"We often fool ourselves and say it's love
Only cause when it's gone we end up being lonely
So how are we to know, that it just isn't so
That we just have to let each other go"" Ano ba yan! Kay aga-aga nag-eemote ka na!" sabi ng bestfriend kong si Alexandrine matapos niyang kunin ang isang pares ng headset ko at pakinggan ito. Iniripan ko na lang siya bilang sagot ko.
" Alam mo K!? Kaysa mag-emote ka diyan bakit hindi mo subukang eenjoy ang buhay mo! Kesa naman mag-isa ka ditong nakatambay sa kwarto mo at iniisip yung magaganda ninyong alaala ni Ivan, bakit hindi mo subukan yung nakasulat sa bibliya na GO TO THE WORLD AND MULTIPLY!!" mahabang litanya niya at tiningnan ko lang siya ng masama.
" I'm moving on." sagot ko.
" Moving on? Sinong niloko mo? Lolo mo?? K mahigit isang taon ng patay si Ivan. Siya masaya na dun sa langit kasama si Lord, ikaw? Nagmomove-on pa?? Aba! Masyado mo atang idol si Maja at pati yung kanta niyang dahan-dahan ay inaapply mo sa sarili mo! Isipin mo naman yung mga taong nagmamahal sa'yo sa paligid mo! Yung mga taong nasasaktan dahil sa mga pinapakita mo!" ito ang ayaw ko eh. Yung sasabihan nila akong magmove-on at kalimutan si Ivan. Hindi ko kayang kalimutan ang taong mahal at minahal ako ng buong-buo.
" Shut up A! Kung pagsasabihan mo lang din naman ako, the door is wide open for you to leave." sabi ko tsaka binalik ang headset sa tenga ko at nahiga pabalik sa kama.
Bigla niya akong niyakap mula sa likuran " I'm sorry K, I just want you to be happy" sincere niyang sabi.
" Paano ako sasaya, kung yung taong nagpapasaya sa akin ay wala na A!" hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Akala ko ay naiyak ko na lahat pero hindi pa pala.
" Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin siya. Yung mga panahong magkasama kami. Alam mo kung ano ang mas masakit?? Na kahit pati yung gabing naaksidente kami ay di pa rin mawala sa isip ko!!" patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Lecheng isip naman kasi to!! Ang sakit sakit na! Pagod na pagod na to." sabay turo ko sa dibdib ko.
" Gusto ko ng makita at mayakap siya A! I really really miss him badly! Kung pwede ko lang sanang kunin yung katawan niya at e-preserve ay ginawa ko na! Pero imposible eh! Pinacrimate na ni Tita yung katawan niya, hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong masilayan yung katawan niya." pagkatapos kasi ng aksidente ay pinacrimate agad ng Mommy ni Ivan ang katawan ng anak.
" Bakit parang ang unfair lang A?? May nagawa ba akong masama? At ganito ka miserable ang buhay ko??"
" Ikaw lang naman ang nag-iisip na miserable ang buhay mo K. Hindi dahil nawala si Ivan ay titigil na rin ang pag-ikot ng iyong mundo" sabi niya habang inaalo ako.
"Sabihin nating nahinto lang sandali, pero pwede mo namang pindutin uli yung play button para ipagpatuloy ang buhay mo K. Life must go on! Kahit mahirap ay dapat mong kayanin." ang kahuli-hulihang salitang narinig ko bago ako nakatulog.
Nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulog dahil sa isang malakas na katok mula sa labas ng kwarto ko. At ang hindi ko inaasahan ay ang marinig ko mula sa labas ang boses ni Ivan. Dali-dali akong bumangon at agad binuksan ang pinto. Halos tumalon ang puso ko ng makita ko siyang nakangiti sa akin at may dala-dalang bouquet ng tulips at teddy bear.
" Bakit hindi ka pa bihis?" tanong niya sa akin. "Nakalimutan mo sigurong may date tayo ngayon." nakangusong sabi niya niya, napangiti ako dahil sa reaksyon niya. Gustong-gusto ko talagang tingnan at panuorin ang lahat ng reaksyong ginagawa niya.
" Magbibihis lang ako. I LOVE YOU." sabi ko at dali-daling pumasok pabalik sa kwarto ko para magbihis.
" KRIAN ANAK!! KRIAN ANAK!" agad akong napabalikwas ng marinig ko ang boses ni Mama sa labas. Panaginip, isang malaking panaginip na kahit kailan ay hindi magkakatotoo.
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanfictionIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.