Ten
"One, two. One two three. Talikod sa partners girls. Pigilan niyo boys" pag-iinstruct ni Meg sa praktis namin. First day of praktis namin para sa nasabing contest. Kapartner ni Meg si Ivan samantalang si Louis naman ang partner ko. Hindi ko tuloy maiwala ang paningin ko sa kanila.
"Focus on the steps." bulong ni Louis sa akin ng makalapit siya samakin para buhatin ako. Napatingin ako sa kanya bigla kaya muntikan ko na siyang mahalikan.
"IVan!!!" napatingin ako agad kay Meg na nakaupo na ngayon sa sahig.
"I'm sorry. Nawala ako sa focus" paliwanag niya.
"okay ka lang ba? Bakit parang wala ka sa huwesyo ngayon?" tanong ni Meg na pinapagpagan ang sarili niya.
"I just need a break Meg." sabay tingin sa akin ngunit binawi niya rin agad.
" Break muna tayo guys!!" sigaw ni Meg saka siya kumuha ng mineral water at uminom.
Naupo ako doon sa may bandang sulok dahil ayaw kong na-iisturbo ako sa oras ng break na ito.
"Here." napatinginako kay Louis na nakangiting nakatayo sa harap ko habang inaabot ang isang bote ng tubig.
"Thanks." sabay abot ko sa tubig
"Pwedeng tumabi?" tanong niya.
"Sure. Bakit naman hindi?" natatawang pagkakasabi ko.
"Walang magagalit?" tanong niya ulit.
"Wala."
"Talaga?"
"Talagang-talaga! Kaya umupo ka na diyan at baka magbago pa ang isip ko."
"Thanks.." sabi niya sabay upo sa tabi ko.
"Magkakilala ba kayo ni Ivan?" napatingin ako agad sa kanya dahil tanong niya. Gusto ko tuloy magsisi at pumayag akong umupo siya sa tabi ko.
"Ba't mo naitanong?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Kasi lately nahuhulinko kayong may panakaw tingin sa isa't-isa. Hindi siya ang nakatingin sayo, ikaw naman tong nakatingin sa kanya." sagot niya.
"Kilala ko si Ivan pero hindi niya ako kilala." sabay dugtong sa isip ko ng "o ayaw niya akong maalala."
"Pwede ba yun? Kilala mo siya pero hindi ka niya kilala? Ano ka stalker?" gusto kong matawa dahil sa salitang stalker. Ganyan na ba talagi ang dating ko?
"isipin mo na ang gusto mong isipin.." sabay ngiti ko sa kanya.
"Swerte niya may stalker siyang kagaya mo. pero paano mo siya nakilala?"
"ano to interview??" natatawang sabi ko. Bakit ba interesado siya kay Ivan? Huwag mong sabihing "Bakla ka ba?" naibulalas ko ng malakas kaya napatingin sa amin lahat ng kagrupo namin kasali na sina Meg at Ivan.
Tumawasi Louis ng sobrang lakas. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko. Nababaliw na siguro tong lalaking to.
"Pagsinabi kong Hindi, pwede ba kitang ligawan?" napanganga ako sa biglaang tanong at sagot niya. Napuno ng hiyawan ang buong studio dahil sa sinabi niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mamula. Nadako ang paningin ko kay Ivan na kunot noong nakatingin sa amin.
"Hindi mo ako kilala di ba? Pero bakit ganyan ang reaksyon mo?"
" Naku Louis! Hindi magandang biro yan." tapos tumawa ako ng peke
"Paano kung seryoso ako?" natahimik ako bigla. Biglang tumuyo ang lalamunan ko.
Bigla niyang ginulo yung buhok ko "Biro lang yun! Hhahaha."
"Kinabahan ako dun ha!!" nakasimangot kong pagkakasabi.
"Labas lang ako sandali. May bibilhin lang." paalam niya sa akin and i nodded.
Sinundan ko ng tingin si Louis habang papalabas ito. Hindi nakatakas sa paningin ko yung pag-uusap nina Ivan at Louis saglit. "Ano ang pinag-usapan nila?"
Pagkatapos ng praktis namin sa sayaw ay nagbihis muna akon dahil basang-basa ako sa pawis. Papalabas na sana ako sa studio ng may narinig ako.
"Hindi niyo alam na lumipat siya dito, Tita?"
"Akala ko ay alam niyo" mas lalo akong lumapit ng mabatid ko kung sino ang may-ari ng boses.
"Oo Tita. Kasali siya." napakunot ang noo ko. Sino ang kausap niya at sino ang pinag-uusapan nila?
Lalapit pa sana ako pero narinig kong nagpaalam na siya sa kabilang linya kaya dali-dali akong tumakbo palabas.
"Sino ba yung kausap niya? Tita yung narinig ko eh. Baka Mommy ni Meg yon." para akong baliw na naglalakad mag-isa habang nagsasalita.
"Ganun na ba sila ka close? Matagal na ba talaga silang magkakilala?" tanong ko ulit sa sarili ko. "ewaaaannn! Ang gulo!" sabay sabunot ko sa sarili kong buhok.
"Clap! Clap! Clap! Bravooo!" napatigil ako sa paglalakad at sa pagsabunot sa buhok ko ng makita kong nakaharang sina Bel at yung mga alipores niyang putok sa make-up!
Hinead to foot niya ako kaya Finoot to head ko din siya.
"Alam mo? Hindi ko talaga makita kung ano ang nagustuhan ni Louis sayo?" panimula niya. Hindi ko naman alam ang mga punagsasabi niya.
"Hindi ka naman kagandahan. Flat chested. Hindi masyadong katangkaran. Walang fashion sa pananamit and mind you mukha kang bata!" panlalait niya. Kahit kailan walang magandang salita ang lumalabas sa bibig ng babaeng to! Nagsisimba pa kaya to??
"Alam mo din? Hindi ko rin alam kung bakit sunod pa rin kayo ng sunod kay Louis kahit halata namang ayaw ng tao sa inyo. Nagmumukha tuloy kayong desperada!" hindi uso sa akin ang salitang "PAG BINATO KA NG BATO, BATUHIN MO NG TINAPAY" ang tanging nasa bokabularyo namin ni A ay " PAG BINATO KA NG BATO, BATUHIN MO NG BAKAL LARA TULOG!" at saka kailangan kong lumaban wala si A sa tabi ko.
Napakpikit ako ng aakma siyang sasampalin ako pero nagdaan ang tatlong segundo wala pa ring kamay na lumanding sa mukha ko.
"Don't you dare to lay your dirty hands on her" seryosong pagkakasabi ni Ivan na hawak-hawak yung kamay ni Bel na sinalo niya.
"Iba ka din Seron! Lakas ng kamandag mo!" she said sarcastically at bunawi yung kamay niyang hawak ni Ivan.
"Alam mo Ivan, sayang ang isang tulad mo kung bubuntot ka lang dito!!" sabay turo sa akin.
"Kaya kung ako sayo huwag ka lalapit sa babaeng yan dahil masisira ang buhay mo!"" dugtong pa niya.
"Look who's talking?" natatawang sabi ni Ivan. "Kanino naman ako sasama? Sa katulad niyong nag-ala crinkes ang mukha dahil sa make-up? Sorry, pero nasa matino pa akong pag-iisip Bel" sabi niya.
Hindi ko alam pero parang gusto kong umiyak. Pinagtanggol ako ako ni Ivan. Naalala ko tuloy yung mga panahong kami pa kung saan madami ding umaaway sa akin dahil hindi nila matanggap na ako ang naging girlfriend ni Ivan.
Nabalik ako sa huwesyo ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila papaalis doon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kahit hindi niya aminin alam kong si Ivan siya. Sa kamay pa lang! Itong kamay na to ang gustong-gusto kong hawakan magdamag noon. Kahit sandali lang to masaya na ako at nahawakan ko muli yung malambot niyang kamay.
"S-ssorry" biglang sabi niya sabay bitaw sa kamay kong hawak-hawak niya. Ayaw ko sanang bumitaw pero hindi pwede. Lalo na ngayon na hindi niya ako makilala.

BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanficIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.