Thirty-Eight

33 3 3
                                        

"Please don't quit on me"  natulala ako nang marinig ko ang sinabi niya. Tiningnan naman kami ni Louis ng may halong pagtataka.

"Are you okay K?" Tanong ni Louis sa akin. Agad din namang kumawala sa pagkakayakap sa akin si Ivan.

"Y-yup! T-thank you!" Utal na sabi ko. Hindi ko mawarinang nararamdaman ko ngayon. May halong saya at pag-aalala.

Nang makauwi na kami sa loob ng resort ay patuloy pa din sila sa paglalaro. Nakita ko si A na medyo tipsy na din.

Nilapitan niya ako nang makita niya ako. "W-wherl hab yoh been?" Halata sa boses niya na lasing na siya.

"Hinanap kitaaa kaya." Nakapout niyang sabi 

Tiningnan niya si Ivan. "A-alam mo" sabat turo niya kay Ivan.

"Kamukhang kamukha mo talaga shhiya. Hehehe"  napakagat ako sa ibabang labi ko. Damn, A!

Nakita ko din sa gilid ng mata ko ang pagtataka sa mukha ni Louis. He's puzzled. Alam kong naguguluhan siya sa mga pinagsasabi ng kaibigan ko.

"Di ba K? Kamukha niya yung ex mo? Kapangalan pa." Tapos tawa uli.

Mabuti na lang at di naririnig ng mga kasama ko ang mga pinagsasabi niya dahil sa lakas ng music.

"A, Stop it. You're drunk." 

"Lashing? Shinong lashing?" Ako? " she giggled.

"Matulog ka na A. Maaga pa tayo bukas." Sabi ko at inalalayan siya sa paglalakad.

Tinulungan ako ni Ivan sa paghatid kay A sa kwarto niya. Kung hindi ko lang talaga to kaibigan malamang sa malamang ay hinayaan ko na lang siyang lamigin doon sa labas.

"T-thank y-you." Mahina at nauutal kong sabi ng matapos naming maihiga sa kama si A. He just smiled.

"Saka pasensya ka na sa mga pinagsasabi ni A kanina ha." Sabi ko ng di makatingin sa kanya ng diretso.

Ginulo niya ang buhok ko na naging dahilan para matingnan ko siya agad nag init ang pisngi ko. Yumuko siya at nilapit ang mukha niya sa tenga ko sabay sabing " You're blushing." Then he chcukled. Agad din naman akong napahawak sa dalawang pisngi ko. Gosh! Nakakahiya.

"See you tomorrow. Agahan niyong dalawa ng kaibigan mo. Kung ayaw niyon iwan ko kayo." Sabi niya habang nakapamulsang naglalakad palabas ng pintuan.

Hindi maprocess ng utak ko ang mga sinabi niya. Nawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Ivan ng may biglang kumalabog sa loob ng kwarto. Bigla kong naalala si A. Shit! Baka nahulog na yun sa kama.

Agad din naman akong tumakbo papunta sa loob ng kwarto at nakita ko siyang hawak-hawak yung beywang niya.

"Aarraayy" daing niya sabay himas sa beywang niya

"Ayan! Inom pa A! Alam mo naman na mahina tolerance mo sa alak. Iinom-inom ka pa." Sermon ko sa kanya habang inalalayan ko siya pabalik sa kama.

"Hindi ako makatanggi sa mga kagrupo mo K." Sa tono ng boses niya mukhang nahimasmasan na siya ng konti. Malaki ata ang naitulong nang pagkahulog niya sa kama.

"Anong oras ba tayo aalis mamaya?" Tanong niya. Mag wa-one A.M na din pala.

Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong oras. Saka magkocommute lang naman kami bukas.

"Hindi ba tayo sasabay ka Louis?" Tanong niya ulit. Napataas ang kilay ko sa tanong niya.

Umiling ako bilang sagot ko. Nakakahiya na sa tao kung sasabay kami sa kanya. Isipin pa nun namimihasa na kami or inaabuso namin kabaitan niya

"Sayang. Bet ko pa namang sumakay sa kotse nun" natatawang sabi niya.

Binatukan ko nga. Ang kapal talaga ng mukhang na babaeng ito.

"Matulog ka na A. Maaga tayong aalis bukas. " sabi ko na lang.

"Dito ka na matulog K. Tabi tayo." Pagapacute niya.

Hindi na din ako umimik. Total dala-dala ko na din naman yung gamit ko.

Nagising ako sa isang malakas na katok sa may pinto. Tamad akong bumangon at nagtungo sa may pintuan para buksan yung taong nasa labas.

Agad na nawala ang antok ko nang makita ko kung sino ang kumakatok. Magkasalubong na ang kanyang dalawang kilay na animoy naiinip na para bang ilang dekada na siyang naghihintay sa labas.

"What took you so-" Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil halata naman kasing kakagising ko lang. Ni hindi nga ako mag abalang maghilamos pa.

"Hindi ka pa bihis?" Taas kilay niyang sagot.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Gosh! Ang panget ko tingnan ngayon. Sobrang gulo nang buhok ko. At saka feeling ko talaga may muta pa ako.

"I told you na maaga tayo ngayon. Dahil maaga tayong aalis!" Nakakunot na naman yung noo niya. Kailan ba niya ako kakausapin ng hindi siya galit?

"Huwag mong sabihin na nakalimutan mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Bakit ba ang ingay? Sino ba yang kausa-" sabi ni A habang humihikab palapit sa amin pero agad din naman itong naputol ng makita niya si Ivan sa labas.

"I-ivan. Hehehe" nahihiyang sabi ni A. Tapos agad bumalik sa loob.

"Maghanda na kayong dalawa. Hihintayin ko kayo sa may lobby sa baba" at iniwan niya akong nakaawang ang bibig. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. Isasabay niya ba kami?

Shadows of YesterdayMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon