"1, 2,1,2, 1,2,3" pagbibilang ni Meg habang nagprapraktis kami.
"Buhatin niyo yung girls boys" dagdag pa niya.
"Dahan-dahang ibaba then lapit kayo sa boys girls. " Patuloy sa pag iinstruct ni Meg sa amin. Hindi ko maiwasan Ang hindi tingnan so Meg habang sumasayaw. Napakagaling niyang sumayaw. Bagay na bagay sila ni Ivan. Iniwas ko bigla ang tingin ko ng biglang tumingin si Ivan sa akin.
"Why so serious ganda?" Bulong ni Louis sa akin na ikinapula Ng pisngi ko.
" Huwag ka ngang bolero Louis" sabay hampas ko ng mahina sa balikat Niya.
"Ilang beses ko bang sasabihin na maganda ka. " Nakangiting Sabi niya.
"Oo na, salamat." Sagot ko.
"What if ligawan Kita?" Bigla lumaki at Mata ko dahil sa tanong niya na naging dahilan sa pagkatapilok ko. Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit.
"Are you okay K?" Nag-aalalang tanong ni Louis sa akin.
"I'm okay Louis." Saka ako dahan-dahang tumayo pero natumba ulit dahil sa sakit . Laking gulat ko na lang na Hindi na sahig yung nabagsakan ko kundi yung mga braso na ni Ivan. Nakaluhod siya para masalo Niya ako. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Uminit yung dalawang pisngi ko.
Dinala ako ni Ivan sa may upuan at bahagya siyang lumuhod para hubarin Yung sapatos na suot ko at tiningnan ang paa ko.
"Okay, break na muna!" Sabi ni Meg sa amin
"Maga Yung paa mo, bakit Hindi Kasi nag-iingat" bakas sa Boses Niya Ang pag-aalala. Bakit ka ba ganito Ivan? Sa tuwing naiisipan kong itigil na lahat at subukan na lang Ang mag move on bigla ka na lang gagawa Ng mga bagay na nagpapatigil sa paglimot ko sayo. Ayaw mo na ba talaga akong maging masaya?
"Okay lang ako." Sabi ko Ng Hindi nakatingin sa kanya.
"May okay ba na maga Ang paa?" Medyo tumaas na din Ang Boses niya. Alam kong naiinis na siya
"Sabing, okay lang ako" saka aakmang tatayo pero pinigilan niya at mahinang itinulak paupo. Tiningnan ko siya ng masama. Dahil naiinis na ako sa mga pinaggagawa Niya.
Laking pasasalamat ko at biglang dumating si Louis
"Here." Si Louis, Sabay abot sa akin ng tubig. Agad ko namang kinuha at ininom. Nakita ko Kung paano kumunot Ang noo ni Ivan.
Nabigla ako ng biglang lumuhod si Louis at hinawakan Ang paa ko saka Niya nilagyan Ng ice. Saan siya kumuha nun?
"S-salamat" nahihiyang sabi ko.
"Sorry. " Louis said sincerely.
"Kahit ano pang sorry mo. Hindi na mawawala na nasaktan siya. Na namaga Yung paa Niya" biglang Sabat ni Ivan. Tiningnan ko nga siya ng masama.
"May problema ka ba sa akin pare?" Inis na tanong ni Louis Kay Ivan na ngayon ay magkaharap na sa isa't-isa. Pero Hindi na lang umimik si Ivan at nilagpasan lang si Louis.
"Gago!" Sigaw ni Louis kay Ivan na kumuha ng atensyon sa mga kasama namin.
Huminto sa paglalakad si Ivan at humarap ulit Kay Louis pero Hindi man lang siya nagsalita. Tiningnan niya ako hanggang sa napunta yung tingin Niya sa kamay ko. Agad akong napabitaw ng marealize Kong hawak hawak ko pala ang kamay ni Louis. Pinigilan ko kasi siyà baka sugurin niya si Ivan.. Ivan just smirked at saka umalis na ng Gym.
"Ivan!!" Rinig Kong pagtawag ni Meg sa kanya pero Hindi man lang siya lumingon. Kung ako ba Ang tatawagan lilingon ba siya? Asa!
Tinignan ako ni Meg na para bang I owe her an explanation. Wala naman akong ginawa. I just shrugged my shoulders.
"A-aaaah Louis," tawag ko sa kanya ""salamat nga pala dito" Sabay turo ko sa yelo.
"Anything for you " sabay kindat.
Dahil sa maga ang paa ko ay Hindi na ako nakapagpraktis hanggang sa hapon. Nanuod na lang ako sa kanila. Hindi na din bumalik si Ivan nung praktis namin sa hapon. Hindi din Naman Alam ni Meg kung saan siya nagpunta.
"Nalilito na ako sayo Ivan. Ano nga ba ako para sayo?" Tanong sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanficIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.