Panay ang hinga ko ng malalim dahil sa kaba. Andito na kasi kami sa lugar kung saan gaganapin ang contest sa dati kong school ang St. Claire University. Madami akong magagandang alaala sa school na ito. Dito kami nagkakilala ni Ivan saksi ang eskwelahang ito Kung gaano namin kamahal Ang isa't-isa.
Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng gymnasium. Wala pa ding pinagbago. Maganda pa din ito. May naaalala kaya si Ivan dito? Siguro wala kasi hindi niya din naman ako kilala o maalala.
"Okay guys! We need to win this contest! Kailangang maiuwi natin ang trophy! Kaya galingan natin a'right?" Pag eencouraged ni Meg sa amin pero hindi ko pa din maiwasan ang hindi kabahan.
Nabigla ako ng may biglang humawak sa kamay ko.
"Kapag nanalo tayo pwede ba tayong lumabas?" Nakangiting tanong ni Louis sa akin.
"Ha? A-ah S-sige" wala sa isip na sagot ko dala na din ng kaba.
"Tsk" si Ivan na nakatingin sa amin at bumaba yung tingin niya sa kamay ko. Bigla ko din namang binawi ang kamay ko na hawak-hawak ni Louis. Bahagya siyang nagtaka pero ngumiti din naman ito agad.
"Wala ng bawian ha! Pumayag ka na!" Masiglang sabi niya. Bigla din naman akong napaisip sa naging sagot ko sa tanong niya at tanging pagsapo na lang ng noo ko ang nagawa ko. Bigla na lang akong pumayag ng hindi man lang nag-iisip.
Mas lalo akong kinabahan ng magsimula ng magsalita ang emcee. May kung anu-ano pa siyang pinagsasabi bago simulan ang contest. Kami ang panghuling contestant sa labing-limang kalahok at masyadong nakakakaba lalo na't sobrang magagaling ang mga kalaban namin.
Malakas ang hiyawan ng mga manunuod nang matapos ang ika labing-apat na kalahok. Kami na ang susunod.
Napalunok ako ng laway nang tawagin na kami ng emcee "and now the last but not the least!! From the Miriam University, the ZIONNS!" Napuno ng hiyawan at palakpak ang buong gymnasium ng lumabas na kami sa stage. Narinig ko pa nga ang sigaw ni A. Nakaabot nga siya.
"Huwag kang kabahan. Just feel the music and dance" pabulong na sabi ni Louis na tinanguan ko lang.
Nagsimula ng tumugtog Yung music namin at nagsimula na din kaming sumayaw. Sa una ay medyo kabado pa ako pero di kalaunan ay nawala na din yung kaba ko. Napatingin ako kaY Ivan na seryosong nagsasayaw. He really loves dancing pero mas love niya ang singing.
Napadako yung mata ko sa kamay niyang nakahawak kay Meg. how I wish na ako yung partner niya though may steps kami na magpapartner kami pero saglit lang yun.
"Smile K." Sabi ni Louis ng mapansin niyang hindi na ako nakangiti at sinunod ko din naman iyon.
Nagsimula na kaming magpalit ng partners pero sa pag-ikot ko ay natapilok ako buti na lang at nasalo ako ni Ivan at bahagyang napayakap ako sa kanya. Hindi din masyadong halata yung pagkakamali ko dahil ganun na lang din ang ginawa ni Meg tila ba alam niyang matatapilok talaga ako.
"Be careful" seryosong saad ni Ivan. Hindi na lang ako umimik pa at nagpatuloy na lang sa pagsasayaw.
Bigla kong naisip kung saan galing tong costume na binigay niya. Pinagawa niya ba to on purpose?
"Huwag kang sasama kay Louis" di makatinging sabi niya.
Tiningnan ko siya ng may pagtataka? Bakit ayaw niyang sumasama ako kay Louis?
"Are you jealous?" Out of nowhere na tanong ko. Na pinagsisihan ko na natanong ko sa kanya. Masyado naman akong ilusyunada sa tanong na yun. Hindi siya umimik nakatingin lang siya sa kay Meg.
"Bakit nga ba siya magseselos K? Hindi ka niya kilala, at lalong wala siyang feelings sayo!" Sabi ng konsensya ko.
Magsasalita na sana si Ivan pero huli na kailangan ko ng bumalik sa dating partner ko which is Louis. Gusto kong malaman ang sagot niya.
Pagkatapos naming sumayaw ay nagpunta na kami sa backstage. Hindi pa naannounce kung sino ang panalo. Kinacalculate pa ng mga judges yung score.
Lumapit ako kay Meg para magpasalamat sa ginawa niya sa ginawa niyang adlib.
"Meg, thank you kanina ha" sincere na sabi ko.
Bahagya siyang natawa " nukaba K! Talagang natapilok din ako nun." Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.
"Akala ko nga sinadya mo din yun para lang pagtakpan ako" Dagdag pa niya.
"Parehas pala tayo" at sabay kaming napatawa.
Tinawag ang lahat ng kalahok na magpunta dun sa harap ng stage dahil iaannounce na yung nanalo.
Halos matanggal yung paa ko sa kakatalon ng tinawag kami as Champion! Naghiyawan ang mga kasama ko sa tawa.
Napayakap ako bigla kay Ivan habang nagtatalon-talon sa tuwa at ganun din siya. Bigla din naman akong napahiwalay sa pagkakayakap sa kanya.
"Congrats!" Nakangiting sabi ko na ginatihan niya lang ng ngiti din.
"Paano ba yan K,? So kailan tayo lalabas?" Biglang sulpot ng nakangiting si Louis.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Ivan. Yung ngiti niya kanina ay nawala na lang bigla.
"She's not going with you." Tipid na sabi ni Ivan na ikinabigla ko.
"Because she's going with me." Dagdag pa niya na nagpalaglag ng panga ko.
BINABASA MO ANG
Shadows of Yesterday
FanfictionIsang aksidenteng , nagpabago sa buhay niya. Paano kung naisipan na niyang kalimutan ang mga pangyayari ngunit sa kabila ng kanyang paglimot ay makita niya ang lalaking akala niyang wala na.