sya kung bakit umakyat ung bata na maggagabi na at ung sinag ng araw ay orange na rin. Inakala pa nya na ung pinsan ko ang umakyat. Hinintay nya naakababa un ngunit dumidilim na pero ni anino ng bata walang bumaba. At dun sumagi sa isip nya na engkanto pala ung nakita nya.
Fact:
Sabi ng kaibigan ko dati na ang mga engkanto ay parang tao din ang anyo. Ang pinagkaiba lang daw ay ung sa gitna ng ilong at bibig na line. Un daw ang pinagkaiba natin sa kanila.
-----------------------------
-------------------------------ang sunod na karanasan ni nanay ay nung bago mamatay ang pinsan ko.
May sakit puso ang insan kong babae na grade three nung time na un.
Matalino ito at nakagawa pa sya ng sariling kalendaryo sa taong 2010 .
Tinaningan na ito ng doktor ng anim na buwan.
March 14 exact pang anim na buwan nya bukas.
Nang gabing un ay inatake na sya kaya dinala na sya sa hospi.
Nasa terrace silang lahat habang nasa kusina ako naghuhugas ng plato.
Nang nakaalis na sila ay kinuwento ni nanay na may nakita syang babaeng nakaputi na papasok sa bahay nila (bahay nung pinsan kong maysakit)
Katabi kasi ng bahay ni lola ang bahay nila. Kaya natanaw ni nanay ung nakaputi.
Kinabukasan ay walang nang buhay ang pinsan ko.
--------------------
*-----------------Time check 10:02 pm at ako lang mag-isa ..grabe ito pala ang feeling na nagsusulat ng horror tapos bigla la na lang kilabutan whooahh... exit muna magffb na lang nang mabawasan ang kilabot...eheheeh..
Nytienyt...
ChunZaga is now signing off..
Bukas ko na lang euupdate..
BINABASA MO ANG
UNWANTED SENSES true story ( Completed )
HorrorPAKINGGAN ANG PALIGID... PALAWAKIN ANG ISIPAN... BUKSAN ANG MGA MATA... AT SIGURADUHING HINDI KA NAG-IISA... WAG KANG LILINGON SA KALIWA.... BAKA ANJAN LANG SYA SA LIKOD MO.. Started : June 2, 2015 Ends: April 18, 2016 PLAGIARISM IS A CRIME..