Pagkatapos ng seremonyang ginawa kanina ay hindi kami pwedeng maghiwalay ni Ivan ng dalawang oras "honeymoon" daw ang tawag nila dito. I find it corny. Hindi naman yun totoong kasal.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapatitig sa mukha ni Ivan na ngayon ay tahimik na natutulog habang nakahiga sa damuhan dito sa soccer field. Bakit ba sobrang pogi niya? Mula sa mahahaba niyang pilikmata, sa matangos niyang ilong, sa makinis niyang balat. Sinalo niya halos lahat ng kagwapohan sa mundoa Nang magbasabog siguro ng kagwapohan ang Diyos ay gising na gising to.
"Watching someone sleeping is rude" mabilis kong nailipat ang tingin ko sa kabila ng sabihin niha yun.
Umayos siya sa pagkakahiga niya at inunan niya yung dalawang braso niya habang nakatingin sa langit
"If you're uncomfortable with me, you can leave me here" tiningnan ko siya at nakatitig na din siya sa akin.
"Don't worry. I'll take whatever the consequences they will give." Napakunot ang noo ko. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Nasaniban ba to ng masamang espiritu?
Hindi ako umimik bagkus ay ginaya ko na lang siya at nahiga na lang din sa damo at pumikit
"I thought it's rude to watch someone sleep?" Tanong ko nang mapansin ko siyang nakatingin sa akin.
Hindi niya ako sinagot at bumalik na lang din siya sa pagpikit ng kanyang mga mata.
Dalawang oras. Ito ang isa sa dalawang oras na napakabilis lumipas. Hindi ko namalayan na dalawang oras na pala kami dito sa may soccer field. Kahit hindi kami nag-iimikan ay bakit ang bilis nang takbo ng oras?
"Maam tapos na po ang honeymoon stage niyo." Sabi nung babaeng kakadating lang
Tumango lang ako bilang sagot ko. "Pagkatapos ba ng honeymoon ay divorce agad?" Natawa ako ng bahagya sa naisip ko.
Tumayo bigla si Ivan at Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Napatitig lang ako tila naguguluhan sa pinaggagawa niya.
Kinuha niya bigla ang kamay ko ng hindi ko agad inabot Ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay. Kunot noo ko siyang tiningnan. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso.
"Pwede tayong maglibot sa school mg sabay" nahihiyang sabi niya.
"You're blushing." Puna ko nang mapansin kong namumula ang pisngi at tenga niya.
"I'm not." Saka niya ako hinila paalis. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Masaya ako sa mga pinapakita ni Ivan sa akin ngayon.
Habang naglilibot kami sa school ay mah napansin kaming nagkukumpulang mga estudyante na nakatingun sa may bulletin board ng school. Naisipan naming tingnan kung anong meron dun at bakit madaming tao.
"Oh.my.God!" Yan lang ang tanging nasabi ko nang makita ko yung picture namin ni Ivan na kuha sa marriage booth. Kung saan hinalikan ako ni Ivan.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Bakit nakapaskil amg litrato namin sa bulletin?
Binasa ko ang buong nakasulat sa bulletin board.
Vote for your favorite pair!
1. The MOST POPULAR special award shall be based on the “votes” garnered by each pair in their photo.
2. Lagyan lang ng puso ang pictures ng pair ng gusto niyo. Kung sinong pair ang may pinakamaraming puso ang siyang tatanghaling panalo.
3. Voting is now open
4. Voting shall end at Tomorrow at 12 noon.
"F***!" He silently curse.
Wala akong ideya sa pakontest na ito. Bakit hindi ito pinaalam sa amin?
Tiningnan ko ulit yung pictures namin at madami itong hearts.
"Di ba taga music club to?" Tanong nung babaeng nakasalamin dun sa kaibigan niya.
"Oo. Bagay sila no?" Sagot naman nung isa.
Kung hindi lang sa ganitong sitwasyon ay kikiligin na ako sa mga pinagsasabi nila. Bigla kong naalala si Meg. Hindi ito dapat makita ni Meg.
Kukunin ko na sana yung pictures na nakapost sa bulletin ng may mabasag na bote na nag-agaw ng atensyon sa mga estudyanteng nandoon.
Nakita ko si Meg naiiyak siya habang nakatingin sa amin ni Ivan. Bumaba yung tingin niya sa kamay namin at doon ko lang narealize na magkahawak pala ang kamay namin ni Ivan kaya bigla akong napabitaw.
Ngumiti si Meg sa akin ng mapakla at tumakbo paalis. She's hurt. I can see it on her eyes.
"I'm sorry Meg." Mahinang sabi ko

BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanfictionIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.