Special chap.: Bahay ni Lola II

13 2 0
                                    


Experienced #4

Ang karanasang ito ay galing sa akin kapatid na lalaki. Kararating lang nya galing sa dating lugar nilapitan namin nun 3 yrs.ago.  Naiwan kasi sya dahil dun sya nag-aral ng college sa kursong electrical engineer.

Dahil wala ng available na kwarto ay sa labas sya matutulog.

So heto nasa room ako ng pinsan ko natulog while sa middle room si lola at sa last ay parents ko ang nag occupy.

Natulog na kaming lahat at sya lang mag isa sa labas . Pero hindi pinatay ang ilaw takot kasi sya sa dilim.

Hindi nya alam ang exact time nun basta naalipungatan sya na parang may naglalakad sa gilid nya.

nakatagilid kasi sya natulog sa kaliwa at binuksan nya kanang mata nya at nakita nya na may paang palakad lakad na pabalik balik  sa gilid nya na nakaitim ng sapatos at naka barong tagalog at ang kinagulat nya ay wala daw itong ulo.

Nagtaklob daw sya ng kumot habang nanginginig sa takot at pinipigilan ang hininga.

Nakakulambo sya at transparent net ito kaya klaro sa kanya kahit nagtakip sya ng  kumot kita parin nya ang  dahan dahang paglapit nito sa kanya buti na lang nakakulambo sya.

Para daw syang sinusuri kahit wala naman syang ulo.

dahil sa takot hindi na nya nalaman kung pano sya nakatulog.


Simula nun hindi na sya natulog sa labas at sa kwarto na ng parents namin sya nakitulog kahit sa lapag lang sya matulog.



Experienced #5

Ang kararanasan naman ito ay tungkol sa kapapanganak pa lamang na tita ko bunsong kapatid ng papa ko.

Paglabas nya ng hospi ay sa bahay ni lola sya nakitira muna.

So dahil karamihan sa mga sanggol ay iyakin sa kalaliman ng gabi ay un na nga.. Pinapatahan nya anak nya nasa may dining area sya.

Narinig nya na may nagbubuhos ng tubig sa may paliguhan kaya inakala nya na isa sa in ang naghuhugas ng katawan at nagconcenrate na sya sa pagpapatahan sa anak nya.

Nagtaka sya dahil ilang minuto ng nagbubuhos ng tubig at walang tigil kaya tinawag nya pangalan ng kapatid ko , inisip nya kasi na bala itp ang nasa loob ng banyo.

ilang beses na sya tinatawagan pangalan ng kapatid ko kaso walang tugon syang narinig . Kaya sinilip nya ang banyo at walang ilaw . Dahil sa takot ay pumasok na sya sa kwarto ni lola.



Hindi ko na isusulat ang ilang karanasan dahil pareho pareho lang din dahil ang nagpaparamdam sa bahay ay may naghuhugas daw ng plato sa may lababo,minsan nagbubuhos ng tubig sa banyo at minsan naghihigip ng walang tigil sa balon.

Hanggang ngayon ay still parin ang nagpaparamdam kaya hinahayaan na lang nila.

Swerte nga ni lola dahil hindi nya marini dahil bingi na ito.

Ang tanging inaalala ko lang ay sana hanggang paramdam lang ito at wag manakit sa nakatira sa loob ng bahay ni lola....

UNWANTED SENSES true story  ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon