Nagtataka akong tiningnan ni Meg. Tiningnan niya ako na tila ba I owe her an explaination.
"What are you doing here?" Taas kilay niyang tanong sa akin.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Paano ko ba sisimulan? Maniniwala kaya siya sa akin?
Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si Ivan na nakapagbihis na. Amoy na amoy ko yung pabangon niya. Hindi pa din nagbabago yung perfume na ginagamit niya.
"She was lost. Nagkamali siya ng pasok. She thought this is her room." Paliwanag ni Ivan kay Meg. Kunot noo akony tiningnan ni Meg.
"Ano bang room number mo?" Tanong niya sa akin.
"406" tipid kong sagot. Gusto ko na lang maglaho sa harap ng dalawang ito dahil nahihiya na ako ng sobra.
Napadako ang tingin ko sa numerong nakapaskil sa pinto. Hindi nga ako nagkamali 406 nga ang pinasukan ko.
"Kaya naman pala mali ang napasukan mong room kasi hindi maayos na nakalagay yung number." Si Ivan uli ng makita niyang nakatingin ako sa room number sa pinto.
Bali hindi nayos yung pagkakalagay ng 9 kaya nung nakita ko na ay akala ko 406 na. I sighed in disbelief. Bakit ba kasi padalos dalos akong pumasok sa kwartong ito ng hindi man lang nag iisip.
Humingi ako ng pasensya kay Ivan pati na rin kay Meg at kinuha ko na yung mga gamit ko at agad na nagpunta sa kwarto ko. This time ay sinigurado ko na talagang 406 ang pinasukan ko. Ayaw ko nang mapahiya.
Napag-isipan ko na munang ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko pa feel bumaba saka mamayang hapon pa naman daw magsisimula party.
Maglalunch time na nung napag-isipan kong bumaba para makapaghangin sa labas. Hindi ko maiwasan ang hindi mainlove sa lugar na ito. Ang linaw ng tubig dagat, mapuputing buhangin na na ang lambot sa balat. Ang bango ng simoy ng hangin na tila ba nakakapagrelax.
"Pwede bang dito na lang ako mamalagi?" Mahinang tanong ko habang nakapikit.
Nabigla ako ng may biglang nagtakip sa dalawang mata ko. Kinabahan ako bigla. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero kilala ko ang mga kamay na to.
"I miss you." Mahinang bulong niya sa akin ramdam ko ang sincerity sa boses niya. At biglang umalis. He left me dumbfounded.
Hindi ako nakagalaw parang napako ang dalawang mga paa ko sa buhangin at hindi ko maihakbang papunta sa kanya na papalayong naglalakad.
Ano ang ibig niyang sabihin? He missed me pero hindi niya ako kilala. "Anong laro na naman ba to Ivan?" Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.
"Andito ka lang pala bru-- anyare sayo?" Takang tanong ni sa akin. Agad din naman akong nagkunwaring napuwing.
"Napuwing ako A. Tulungan mo naman ako. Ang hapdi na ng mata ko" pagsisinungaling ko. Agad din naman siyang nataranta at dali-daling hinipan ang mata ko.
"Ayan, wala na ba?" Tanong niya ng matapos niya akong hipan ng tatlong beses.
Nung feeling ko na medyo okay na ang pakiramdam ko ay tumango ako at niyakap ko si A sabay sabing "Thank you A."
"Echooss mo K! Drama mo ngayon" tapos niyakap niya din ako.
Mag aalas tres na ng hapon ng simulan na ang party. Dumating na din kasi yung iba naming kagrupo. Bente singko kaming lahat kasali si A. Hinati kami sa dalawang grupo. Magkagrupo si Meg at Ivan samantalang magkagrupo naman kami ni Louis at A.
Voleyball ang unang laro. Hindi ako mahilig sa sports pero may alam din ako sa paglalaro ng voleyball. Ang kasali sa first game sa kabilang team ay sina Meg, Ivan, Ana, Xian, Jellian, At Nicole. Sa group naman namin ay sila Louis, A, Samantha, Angelo, Angela at ako.
Nag tossed muna ng coin at amin ang unang served.
Hindi ko maipagkakailang magagaling ang kabila sa paglalaro dahil naanim na puntos na sila habang kami ay wala pa.
Nagtawag ng time out yung grupo namin. Biglang lumapit si Louis sa akin at aakmang may ibubulong pero tumawa lang siya. Nababaliw na ba to?
Muli nang nagsimula ang laro pero iba na ang awra ni Ivan ngayon. Halata sa mukha niya na wala siya sa mood. Kahit na hindi sa kanya napupunta ang bola ay kinukuha niya na naging dahilan kung bakit kami nakapuntos sa sobrang saya ko ay napayakap ako kay Louis na ikanakunot naman ng noo ni Ivan.
Nagtuloy-tuloy lang ang laro. Ganun pa din si Ivan. Nilalakasan niya yung pagpalo ng bola na nagiging dahilan kung bakit out palagi ang tira niya. Tumawag si Meg ng time out at kinausap si Ivan.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila dahil kumalma naman ito after nun.
Nagtapos ang laro sa score na 25-24 which talo kami.
"Hayaan mo, bawi tayo next game." Sabi ni Louis sa akin sabay kindat at napatawa na lang ako.
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanfictionIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.