It's been a year since naaksidente kami ni K. Alam ko kung ano yung mga ginagawa niya. Palagi ko siyang pinagmamasdan sa di kalayuan.Nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang nahihirapan, sa tuwing umiiyak siya. Alam ko namang dahil sa akin kung bakit siya nagkakaganyan.
Itinago kong buhay ako. Pinalabas ko na namatay ako sa aksidente. Sinabihan ko sila Mama at ang Mama ni K na itago muna. Dahil alam ko din naman na hindi ko na siya makakasama ng mas matagal pa.
May sakit ako na "Leukemia" cancer sa dugo, nalaman ko lang na may sakit ako nung araw na aksidente kami. Halos gumunaw ang mundo ko nun dahil hindi ko alam kung paano ka sasabihin kay K ang tungkol dun sa sakit ko.
Alam kong nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan na sasamahan ko siya kahit saan pero dahil sa lecheng leukemia na to ay mapapako ang lahat ng iyon.
Nakita ko siyang lumabas sa gate nila. Halata sa mukha niya ang pagkainis at lungkot. Sinundan ko siya ng hindi niya namamalayan.
Nahinto siya sa may Park kung saan kami madalas. Naupo siya dun sa may swing. Umiiyak na naman siya. It really breaks my heart seeing her like that.
Saktong dumaan si Louis na kasamahan ko sa music club at nakisuyo ako sa kanya na bigyan ng panyo yung babaeng umiiyak na nakaupo sa swing.
He gave me a confused look. Hindi niya siguro maintindihan kung bakit ako nakikisuyo sa kanya gayong pwede namang ako yung magbigay.
Umupo si Louis sa may kabilang swing katabj nung swing na inuupuan ni K, hindi ko alam kung ano yung pinag uusapan nila pero sana mapagaan niya ang loob ni K.
Kinabukasan ay enrollment na. Hindi ko inaakalang makikita ko si K sa loob ng M.U. Magtratransfer siya dito? Agad kong tinawagan si Louis na siya na muna ang magbantay sa admin room dahil may pupuntahan ako. Hindi niya ako pwedeng makita dito.
Ilang minuto na pagkalabas ko sa kwarto ng admin ay siya ring pagkapasok ni K sa loob, buti na lang talaga at hindi kami nag abot. Buong araw lang akong nakamasid sa kanila masaya na akong nakikita siya kahit sa malayo.
First day of school, gusto ko sanang dumaan na muna sa bahay nila para makita muna siya pero may kailangan akong gawin sa school.
Nag-uusap kami ni Meg sa may gilid ng daan ng masilayan ko si K na nasa loob ng sasakyan ni Louis. Bakit sila magkasama?
Naramdaman kong huminto ang sasakyan kaya inaya ko na si Meg na umalis na. Pinauna ko na muna si Meg sa school dahil may dadaanan pa ako pero ang totoo ay gusto kong makita si K.
Nakita ko siyang nakaupo at umiiyak sa lugar kung saan kami nag usap ni Meg. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit dahil sa iyak niya. Masyado ko na siyang nasasaktan ng sobra.
Nakasunod lang sa kanya si Louis na may pagtataka sa mukha. Maybe he thought na nababaliw na si K. Napabuntong hininga ako ang hirap itago ng nararamdaman ko.
Nasa music room ako hawak-hawak ang gitara ko. Naisipan kong mag strum at kinanta ang kantang Two is better than one. Sa bawat lyrics ng kanta ay si K lang ang naalala ko. Natigil ako sa pagtugtog ng may marinig akong boses sa labas. Boses ni Meg yun may kinakausap siya.
"What are you doing here?" Tanong ni Meg dun sa babae pero walang sumagot.
"What are you doing here?" Pag uulit ni Meg sa tanong this time ay naisipan ko ng silipin na sila at nakita ko si K. Halata sa boses niya na kinakabahan siya.
"A-ano k-kasi.. M-may n-narinig a-akong pamilyar na b-boses kaya hinanap ko" nauutal niyang sabi
"Paumanhin kong nakakaisturbo ako" dugtong pa niya.
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanficIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.